Chapter 4: First kiss

670K 16K 2.5K
                                    

Chapter 4: First kiss

---

Papasok na ko ng school, nag lalakad lang ako tuwing papasok. Malapait lang naman yung bahay namin dito mga 20mins lang kapag nilakad mo. Exercise na din sakin.

"oi sarah barilin mo dali!"

Luh? boses ni apple yun ah, pag ka silip ko nasa loob sila ng computer shop, anong ginagawa nila? hindi ba sila papasok?

"hoy mga bakla bakit kayo andito?" gulat na gulat yung dalawa nung makita ako eh, siguro nga mag ditch ng class to. Tss yan ba natutunan nila sa boyfriend nila? Bad influence ah.

"oi tin tara laro tayo, first day naman ng class kaya walang ginagawa eh.."

"mga baliw, ayoko mag cutting nuh, tska ano ba yan dota? eh wala naman ako ma gets dyan eh.."

"hindi tin counter strike to, madali lang to barilan, magandang pag balingan ng galit, haha"

hmmm kung tutuusin wala naman ngang gagawin, ang boring pa. Tska para may libangan ako.

"Sige na nga, ahm paano ba laruin yan?"

Inabot kami ng 5 hours kakalaro, hindi naman kami adik eh nuh? hahaha ang sarap kasi laruin nun eh, ang sarap sa feeling kapag nakaka patay ka, tapos kapag may susulpot na kalaban magugulat ka. Na adik na tuloy ako, luh hindi pa ko pumasok.

Sabi ko kala sarah uwi na ko, gutom na kasi ko eh. Mamaya na daw sila uuwi, kasi hihintayin pa nila yung boyfriend nila, may laban daw kasi ng dota, tss kung ako mag kaka boyfriend hindi yung nag dodota, paano puro dota nasa isip eh, walang time sayo.

Pag dating ko sa bahay nagulat ako ng nakita ko si miggy, luh? wala pang 3pm ah? mag 1pm pa lang. Hindi siya pumasok? tska bakit nasa tapat siya ng bahay namin?

"hoy bakulaw! paano mo nalaman yung bahay namin ha? Sabi ko na mga ba stalker kita eh."

  

"tsss. Andito ko para kay ace, hindi para sayo." Ha? mag ka kilala sila ng kuya ko? Luh? baka kung ano ikwento neto ni miggy kay kuya, huhu! lagot ako neto eh.

"hoy wag kang mag kakamali mag kwento kay kuya ah? kundi lagot ka sakin. Tska bakit mo kilala si kuya ah?"

"tropa ko siya bakit?"

Luh? tropa? eh 19 na si kuya, eh 16 palang kami neto ni miggy, paano niya magiging tropa yun? hmm siguro sa dota na naman yun..

"Hoy migz bakit mo kinakausap yung kapatid ko? loko ka baka pati kapatid ko patusin mo ah."

"lul. Tignan mo nga yang kapatid mo ace, ang pangit eh." hala ang kapal neto ah! Akala mo gwapo!

"hoy sinong panget ha!! kapal mo ang cute ko nga eh,"

"tsss. Oo na lang -__-" hala ang kapal talaga neto, kung panget ako, ano pa sya?

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon