Chapter 24: Distinction Comes with a Price

423 13 11
                                    

CHAPTER 24

[Distinction Comes with a Price]

Pansin ko lang, wala si Janelle kaninang umaga sa flag ceremony. Hanggang ngayon nga sa Chem room, wala parin siya. Hindi naman niya kasi ugaling magpalate, hindi rin niya ugaling mag-absent. Perfect attendance parin kaya si Janelle..

*bzzzzzzzt*

Sino kaya nagtext? Nilabas ko muna phone ko habang wala pa si Ma'am.

"Fuentes Janelle

Dianne! Lunch p aq mkkpsok, mg-aasikaso ng pssport. Pksbe nlng pag may nghnap. Slmat!"

Uy, sakto naman talaga oh! Kaya pala wala pa siya... Akala ko na nga absent siya eh.

"Dianne Samonte

Okok. Ang lakas ah! :)"

"Good morning, III - Calvin!"

Biglang nag-ala ninja moves ako! Sabay tago agad ng cellphone sa bulsa. Mahirap na eh, baka maconfiscate pa! Hahahaha.

"Good morning Mrs. Nunez!"

Wooooh. Ang imba talaga pag Chemistry first subject mo sa umaga, parang nakakabulabog sa fresh na fresh mo pang utak. Ano nanaman kaya gagawin namin ngayon? Eh, sana wala pang bagong lesson. Ayokong magkaroon ng surprise Graded Reci, o seatwork! Tsk. Hindi ko pa naman gets yung lesson namin.

"Sige.. Wala muna tayong ilelesson ngayon."

"YEEEEEEEES!"

Parteh parteh! Wala daw kaming lesson ngayon. Mukang sineswerte nga naman talaga oh. HIMALAAAAA. Never pa kasi kami binigyan ng free time ni Ma'am. Ano kaya nakain niya?

"Dahil ididiscuss ko sa inyo yung mga activities ng Science Department sa MathSci Month."

Oh? Ganon ba kadami o kakumplikado yung activities ng Science Department para maconsume ang halos isang oras? Di bale.. mas gugustuhin ko naman pakinggan yan kesa mag-Chem!

"Kung hindi nyo pa alam, opening na ng MathSci Month next week. September 5."

Ito yung palaging bitin eh... yung MathSci Month. Tignan mo, dalawang subjects na nga sila tapos tatlong linggo lang yung alloted time para sa kanila. Last week of September to first week of October, intrams na kasi. Bakit kaya hindi nalang pinaghiwalay?

"Magkakaroon ng recycling campaign throughout the celebration ng MathSci Month. By batch at by overall yung kumpetisyon dito. Hindi naman siya by section, pero gets nyo namang the pressure is on you. Hindi ko nga lang pwede pang sabihin yung prizes."

Lagi naman eh! Sasabihin lang nila yung prize kapag malapit na matapos yung contest para motivation. Nakoooooo. Sana naman may plus points! Kailangan na kailangan ko ng plus points ngayong quarter, ramdam ko na.

"Syempre, may plus points 'to. The higher the place, the higher the advantage."

SHEMS. PLUS POOOOINTS! Ayokong mag-87 below yung Chem koooo. Ang bababa na nga ng quizzes ko, bihira pa ako maka-recite. Di ako ganong kainteresado sa Chem eh, wala tuloy akong stock knowledge diyan.

Hmm... ano kayang pwedeng masalihan pa?

"September 7, elimination ng Extemporaneous Speech. September 9 yung semi-finals."

Pwede sana! SANA. Shy ako ehhhhh, baka di ko 'to kayanin. Papag-isipan ko nga...

"September 12-16, magkakaroon ng mga booth ang Math and Science Department. Pwede kayong bumili ng mga t-shirt, baller, pins at raffle tickets doon."

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon