Chapter 8

14.6K 301 21
                                    


"Sir, Attorney Morales is here," paalam sa kanya ng sekretarya sa intercom. Ang tinutukoy nitong dumating ay ang abogado ng ninong Donald niya.

"Send him in," sagot niya.

Ilang sandali lang ay nakita niyang pumapasok na ito sa opisina niya. Tumayo siya upang salubungin ito.

"Good afternoon, Matthew," bati nito sa kanya.

"Good afternoon din ho, attorney. Ano ho'ng atin?" iginiya niya ito paupo sa visitor's area sa gitna ng opisina niya.

"Narito ako para ipaalam sa inyo ang mga huling bilin ni Donald. And there is something I wanted to give you."

"Hindi ho ba dapat ay si Charito ang kausapin ninyo?" tanong niya rito.

"Kakausapin ko rin si Charito kapag handa na siya, pero sa ngayon ay ikaw muna ang kakausapin ko."

Hindi siya nagsalita at pinanood lang ito habang kinukuha ang mga dokumento sa loob ng brief case nito.

Binigyan siya nito nang isang folder, nang buksan niya iyon ay mga titulo at legal documents ang laman niyon.

"Donald is giving you half of his fortune," simula nito. Inisa-isa nito sa kanya ang mga pag-aari na ipinamamana sa kanya ni Donald, mga lupa at building na pag-aari ng yumao. "He is also giving you fifty percent of this company." Sinimulan nitong isa-isahin ang mga property na ipinamamana sa kanya.

"I can't accept this attorney, I don't have the right na tanggapin ito. Ang lahat nang naiwan ni Ninong ay nararapat na kay Charito mapunta, she is his only heir. All of this property ay dapat lang na mapunta sa anak niya. Bakit niya ibinibigay sakin ang kalahati nang kayamanan niya? Wala akong karapatan para rito attorney, tanging anak lang niya ang may karapatan rito. " Sabi niya sa attorney nang matapos itong magpaliwanag.

"Don't get me wrong, hijo. That is what I expected that he would do, na ibibigay niya ang lahat ng maiiwan niya kay Charito, dahil nag-iisang anak niya ito. Hindi ko inaasahan ang naging desisyong ito ni Donald. In fact, I ask him kung bakit ganito ang naging desisyon niya.Ang sagot niya sakin, hindi lang daw si Charito ang anak niya. You were a son to him as much as Charito is a daughter to him. Kahit kalian ay hindi ka niya itinuring na ibang tao, you were always a son to him."

Binalot ng pagka-antig ang dibdib niya. "Nagpapasalamat ako sa iniwan ni Ninong, pero talagang hindi ko matatanggap ito attorney. I am giving up the rights sa mga property na ito. Isinasalin ko ang lahat ng karapatang iyon kay Charito. She should have all of this."

"Alam niyang ganyan ang magiging reaksiyon mo kapag nalaman mong iiwan niya sa'yo ang kalahati ng ari-arian niya kaya naman he made sure na hindi mo ito matatanggihan. Ang mga iniwan niya sa'yo ay non-transferrable. And if you're still going to refuse, maging si Charito ay hindi magkakaroon ng karapatan sa mga ito, hindi ito pwedeng mapunta sa kanya. Kung isusuko mo ang karapatan rito, all this property will be donated to the government and non government organization. You can sell the property but not with in ten years from the time na maisalin ito ng tuluyan sayo."

Hindi siya nakakibo kaagad. Alam niyang wala siyang karapatang idonate ang mga pinaghirapang ipundar ng ninong niya. Alam niyang ang iba doon ay ang mga lolo at lola pa ni Charito ang nagpundar, kaya para sa kanya ay hindi option na idonate ang mga iyon. His late Godfather knew that he is very aware kung paano nagsumikap ang mga magulang nito at maging ito na rin to build the fortune that they have right now. What he can do is sell the property to Charito after ten years at pagkatapos ay ibalik ang perang mapagbebentahan niyon kay Charito,in that way ay parang isinauli niya lang kung ano ang nararapat para rito.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon