Chapter 3

16.2K 306 11
                                    


Paggising ni Charito ay automatic na dumako ang mata niya sa gilid ng higaan kung saan nakapuwesto ang asawa. Subalit bakante iyon. Bumangon siya at lumabas patungong sala. Doon ay nakita niyang mahimbing na natutulog si Matthew sa sofa. Hindi na siya nagtataka dahil hindi lang naman ito ang unang beses na sa sala natulog ang kabiyak.

Masuyo niya itong pinagmasdan. Napansin niya ang kunot sa pagitan ng kilay nito. Magmula nang ikasal sila ay tila lagi nang nakakunot ang noo nito. Kaya tuloy tila laging madilim ang ekspresyon ng mukha nito.

Bahagya siyang yumuko at inilapat ang hintuturo sa pagitan ng kilay nitong bahagyang magkasalubong. Napangiti siya nang makitang unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at nawala ang kunot sa noo.

"May pag-asa pa 'ko," mahinang bulong niya sa sarili. "Handa akong gawin ang lahat, matutunan mo lang akong mahalin. Maghihintay ako hanggang kaya mo nang buksan ang puso mo pa ra sa akin."

Napapitlag siya nang bigla itong kumilos. Agad niyang binawi ang daliri na nakalapat pa rin sa pagitan ng kilay nito. Ang akala niya ay magigising na ito. Subalit nag-iba lang ito ng puwesto at tumagilid, paharap sa sandalan ng sofa. Patuloy niya itong pinagmasdan. Naalala niya ang mga salitang binitawan nito sa kanya noong gabi ng kasal nila.

"Huwag kang umasa na gagampanan ko ang pagiging isang mabuting asawa, sa papel lang tayo kasal, ang apelyido ko lang ang kaya kong ibigay sayo, pero ang puso ko, sa akin 'to. Ako pa rin ang masusunod kung sino ang puwedeg mahalin nito. At ikaw ang huling taong gugustuhin kong mahalin, Charito."

"Then why did you agree on marrying me?"

"Pumayag akong magpakasal sa'yo para iparamdam sayo at kay Ninong, maski kalahati ng sakit na idinulot ninyo sa'kin. Dahil kahit anong gawin mo, hinding hindi kita mamahalin!"

Pakiramdam niya ay sinaksak siya nang paulit-ulit nang marinig iyon. Lalo na nang iwan siya nito ng gabing iyon. Wala siyang nagawa kundi umiyak, dahil ang akala niya, kapag nakasal sila ay magiging madali na ang lahat, madali na siyang mapapalapit rito. Pero mas lalong naging malayo ang lalake sa kanya.

Nang gabi ring iyon ay napagtanto niya na kailangan niyang magpakatatag. Hindi iyon ang panahon para sumuko siya at mawalan ng pag-asa. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta ng gabing iyon, hinintay niya ito subalit umaga na ito bumalik.

Pagbalik na pagbalik nito ay kinausap niya ito.

"Tatanggaapin ko na galit ka sa akin ngayon dahil alam kong nasaktan kita ng sobra at alam ko rin na napilitan ka lang na pakasalan ako. Hindi kita pipiliting gampanan ang isang pagiging asawa kapag dalawa lang tayo. Pero may ipapakiusap ako sayo, kapag nasa labas tayo at may nakakakitang ibang tao sa atin, kung hindi mo kayang maging malambing at pakitunguhan ako bilang asawa, sana ay huwag mo na iyong ipahalata sa ibang tao. I'm not asking you to be sweet with me in front of other people, I'm just asking you to be civil."

Wala siyang narinig na sagot mula rito kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "You can hate me all day, pero at the end of the day, sa isang silid tayo matutulog, I will not ask you to do anything, I will not force you to make love to me, pero sana sa gabi, kapag matutulog tayo, hayaan mong makatabi kita. Give that to me, at least." Hindi ito nagreact sa sinabi niya. Tinitigan lamang siya nito subalit hindi nagsalita. Matapos ang ilang segundo ay walang sabi-sabi itong pumasok ng banyo at naligo at naghanda sa pagpasok sa opisina.

Ang akala niya ay binalewala lang nito ang sinabi niya. Pero nakahinga siya nang maluwag nang kinagabihan nga ay doon natulog ang lalake sa silid nila.

Pero naiintindihan niya rin kung minsan ay gusto ni Matthew na mapag-isa o hindi tumabi sa kanya. Ayaw niya itong pilitin kaya hinahayaan niya lang ito. Ang importante ay umuuwi ang lalake at madalas ay sa isang silid sila natutulog.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now