Chapter 10

16.4K 304 9
                                    


Nagising si Charito mula sa mahinang paghihilik ng katabi. Tatayo sana siya subalit napigil iyon dahil nakapulupot sa bewang niya ang isang braso ng asawa. dahan-dahan niya iyong inalis at maingat na umusog para hindi magising ang lalake. Pagtayo niya ay naramdaman niya ang pananakit ng katawan lalo na sa pagitan ng mga hita niya. Muli niyang tinapunan ng tingin ang lalakeng natutulog nang mahimbing.

Nang magising siya kanina, ang akala niya ay nananaginip pa rin siya dahil ang huling naaalala niya ay nasa silid siya ng ama at wala sa bahay ng asawa. Napanaginipan niya na buhay ang kanyang ama, masigla ito, walang sakit at maayos ang lahat sa kanila ng asawa at maganda ang pagsasama nila. In her dream, kinausap siya ng ama, sinabi nito sa kanya na maayos ang kalagayan nito, wala siyang dapat ipag-alala dahil malakas ito at walang sakit, na maligaya ito para sa kanila ni Matthew. And then she dreamt of her husband, he was kissing her, in her dream, the man is so inlove with him. It felt so real and it felt so good. She felt happy, it felt so comforting that she didn't want it to end. Kaya naman ng magising siya at makitang nasa bisig siya ng asawa, ang akala niya ay nananaginip pa rin siya kaya hinalikan niya ito. Nang lumapat ang labi niya sa labi nito ay doon niya napagtanto na hindi na siya nananaginip, subalit sa halik na iyon ay nakaramdam siya ng comfort, kaya muli niyang inulit ang paghalik, doon na nagising ang lalake. Nang tila pipigilan siya nito ay nakiusap siya. She wanted to feel comfort even if it is just for a moment. Hindi niya inaasahan na higit pa sa halik ang mangyayari sa kanila. But when he started kissing her and started caressing her, hindi niya ito pinigilan. It felt so good that she didn't want him to stop. Maski sandali ay nakalimutan niya ang lungkot dulot ng pagdadalamhati sa pagkawala ng ama. But now she has to wake up, she is back to reality.

She can't hold back her husband dahil lang may nangyari sa kanila. Lalake ito, alam niyang may pangangailangan ito, at sa loob ng ilang buwan nilang pag-sasama alam niyang hindi rin natutugunan ng asawa ang pangangailangan na iyon. Kaya hindi niya ito masisisi kung nag-give in man ito. Siya naman ang nagsimula nun eh. Ayaw na niya iyong bigyan pa ng ibang kahulugan, dahil alam niya na pinagbigyan lamang nito ang pakiusap niya.

Isang magandang ala-ala para sa kanya ang nangyari sa kanila. At least once in her life, naranasan niya kung paano ang makulong sa bisig ng lalakeng minamahal. Sapat na iyong ala-ala na dadalhin niya habang buhay.

Nang nagdaang araw ay napagdesisyunan na niyang ititigil na niya ang kahibangan niya. Mahal na mahal niya ang asawa pero kung hindi talaga siya nito kayang mahalin ay bibitiw na siya. Walang dahilan para ipilit pa niya ang sarili rito. Karapatan nitong maging maligaya, masakit na hindi niya iyon kayang ibigay sa kabiyak pero tatanggapin niya dahil ginawa niya ang lahat para mahalin rin siya nito. Pero kung talagang hindi nito kayang gawin iyon, hindi na niya ito pipigilang mahanap ang sariling kaligayahan nito, kaysa manatili itong miserable sa piling niya.

Last night was beautiful and she will forever cherish it in her heart. She will never forget how he kissed her, how he held her. For a moment, she felt loved by him, and if she didn't knew better ay iyon ang iisipin niya. Pero alam niya ang katotohanan at mali na bigyan niya pa iyon ng ibang kahulugan at muli na namang umasa. That is the first time and the last time na mararamdaman niya iyon dahil mamaya ay kakausapin na niya ito at sasabihin ang napagdesisyunan. She will now set him free. Her tears fell at the thought that this is now the last time na makakasama at makakatabi niya ang lalakeng minamahal. Parang sinasaksak ang puso niya pero kailangan niyang gawin iyon. Ang tanging hiling na lang niya ay mapatawad siya nito sa nagawa niya. Nakita niyang kumilos ang lalake kaya dali-dali siyang pumasok sa banyo. She took a shower, habang naliligo ay pinakiramdaman nya ang sarili, bukod sa masakit na katawan, pakiramdam niya ay gumaan ang kalooban niya, para bang isang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya ang nawala. She remembered her dream about her dad. Maybe it was really him, he visited her on her dream para ipaalam sa kanya na maayos ang kalagayan nito at wala siyang dapat ipag-alala at ikaguilty. Hindi siya supersticious na tao pero pakiramdam niya ay iyon ang tamang eksplanasyon kung bakit tila nawala ang bigat na nararamdaman niya. Now she can see things clearer. Mas may lakas na siyang magpatuloy ulit sa buhay niya, with out her dad and with out Matthew as her husband.

** Please share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now