Chapter 6

15.2K 301 24
                                    


Chapter 6

Hindi pa lubusang nakakahinto ang taxi ay binuksan na ni Charito ang pinto niyon para makababa. Binigyan niya ng buong two hundred ang driver at hindi na niya kinuha pa ang sukli. Nang makita siya ng guard na palapit ay agad na binuksan nito ang gate na rehas.

"Good morning po, Ma'am Charito," bati nito sa kanya.

Tango lamang ang isinagot niya dahil talagang nagmamadali siya. May dahilan kung bakit ganoon siya. Lumaki siya sa pagmamahal at sa secure na environment kaya naman matatag ang kalooban niya at hindi basta basta nababahala sa kung sino o anong bagay. Mabibilang lamang sa daliri niya ang mga pagkakataon na nakakaramdam siya ng kakaibang pagkabalisa, una ay noong araw na mamatay ang kanyang ina, nasa eskuwelahan siya noon at umaga pa lang ay hindi na siya mapakali at nakakaramdam ng kakaibang kaba, sa kalagitnaan ng klase ay sinundo siya ng ama, pumanaw na pala ang kanyang ina na noon ay ilang linggo nang nakaconfine sa ospital dahil sa sakit na breast cancer. At ang pangalawa ay noong gabi na maengage si Matthew sa ex-girlfriend nito. Maski noong nagkakagirlfriend si Matthew ay hindi siya nakakaramdam ng ganoon. Sa tuwing makakaramdam siya ng ganoon, pakiramdam niya ay isa iyong babala na may mangyayaring masama o kaya ay mayroong mawawala sa kanya. Dahil sa naisip ay lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya, lalo pa niyang binilisan ang paglalakad.

"Dad!" tawag niya sa ama nang nasa loob na siya ng bahay.

Nakita niyang lumabas mula sa kung saan si Nanay Fe.

"Charito!" tila gulat na sabi nito ng makita siya.

"Ang daddy?" tanong niya agad rito.

"Hindi pa lumalabas sa kuwarto niya, natutulog pa yata kaya hindi ko kinakatok." Paliwanag nito at sumunod sa kanya habang binabaybay niya ang daan papunta sa silid ng ama.

"Pasado alas otso na, lagpas na ng oras ng breakfast niya, hindi ho ba? Dapat ay kanina pa siya gising dahil oras na rin ng pag-inom ng mga maintenance medicine niya."

"Gigisingin ko pa nga lang sana nang marinig ko ang boses mo. Ano bang nangyayari bakit parang alalang-alala ka?" nagtatakang tanong nito sa kanya dahil nasense na marahil ng matanda ang urgency niya na makita ang ama.

"Dad?" tawag niya rito mula sa labas ng pinto kasabay ang pagkatok subalit walang sagot mula sa loob. Pinihit niya ang doorknob subalit nakalock iyon. "Dad!" mas nilakasan pa niya ang pagtawag at pagkatok. "Nasan ang susi ng kuwarto ni daddy?" baling niya kay nanay Fe, hindi na talaga maganda ang kutob niya.

"T-teka kukuhanin ko," sabi ng matanda na natataranta na rin dahil sa hindi pagsagot ng amo mula sa loob ng silid. Ilang minuto lang ay humahangos na nagbalik ito dala ang susi. Kaagad niya iyong kinuha mula sa mayordoma at nanginginig ang kamay na binuksan ang pinto.

"Dad!" agad niyang nilapitan ang ama na nakahiga sa kama, Niyugyog niya ito subalit hindi ito kumilos. Napaiyak na siya dahil sa nangyayari. Muli niyang niyugyog ang ama, "Daddy!" hindi pa rin kumikilos ang ama. Idinikit niya ang tainga sa dibdib ng ama upang pakinggan ang tibok ng puso nito subalit wala siyang marinig. Lalo siyang napahagulhol ng iyak.

"Dad!" sigaw niya habang patuloy na umaagos ang masaganang luha sa mga mata niya. "Tawagin nyo si Mang Romy, dadalhin natin ang daddy sa ospital!" utos niya sa matanda na umiiyak na rin, pero agad naman itong tumalima. "Daddy, gumising ka." Niyakap niya ito habang niyuyugyog. "Daddy!" paulit-ulit na tawag niya rito. Ilang sandali pa ay humahangos na muling bumalik si Nanay Fe kasama na si Mang Romy kasama ang isa pang boy nila. Pinagtulungan ng mga ito na buhatin ang kanyang ama papunta sa sasakyan. Nang maiayos ng mga ito ang kanyang ama ay agad na pinaandar na ni Mang Romy ang sasakyan papuntang ospital.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now