Chapter 5

14.3K 258 4
                                    


Tinatawagan ni Charito ang ama subalit hindi ito sumasagot. Every weekend ay dinadalaw niya ito, subalit nitong nagdaang Sunday ay hindi siya nito pinapunta, ang sabi nito ay maggogolf ito kasama ng isa sa mga kaibigan nito. Hindi niya naitanong kung sino ang kasama nito dahil tila nagmamadali ito at tinapos agad nito ang tawag nang huling makausap siya nito.

Kahit hindi sila araw-araw nagkikitang mag-ama ay araw-araw naman silang nag-uusap. Tuwing umaga ay tinatawagan niya ito bago siya pumasok sa trabaho. O kung hindi naman sila nakapag-usap ng umaga ay sisiguraduhin niyang makakapagusap sila sa tanghali.

Muli niyang tinawagan ulit ang ama nang matapos ang ring subalit hindi pa rin ito sumagot.

Lumabas siya sa sala at gamit ang telepono doon ay ang numero naman sa bahay nila ang idinial niya. Ilang ring lang ay may sumagot na agad roon.

"Hello," nabosesan niya ang mayordoma nila.

"Hello, Nanay Fe, ang daddy tulog pa ho?" tanong agad niya.

"Chari?" nasense niya ang galak sa boses nito nang mabosesan siya. Matagal nang naninilbihan ang matanda sa pamilya nila. Ito ang nag-alaga sa kanya noong maliit pa siya kaya naman malapit siya rito. Isa ito sa nalungkot nang umalis siya para lumipat sa bahay ni Matthew. "Naku tulog pa yata, baka napagod kahapon."

"Bakit ho? Anong oars na po ba siya nakauwi kahapon?" tanong niya.

"Naku gabi na, mag-aalas diyes na yata iyon," sagot naman nito sa kabilang linya.

Napakunot ang noo niya sa pagtataka. Hindi iyon ang usual na uwi ng daddy niya kapag naggogolf ito. Madalas ay alas sais ay nakakauwi na ito o mas maaga pa, kaya naman nagtataka siya na inabot ng ganoong oras ang ama sa paglalaro ng golf.

"Bakit ho ginabi na siya?" hindi niya mapigilang itanong.

"Napasarap siguro ng paglalaro, matagal tagal na rin kasi mula ng huling naggolf si sir."

"Ganoon ba? Nanay Fe kapag nagising si Dad, pakisabi naman ho ay tawagan ako, ha," bilin niya.

"Oo, sige sasabihin ko," sabi ng mayordoma sa kabilang linya.

"Sige, nay salamat po."

"Walang anuman, mag-iingat lagi, ineng ha." Bilin pa nito.

"Kayo din po diyan. Alagaan nyo po ang daddy ha."

"Oo naman, ikaw din alagaan mo ang sarili mo,"

"Opo, o sige na po, magahahanda na po ako papasok."

"Sige ineng, babay."

Ibinaba na niya ang telepono. Pumasok na siya sa kuwarto, tamang tama namang tapos na ring maligo si Matthew, akma na nitong huhubarin ang suot na bathrobe nang makita siya nitong biglang pumasok. Agad na ibinalik nitong muli ang pagkakatali ng roba.Siya naman ay parang napahiya ng bahagyang masilip ang nasa loob niyon. Hindi pa niya nakitang walang saplot ang asawa dahil nga wala pa namang nangyayari sa kanila magmula ng ikasal sila. Kapag magbibihis ito ay sinasadya niyang lumabas o kaya naman ay pumasok sa banyo para may privacy ito. Ganoon din naman ang ginagawa ng lalake. Kaya ang hindi sadyang pagkasilip niya sa katawan ng asawa ay nagdulot ng pag-iinit sa mukha niya.

"S-sorry, akala ko kasi hindi ka pa tapos maligo, hindi rin kasi naka-lock yung pinto," hinging paumanhin niya rito.

"Hindi ko namalayan ang pagpasok mo," sagot naman nito. "M-maligo ka na, para hindi tayo malate," dugtong pa nito.

Iyon lang at pumasok na siya sa loob ng banyo. Nakalimutan niya ang naramdamang pag-aalala para sa ama, habang naliligo ay hindi niya mapigilang maisip ang nasilip kanina. Alam niya na maganda ang katawan ni Matthew pero hindi pa rin niya inaasahan ang nakita. Matangkad ang lalake dahil mahahaba ang biyas pero hindi niya akalain na ma-muscle pala ang mga iyon, kung hindi kasi nakaslacks ay nakajogging pants naman ito kapag nasa bahay. Guwapo ang kanyang asawa, walang duda roon, ang mga mata nitong malalim na nababagayan ng makakapal na kilay, ang ilong na matangos at manipis na mga labi. Lalo pa itong gumuwapo dahil sa pangahang mukha nito na tila inukit ng mahusay na eskultor.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon