Chapter 9

15.9K 303 4
                                    


Dumiretso na siya sa kuwarto, pinalitan niya ng t-shirt at shorts ang suot na slacks at longsleeve para mas komportable siya. Bago siya umalis ay muli niyang pinatay ang lahat ng ilaw maliban sa ilaw sa labas para pag-uwi nila mamaya ng asawa ay maliwanag.

Nang masigurong nakalock na ang pinto ay tinungo na niya ang sasakyan at nagmaneho papunta sa bahay ng ninong Donald niya. Mahigit kalahating oras lang ang ibiniyahe niya. Pagdating niya roon ay sinalubong siya agad ni Nanay Fe.

"Mabuti dumating ka na, naroon pa rin siya. Puntahan mo na lang," sabi ni nanay Fe sa kanya.

"Sige ho." Binaybay niya ang daan papunta sa silid ng yumaong ninong. Kumatok siya subalit walang sumagot mula sa loob. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob, hindi iyon nakalock kaya naman tuluyan na niya iyong binuksan at pumasok sa loob. Nakita niya ang asawa na nakahiga sa kama ng ama nito, nakapikit at tila natutulog. Mukhang nakatulog ito dahil sa pag-iyak dahil may nakikita pa siyang nakasilip na luha sa gilid ng mata nito. Yumuko siya at magaan niyang pinahid ang luha gamit ang isang hinlalaki. Bumuntong hininga ito kasabay ng paghikbi. Medyo namayat ang babae, dahil siguro sa lungkot dahil bahagyang naging humpak ang mga pisngi nito. Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang pisngi nito. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. Kung puwede niya lang pasanin ang pagdadalamhating nararamdaman nito ay ginawa na niya. Pero alam niyang kailangan iyong pagdaanan ng asawa upang unti-unti ay matanggap nito ang pagkawala ng ama.

Napagdesisyunan niyang huwag na lang gisingin ang asawa. Dahan-dahan niya itong binuhat upang madala sa sasakyan. Magaan naman ang babae kaya hindi siya nahirapan. Nakasalubong pa nila si Nanay Fe nang palabas na sila. Tinulungan siya nito na magbukas ng pinto at hinatid sila hanggang sa sasakyan niya, ito na rin ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan para maisakay niya si Charito. Marahil ay napagod sa pag-iyak ang asawa kaya naman hindi ito nagising. Kinawayan niya na lang ang matanda bago tuluyang paandarin ang sasakyan.

Hanggang sa makarating sila sa bahay nila ay hindi pa rin nagigising si Charito. Maingat niya itong binuhat palabas ng sasakyan at papasok sa loob ng bahay hanggang papunta sa silid nila. Maingat niya itong ibinaba sa kama. Mahimbing pa rin ang tulog nito, naisip niya tuloy kung ilang oras itong umiyak para mapagod nang ganoon.

Nang maayos na ito ay nahiga na rin siya sa tabi nito. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang kumilos ang asawa, kasunod niyon ay dumantay ang kamay nito sa bewang niya payakap. Hindi niya alam kung kikilos siya dahil baka biglang magising ito. Pinagmasdan niya ito, her head is leaning backward at wala na sa unan, kung hahayaan niya ito sa ganoong posisyon ay baka magka-stiff neck ito paggising kinabukasan. Nakayakap ang babae sa kanya at hindi siya masyadong makakilos kaya ipinailalim na lang niya ang braso sa ulo ng asawa para iyon ang magsilbing unan nito at pagkatapos ay kinabig niya ito palapit sa kanya. Natulog siya na nasa bisig ang asawa.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakakatulog, nagising siya nang maramdamang may lumapat sa labi niya. Pagmulat niya ng mata ay nakita niya si Charito na nakatunghay sa kanya. Bago pa siya makapagtanong ay muling lumapat ang labi ng babae sa kanya, binigyan siya nito ng madiin na halik, hindi siya nakatutol dahil sa pagkabigla. Bahagyang bumitaw si Charito mula sa pagkakahalik sa kanya subalit sandali lang, muli nitong idinikit ang labi sa labi niya, pero ngayon ay tila nanghihingi na ng katugon ang halik nito.

"Charito," hinawakan niya ito sa balikat upang ilayo. Baka nananaginip ang babae. Subalit nagsalita ito.

"Please," nakikiusap ang mga mata nito. "Kahit ngayon lang," puno ng pagsusumamo ang tingin na ibinigay nito sa kanya. Para siyang nahihipnotismo habang nakatitig sa mga mata ng asawa. Nakaramdam siya ng kagustuhan na pawiin ang lungkot na nababakas sa mga mata nito. Kinabig niya ito at hinalikan sa mga labi, tinugon naman iyon ng babae. Ito ang unang pagkakataon na nahalikan niya ang asawa ng ganoon at hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Damang-dama niya kung gaano kalambot ang labi nito. Habang mas lalong lumalalim ang halik na namamagitan sa kanila ay parang mas lalo pa siyang nasasabik rito. Tila mas lalo pa siyang nauuhaw sa mga labi ng asawa. Lalo niyang diniinan at nilaliman ang paghalik sa asawa. Kinabig pa niya ito nang mas mahigpit, nang tila hindi pa rin makuntento ay lumipat na siya sa ibabaw ng babae, hindi pa rin niya binibitawan ang mga labi nito.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon