Chapter 11

17.1K 341 28
                                    


Nang matapos maligo ay tinuyo niya ang sarili, nang mapaharap siya sa salamin ay nakita niya sa leeg ang bakas ng nangyari sa pagitan nilang mag-asawa nang nagdaang gabi. There are some red marks on her neck and on her chest, hinaplos niya iyon at malungkot na napangiti. Ipinilig niya ang ulo at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa katawan. Ayaw niya nang mag-isip ng kung ano-ano dahil baka magbago pa ang desisyon niya na tapusin ang pagsasama nila ng lalake bilang mag-asawa. Matthew deserved to be happy at iyon ang ibibigay niya kahit pa nangangahulugan niyon ay ang paghihiwalay nila.

Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang nakaupo na si Matthew sa kama at tila hinihintay siyang matapos. Pakiradam niya ay gusto niyang bumalik sa banyo dahil nahihiya siyang makaharap ito lalo pa at aware siya na walang saplot ang kabiyak. Pero magmumukha naman siyang tanga kung babalik siya sa banyo at magtatago kaya pinagpatuloy na lang niya ang paglabas.

"Kanina ka pa gising?" tanong ng lalake sa kanya. Tila naiilang rin ito dahil hindi makatingin sa kanya, tila nahihiya o nagiguilty ito. Nakaramdam siya ng maliit na kurot sa dibdib dahil kung nagiguilty ito ibig sabihin ay pinagsisisihan ng lalake ang nangyari sa kanila.

"Hindi naman," maiksing sagot niya.

"Papasok ka na sa opisina?" muling tanong nito.

"Pupunta lang ako dahil mag-uusap kami ni Attorney Morales, doon ko na lang siya papupuntahin, may kailangan rin akong kuhanin sa opisina."

"Kung gusto mo, sabay na lang tayong magpunta, maliligo lang ako," suhestiyon nito.

"Hindi na, magpapahatid na lang ako kay Mang Romy mamaya kapag sinundo niya ko rito para... para kuhanin ang mga gamit ko."

"Kuhanin ang mga gamit mo?" naguguluhang tanong nito. "Anong ibig mong sabihin?" kunot ang noong dugtong nito.

"I'm moving out today, Matthew." Mahinang sabi niya. Lalong lumalim ang kunot sa noo nito. "Isang malaking pagkakamali na pinilit kitang magpakasal sa akin. Hindi ko dapat ginawa iyon, masyado akong naging makasarili, dahil sa pagmamahal ko sayo ay nagbulagbulagan ako na masasaktan ka at pinaniwala ko ang sarili kong makakaya mo din akong mahalin." Huminto siya sa pagsasalita dahil pakiramdam niya ay may bumabara sa lalamunan niya. Nakatingin lamang ang lalake sa kanya. Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. "Sana ay mapatawad mo ako at si Dad. Kung hindi mo kayang magpatawad, sa akin mo na lang ibigay lahat ng galit mo, ako naman ang puno't dulo ng lahat ng ito. Ibigay mo na ang kapatawaran mo kay dad para magkaroon siya ng kapayapaan."

"Napatawad ko na si Ninong. Nang mamatay siya, kasabay ng pagkawala niya, ay inalis ko na rin ang galit sa dibdib ko," sabi ng asawa.

"Maraming salamat," relieved na sabi niya, masaya siya na nagawang patawarin ni Matthew ang ama.

"Charito, last night—"

"You don't have to be guilty about last night," putol niya sa sasabihin nito. Masasaktan siya kung ihihingi nito ng sorry ang nangyari sa kanila. "I needed comfort and that is what you gave me. Ako ang nakiusap sa'yo. Kahit na alam kong dala ng awa at simpatiya kaya ka pumayag, babaunin ko pa rin iyon bilang isang magandang alaala. I now have the will and strength to move on, from Dad's death and to move on from you. Nagpapasalamat ako, dahil this past few days, hindi mo ako pinabayaan kahit na alam kong galit ka sa akin, kahit na dahil lang iyon sa awa, nagpapasalamat pa rin ako. Hindi mo na kailangang maawa sa akin ngayon. I'll be okay." Yumuko siya para hindi nito makita ang pamamasa ng mga mata niya, kumurap kurap siya para pigilan ang pagtulo niyon.

"Charito..." tila may gustong sabihin ang lalake pero tila nagbago ang isip nito.

"Ipapaasikaso ko na din ang pagpapawalang bisa ng kasal natin kay attorney Morales. I wish I could be the one to give you the happiness that you deserve, but now I know that I can never give you that. And I wish I could undo what I did. But the only thing I can do now is to ask for your forgiveness. I will try to forget you and I will try to forget my feelings for you. I know it's not going to be easy, but I will try." Iniisip niya pa lang na maghihiwalay na sila bilang mag-asawa ay parang sinasaksak na ang puso niya. Pero kailangan niya itong gawin. Mabilis niyang pinahid ang mga luhang pinipigilang pumatak. "I'm letting you go now. I'm sorry for everything."

Hindi nagsasalita si Matthew, nakatingin lang ito sa kanya. Hindi niya alam kung anong nasa isip nito. Kung relieve ito dahil sa sinabi niya ay hindi niya alam. Sabay pa silang napapitlag nang tumunog ang cellphone ng lalake.

DInampot nito ang nagriring na cellphone. Nakita niyang nagpakawala muna ito ng isang buntong hininga bago iyon sinagot ng lalake. Sinamantala niya naman iyon upang lumabas ng silid. Dumiretso siya sa dining area, naupo sa isa sa mga upuan doon at pinakawalan ang mga luha na kanina pa gustong pumatak.

Nang nagdaang araw ay napagdesisyunan na niyang ititigil na niya ang kahibangan niya. Mahal na mahal niya ang asawa pero kung hindi talaga siya nito kayang mahalin ay bibitiw na siya. Walang dahilan para ipilit pa niya ang sarili rito. Karapatan nitong maging maligaya, masakit na hindi niya iyon kayang ibigay sa kabiyak pero tatanggapin niya dahil ginawa niya ang lahat para mahalin rin siya nito. Pero kung talagang hindi nito kayang gawin iyon, hindi na niya ito pipigilang mahanap ang sariling kaligayahan nito, kaysa manatili itong miserable sa piling niya.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now