Chapter 2

16.3K 339 4
                                    

Nakapikit na si Matthew pero hindi siya makatulog. Kahit nakatalikod ay alam niyang nakatingin ang asawa sa kanya. Wala sa loob na napaigting niya ang mga panga nang maisip ang salitang asawa.

Kung hindi dahil sa pakikialam nito at ni Donald na ninong niya at daddy ni Charito, sana ay hindi si Charito ang katabi niya ngayon. Malaki ang galit niya sa dalawa. Pinagkaisahan siya ng mga ito. Ginawa siyang tanga.

It's been four months simula nang ikasal sila ni Charito. But never once they consummated their marriage nor he tried to fulfill the duty of a husband dahil para sa kanya ay sa papel lamang sila mag-asawa. Ang pagpapakasal niya kay Charito ay ang pagpaparusa niya sa mag-ama sa ginawang pakikialam ng mga ito sa buhay niya. Masyado siyang nasaktan nang panghimasukan ng mga ito ang buhay niya at gusto niyang gantihan ang mag-ama. Alam niyang mahal na mahal siya ni Charito mula pa noong mga bata sila. Nagpakasal siya rito para iparamdam at iparanas sa babae na kahit anong gawin nito, kahit pa naikasal na sila ay hinding hindi niya ito mamahalin. Gusto niya ring saktan ang ninong Donald niya sa pamamagitan ni Charito. Sinong magulang ang hindi masasaktan kapag nakitang nasasaktan din ang anak nito? Paano niya mamahalin ang isang taong makasarili na naging dahilan ng paglayo ng babaeng mahal niya at binabalak pakasalan. Parang may tumusok sa dibdib niya nang maalala ang babaeng nais pakasalan, si Madelaine.

They've been together for a year. Sa lahat ng mga naging girlfriends niya ay ito lang ang nagtagal. Nagkasundo silang dalawa, kaparehas niya ay carreer driven din ang babae. Humanga siya sa determinasiyon na nakita niya rito. It's like she always strive for something better and always trying to reach a higher goal. Matagal na nitong pangarap na mag-aral sa ibang bansa para sa masters degree nito. Tutol siya roon dahil ayaw niyang magkalayo sila. Ang gusto niya sana ay kung mag-aasawa siya ay magkasama sila. Maaga siyang naulila sa magulang kaya naman sabik siya na magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Pero may iba pa palang plano ang babaeng pinili niyang mapakasalan. Noong una, ang akala niya ay nakalimutan na ni Madelaine ang kagustuhang makapag-aral sa ibang bansa, dahil isang beses lamang iyon nabanggit ng babae sa kanya at hindi na naulit hanggang noong gabi nang engagement nila. Lingid sa kanyang kaalaman ay may usapan na pala ito at ang kapatid nitong nasa Australia tungkol sa pagpunta doon ni Madelaine para sa pag-aaral nito.

Kahit na engaged na sila ay alam niyang wala pa rin siyang karapatang pigilan itong tuparin ang pangarap nito. Kaya naman wala siyang nagawa kundi suportahan na lamang ito kahit alam niyang kapag umalis na ang babae ay matatagalan pa itong makabalik.

Hindi mayaman ang pamilyang pinagmulan ni Madelaine at kapag nakarating na ito sa ibang bansa ay alam niyang pagsasabayin nito ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kasabay pa niyon ay susuportahan rin nito ang mga magulang na maiiwan sa Pilipinas.

Nais niya itong tulungan subalit ang perang naipon niya ay nainvest na niya sa bagong bahay na balak niya sanang maging tirahan nila at ang natira ay nakalaan para sa pagpapakasal nila. Inialok niya noon kay Madelaine na gamitin muna nito ang pera na nakalaan sa kasal para sa pagaaral nito. Pero dahil hindi pa rin iyon sasapat ay hindi na lang pumayag ang babae. Ang katuwiran nito sa kanya ay mas makakabuti na huwag na iyong galawin upang kahit anong oras na gustuhin nila ay makapagpakasal sila. Pagtatrabahuhan na lamang daw nito ang pag-aaral. Natuwa naman siya dahil nangangahulugan lamang iyon na talagang gusto rin nitong magpakasal sa kanya.

Kaya naman laking pagtataka niya noong bigla na lamang itong umalis nang hindi man lang nakikipag-usap sa kanya. Sa halip ay isang text message lamang ang ipinadala nito. I'M SORRY. I CAN'T MARRY YOU NOW. I JUST CAN'T.

Nang matanggap niya ang mensaheng iyon ay agad niyang tinawagan ang babae subalit hindi na niya ito makontak pa. Pinuntahan niya ito sa pinagtatrabahuhan nito subalit napag-alaman niya na nagfile ng immediate resignation ang babae. Pinuntahan niya ito sa bahay nito subalit ang mga magulang lamang nito ang naabutan niya roon,sa mga ito niya rin nalaman na nang araw na iyon ay iyon din ang araw na paalis ang babae papuntang Australia. Nais niya pa sana itong habulin noon sa airport pero pinigilan siya ng ama ni Madelaine. Hindi na raw niya iyon aabutan dahil malamang nang mga oras na iyon ay nakasakay na sa eroplano ang babae. parang naging malabo ang lahat sa paligid niya. Ang huling natatandaan niya ay humihingi nang kapatawaran ang tatay ni Madelaine sa kanya dahil sa biglang pag-alis ng anak nito.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now