The Ultimate Prologue

33K 504 212
                                    

©2014 by MrAwesomeOne

The Ultimate Prologue:

Kapag narinig mo ang salitang SIGA, Ano ang unang pumapasok sa isip mo?

Maangas?

Mayabang?

Mahilig makipagbarugan ng mukha?

Bully?

Tampalasan?

Lapastangan?

Barumbado?

Lahat na siguro ng masasamang salita ay maihahambing dito.

Pamilyar naman siguro kayo kay Asiong Salonga na Hari ng Tondo o kaya naman ang Anak ni Baby Ama na Hari ng Selda.

Mayroon silang mga sari-sariling teritoryo at pinaghaharian. Mayroon silang mga alagad o mga "bata" na inuutus-utusan. Sila ay nakikilala dahil sa takot; at kung minsan naman ang pagbangga sa kanila ay nakamamatay.

Pero paano kung magkaron ng Siga na walang katulad sa mundong ibabaw? Siga na walang kupas, may paninidigan at rinerespeto. Siga na lumalampas ang kaastigan sa Milky Way. Siga na umaabot ibang dimension ang pwersa. Siga na kasing-COOL ng Rings of Saturn. Siga na kasing-HOT ng Supernova. Siga na kasing-AWESOME ng Blackhole.

Siga na marunong magmahal...

Handa ka na bang makilala sya? Ang pinaka-AWESOME na Siga Lord sa buong kalawakan, ang nag-iisang Siga ng Universe.

ANG BUMANGGA, GIBA!

**************************************

"Nung nagpa-ulan ng kasigaan ang langit, Ako ang inutusan ng maykapal na magpabagyo, ako ang sanhi nito."

-Mr. A. (Ultimate Siga Lord)

**************************************

Ang likhang ito ay "fiction" o kathang isip lamang.

Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Kaya kung kilala nyong personal ang may akda, at kung palagay nyong kayo yung pinagbasehan ng karakter nya, hindi kayo yun. Imagination nya lang yun. :D

*A.G. 9/1/91*

----------

Author's Note: Dedicated nga pala ang aking prologue sa pasimuno ng aking kalokohan, si Asrah028. Ang dakilang author ng Labyrinth Academy. Sya din ang gumawa ng kauna-unahang book cover ng aking likha. Bestfriends kami kahit hindi pa kami nagkikita. Salamat ng marami pisngi. :)

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon