Chapter 13

17.1K 318 24
                                    


Hapon na nang matapos ang meeting ni Matthew, nagmamadali siyang bumalik sa opisina upang maabutan pa si Charito. Alam niyang ipapaalam sa asawa ni attorney Morales ang mga iniwan sa kanyang ari-arian ng yumaong biyenan. Nais niyang ipaliwanang rito na ibabalik niya rin ang mga iyon kay Charito. Dahil mag-aalas singko na ay pinadiretso na niya ng uwi ang kanyang sekretarya at siya na lamang mag-isa ang bumalik sa opisina. Nagbabakasakali lang siya na maabutan pa niya si Charito roon dahil alas kuwatro ng hapon ang usapan nito at ng abogado na oras na magkikita ayon kay attorney Morales ng tawagan niya ito kanina para tanungin.

Paglabas niya mula sa elevator ay nakasalubong niya si attorney Morales, mukhang katatapos lang nitong makipag-usap kay Charito.

"Magandang hapon, attorney," bati niya rito.

"Magandang hapon rin," tugon nito.

"Tapos na ho kayong mag-usap ni Charito?"

"Katatapos lang." sagot nito sa kanya.

"Pupuntahan ko lang ho si Charito, nasa loob pa ho siya?"

"Oo, nandun pa."

"SIge ho attorney, mag-ingat ho kayo." Paalam niya rito.

"Matthew," tawag ng abogado sa kanya. Muli niya itong nilingon. "I'm sorry to hear about the annulment."

Hindi kaagad siya nakakibo sa sinabi nito.

"Charito told me about it. I'm sorry." Sabi pa nito ng hindi siya nagsalita.

"Me, too, attorney. Since you mentioned it, I have a favor to ask you."

"Anything, hijo."

"Huwag niyo ho munang i-process ang annulment. And please don't tell her that I am asking you this favor."

"Are you saying that you want to work on your marriage?"

"That's exactly what I'm saying, attorney."

"But Charito explained to me na napilitan ka lang na pakasalan siya, in fact, iyon ang gagawin niyang ground for your annulment."

"It's true na napilitan lang akong magpakasal and I have my own horrible reason kung bakit ko siya pinakasalan, but it's all in the past now. I wanna stay married to my wife. I'm just giving her time and waiting for the right moment to tell her how I really feel. So please attorney, don't process it yet," mahabang paliwanag niya.

"Alright, I'll postpone it. Sana ay maayos nyo ang inyong pagsasama."

"Maraming salamat, attorney."

Tinapik siya nito sa isang braso na parang sinasabing 'good luck'. "I'll go ahead." Paalam nito.

"Mag-iingat ho kayo," iyon lang at umalis na ang abogado. Kaagad siyang nagtungo sa opisina ng asawa. Bubuksan sana niya ang pinto nang marinig niyang may kausap ito sa loob kaya kumatok na lang muna siya.

"Come in," narinig niyang sagot nito sa loob.

Pagpasok niya sa loob ay nakita niyang naroon rin si Mark. Hindi niya maiwasang kumunot ang noo. Ano na namang ginagawa nito rito? Bulong ng isip niya.

"Mr. De lara," bati ni Mark.

"Mr. Perez." Tugon niya at pagkatapos ay binalingan si Charito. "Puwede ba tayong mag-usap? Privately?"

"S-sure," sagot nito at tiningnan si Mark. "Mark, can you give us some privacy?"

"Doon na muna ako sa opisina ko, I'll wait for you," narinig niyang sabi nito sa babae na lalong nagpalalim ng kunotng noo niya.

Tumango lang ang babae at lumabas na ng silid si Mark.

"May lakad ka?' tanong niya sa babae ng silang dalawa na lang ang naiwan.

"Mark is inviting me for a coffee," paliwanang nito.

"You just move out and you're already going out with other guy." Mahinang bulong niya.

"Huh? Ano yun?" tanong ni Charitong hindi narinig ang sinabi niya.

"Sabi ko, kung kamusta pag-uusap nyo ni attorney? Did he tell you na may mga iniwan n aproperty sa akin si Ninong?" sa halip ay sagot niya.

"He did," maiksing sagot nito.

"Gusto ko lang sabihin na ibabalik ko rin iyon sa iyo."

"Why?" tila nagtatakang tanong nito.

"Because it's yours. Ikaw ang dapat na magmana ng lahat ng iyon. Wala akong karapatang tanggapin iyon.

"Iniwan iyon ni daddy para sa'yo. Keep it. Hindi mo kailangang ibalik sa akin ang mga iyon. It's yours. He wanted to make sure that no matter what happens, you're gonna be fine. Dad loved you and he wanted to secure your future. I guess that is the reason why he gave you half of his fortune, don't worry, I don't mind, not because I already have too much, but because I know for a fact kung gaano ka niya kamahal. Itinuring ka talaga ni Daddy na parang tunay na anak. And I'm so sorry that he had to betray you because of me."

Hindi siya nakakibo sa huling sinabi ng babae.

"About the annulment," patuloy nito nang manatili siyang tahimik. "I already told attorney Morales. Siya na ang bahala sa lahat, wala na tayong aalalahanin pa."

"Did you really moved out?" sa halip ay tanong niya.

Tumango ang kaharap. "May mga ilang gamit lang akong naiwan, hindi na kasi kasya sa maleta kay iniwan ko na lang muna, babalikan ko na lang kapag may oras ako o ipapakuha ko na lang kay Mang Romy." Sagot ng asawa. "Kung... kung wala ka ng sasabihin, may.. may pupuntahan pa ko." Patuloy nito nang hindi siya kumibo.

Natinag siya sa kinatatayuan niya. "Ganun ba? S-sige, mauuna na ko." Mabigat ang mga hakbang na lumabas siya sa opisina ng asawa.

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now