Chapter 20

18.5K 296 3
                                    


Hindi mapigil ni Charito ang sakit na naramdaman niya kanina nang makita ang asawa na kasama ang dating kasintahan nito. Masakit isipin na tuluyan nang mawawala ang asawa sa kanya lalo pa at bumalik na ang babaeng minamahal nito. Hindi niya kinaya ang nakikita kanina kaya naman nagyaya na siyang umalis doon. Wala na siyang gana na magtrabaho kaya naman umuwi na lamang siya. Mabuti na lang at may dala siyang sariling sasakyan kaya nakauwi siya kaagad at hindi na siya kinailangan pang ihatid ni Mark. Sa sasakyan pa lang ay wala ng tigil ang pagluha niya. Mabuti na lang walang nangyaring masama sa kanya at nakauwi siya ng maayos.

Marahil ay talagang mahal na mahal pa rin nito ang dating kasintahan kaya naman kahit hindi pa annulled ang kasal nila ay mukhang nakikipag-ayos na ulit ito sa babae. Sinabi siguro nito sa babae na magiging Malaya na ulit ito kaya naman dali-daling bumalik ang babae rito sa Pilipinas. Hindi niya maiwasang makaramdam ng selos at inggit. Napakasuwerte ni Madelaine dahil kahit na sinaktan nito si Matthew ay mukhang handa pa rin itong tanggapin ng lalake.

Lalong umagos ang luha sa mga mata niya. Paano niya magagawang kalimutan ang lalake kung buong buhay niya, ang alam lang niyang gawin ay mahalin ito. Hindi niya alam kung paano mabuhay ng isang araw na hindi niya ito minamahal. Parang ikamamatay na niya nag katotohanan na iba ang laman ng puso ni Matthew.

Nakarinig siya ng katok sa pinto ng silid niya. Agad na pinahid niya ang luha sa mga mata. "Sino yan?" tanong niya. Subalit walang sumagot. "Nay Fe, gusto ko ho munang magpahinga, dugtong pa niya sa pag-aakalang si Nanay Fe nag kumakatok.

Napalingon siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nagulat pa siya dahil si Matthew ang iniluwa niyon. Mula sa pagkakahiga ay bumangon siya. "Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong niya.

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now