Chapter 12

16.4K 271 3
                                    


"Don't cancel the meeting, doon na lang tayo magkita. Prepare all the documents we need," sabi niya sa sekretarya na nasa kabilang linya. Tumawag ito upang ipaalala sa kanya ang meeting nila sa isang kliyente.

Nang maputol ang linya ay dali-dali siyang pumasok sa banyo upang maligo. Habang umaagos ang tubig sa katawan niya ay naisip niya ang mga sinabi ni Charito. Gusto niya sanang sabihin rito na pati ito ay napatawad na niya. Na ang nangyari kagabi ay gusto rin niya at hindi lang dala ng simpatiya at awa. He wanted to tell her how he really feel for her. Na nang mawala ang galit na nararamdaman ay nagsimulang magbukas ang puso niya para sa ibang emosyon. Na pakiramdam niya ay nahuhulog na ang loob niya sa asawa. Na maaaring noon pa niya napapansin ang mga pagpapahalaga at pagmamahal na binibigay nito subalit nagbubulagbulagan lang siya dahil sa galit at pride niya. Na nang mawala ang galit niya ay unti-unting nabuksan ang mata at puso niya sa mga naging effort ng asawa.

Pero kung sasabihin niya iyon ngayon ay baka ipagkamali lang ng babae na kaya niya lang sinasabi iyon ay dahil nadadala lang siya ng awang nararamdaman niya para rito, katulad ng pagkakamali nito na kaya may nangyari sa kanila kagabi ay dahil lang pinagbigyan niya ito dahil sa awa.

Hahayaan niya muna ito. Kapag tama na ang pagkakataon at panahon ay saka niya sasabihin rito ang mga gusto niyang sabihin kanina. She waited for him and love him kahit na walang kasiguruhan kung mamahalin rin niya ito. Magagawa niya ring maghintay hanggang maging maayos na ang asawa. 

Nang nagdaang araw ay napagdesisyunan na niyang ititigil na niya ang kahibangan niya. Mahal na mahal niya ang asawa pero kung hindi talaga siya nito kayang mahalin ay bibitiw na siya. Walang dahilan para ipilit pa niya ang sarili rito. Karapatan nitong maging maligaya, masakit na hindi niya iyon kayang ibigay sa kabiyak pero tatanggapin niya dahil ginawa niya ang lahat para mahalin rin siya nito. Pero kung talagang hindi nito kayang gawin iyon, hindi na niya ito pipigilang mahanap ang sariling kaligayahan nito, kaysa manatili itong miserable sa piling niya.

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now