Chapter 17

16.9K 285 27
                                    


"Anong kailangan mo?" tanong niya ng makabawi sa pagkabigla.

"Alam kong galit ka sakin, hayaan mo akong makapagpaliwanag, Please magkita tayo, I am near your office now, puwede kitang puntahan diyan, or kung masyado kang busy puwede na lang kitang puntahan sa bahay mo mamaya kapag wala ka ng trabaho."

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa," malamig na sagot niya.

"Matthew please, hindi ako titigil hangga't hindi kita nakakausap. I came back from Australlia and took a break from school para makausap ka. I'll come to your office, I'll go to your house, I'll do everything para makita ka."

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago nagsalita. "Nasaan ka?" mas mabuti pa nga siguro na harapin niya ito, nacucurious siya sa sasabihin nito at gusto niya ring marinig ang paliwanag nito.

Sinabi nito ang kinaroroonan.

"Okay, hintayin mo ako diyan." Pinutol na niya ang tawag at lumabas ng opisina. "Hold all my calls and cancel all my appointment this afternoon." Bilin niya sa sekretarya bago tuluyang umalis. Kinuha niya ang sasakyan sa parking lot at nagdrive papunta sa kinaroroonan ng ex fiancé. Malapit lang iyon sa opisina nila kaya ilang sandali lang ay naroon na siya. Isa iyong restaurant, pagbaba pa lang niya ng sasakyan ay nakita na niya agad ang dating kasintahan. Nakaupo ito sa loob at halatang may hinihintay. Pinakiramdaman niya ang sarili. Subalit wala siyang makapang kahit na ano sa damdamin niya, kahit katiting na galit ay wala siyang nararamdaman. Noon ay iniimagine niya ang muli nilang pagkikita, ang akala niya ay makakaramdam siya ng pagkasabik kapag nagkita sila ulit, pero hindi niya iyon makapa sa damdamin niya.

Naglakad na siya papunta sa kainan, kinawayan siya ng babae nang makita siya. Nilapitan niya ito.

"Kamusta ka?" tanong nito nang makaupo na siya.

"Wala akong oras Madelaine. Sabihin mo na kung anong sasabihin mo." Malamig na sabi niya.

"Umorder muna tayo," binalewala nito ang malamig na pakikitungo niya. Wala na siyang magawa nang kawayan nito ang waiter na malapit sa kanila. "Anong gusto mo?" tanong nito sa kanya subalit hindi siya sumagot, tiningnan niya lang ito. "Ako na lang ang oorder para sa ating dalawa." Sabi nito nang hindi siya nagsalita. Sinabi nito ang order sa waiter. Nang makuha na ng waiter ang mga inorder nito ay iniwan na ulit silang dalawa.

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, may importante pa kong gagawin." Diretso ang tingin niya rito.

"May kasalanan ako sa'yo, alam ko. Mali ang ginawa ko na basta na lang kitang iniwan. And I have no excuse for what I did, I needed money para matupad ang pangarap ko and I took the easy way out. Nasaktan kita, nandito ako para humingi ng tawad at humingi ng isa pang pagkakataon." Diretsang sabi nito. Hindi niya napigilan ang sarkastikong tawa na lumabas sa bibig niya.

"It's too late for that. May asawa na ko."

"Alam kong hindi mo mahal ang asawa mo, alam kong ako ang mahal mo. Bumalik ako dahil narealize ko na mahal na mahal kita at hindi kita kayang mawala sa buhay ko." Inabot nito ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Sana naisip mo 'yan bago mo ko ipinagpalit sa pera," mariing sabi niya. Kung kanina ay wala siyang nararamdaman, ngayon ay nagsisimulang tumubo ang inis niya para sa babae. Ang lakas ng loob nitong sabihing mahal siya matapos ng ginawa nito. Hindi sinasadyang napatitig siya sa pinto ng restaurant kung saan siya nakaharap. Kitang kita ng mga mata niya ng pumasok si Charito kasama si Mark. Parang gusto niyang tumayo sa kinauupuan. Baka kung ano ang isipin ni Charito kapag nakita nitong kasama niya si Madelaine. Nagsasalita pa ang kaharap niya subalit hindi na niya iyon naiintindihan, nakafocus na ang tingin niya sa mga dumating. Pumuwesto ang mga ito hindi kalayuan sa kanila. Nakita pa niyang ipinaghila ni Mark ng upuan ang kanyang asawa. Gusto niyang tumayo at hilahin si Charito paalis roon at iuwi sa bahay niya. Lalo siyang natigilan ng mapadako ang mata ni Charito sa kanya, nagtama ang mga paningin nila. Tila nagulat rin ito na naroroon siya. Pagkatapos ay lumipat naman ang paningin nito kay Madelaine. Eksakto namang lumingon rin si Madelaine, napansin siguro ng kaharap na wala na rito ang atensiyon niya, kaya alam niyang nakita nito ang mukha ng babaeng kaharap at base sa naging ekspresyon ni Charito ay sigurado siyang nakilala nito ang kasama niya.

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now