Kapitulo XXXVII - Child

22.2K 1.1K 245
                                    

"Pero naibalik ba ang hiyas ng Lunaticus sa dati nitong kinalalagyan?" kuryosong tanong ko sa kanya. "Kung totoong ninakaw ito noon ng kapatid ko, bakit mayroon pa rin tayong inalay na hiyas bago magsimula ang laro?"

He sighed. "Hindi ko alam kung ano ang istorya sa likod no'n, pero sa pagkakaalam ko'y naibalik naman sa dati nitong kinalalagyan. Kung kailan at paano ay hindi ko na rin alam. But there's only one way to find out everything that we need to know," sabi ni Asher.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What is it?"

"Kailangan nating matagpuan ang dulo ng mundong ginagalawan natin ngayon dahil sigurado akong naroroon natin matatagpuan ang hiyas ng Lunaticus. Kailangan nating mahanap ang katapusan ng larong ito dahil ito rin ang puno't dulo ng kaguluhang nangyari sa Galaxias noon," seryosong aniya. "At kung totoo nga ang sinabi mong hindi ito isang ilusyon lamang, kailangan nating mahanap at masigurong ligtas ang iba pa nating kasamahan."

Tumango ako. "May idea ka ba kung saan ang dulo ng mundong ito?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko rin alam, but the only way to find out is to go and look for it."

Umangat ang isang gilid ng kanyang labi. "I'm sure you'd find out the answers to your questions in the process. Tutulungan kitang hanapin ang mga kasagutan tungkol sa pagkatao mo," marahang aniya.

Ngumiti ako nang malungkot. "I know. Sa ngayon, gusto ko munang mahanap ang mga kasamahan natin at masigurong ayos lang sila. Gusto ko nang matapos ang larong ito. At saka sigurado naman akong marami pa tayong natitirang oras para malaman ang lahat ng kailangan nating malaman," sabi ko sa kanya bago hinawakan ang kanyang kamay at nagsimula siyang hilahin patakbo.

Nagulat naman ako nang hilahin niya muli ako pabalik kaya muli akong napahinto at napaharap sa kanya. "Tama ka, Eshtelle... Hindi ko muna dapat unahin 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Alam kong may tamang panahon para sa ating dalawa at sa panahong iyon, sigurado akong maayos na ang lahat at wala nang batas na hahadlang pa sa ating dalawa."

Dahan-dahang kumurba ang aking labi dahil sa sinabi niya ngunit agad din itong napawi nang bigla niya akong yakapin. "Pero hindi ibig sabihin no'n ay ititigil ko na 'tong nararamdaman ko para sa'yo, Eshtelle. Mamahalin at po-protektahan pa rin kita sa paraang alam ko, at hindi mo na ako mapipigilan pa roon," malinaw na bulong niya sa akin.

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Ito ang gusto kong mangyari upang ma-protektahan siya. Kailangan muna naming isantabi itong nararamdaman namin upang makalabas nang buhay sa hawlang ito at alamin ang lahat ng sikretong pilit na itinatago ng nakatataas sa mga mamamayan ng Galaxias.

Hinila ko na muli ang kamay niya at nagsimula na kaming tumakbo papuntang Hilaga. Habang tumatakbo ay at napatigil ako nang may mamataang pamilyar na hubog ng isang tao sa malayo. Laking gulat ko nang makitang si Linus pala iyon.

Magsasalita na sana ako ngunit napansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa mga kamay namin ni Asher kaya agad ko itong binawi. Agad din naman siyang nag-iwas ng tingin doon at ngumiti sa akin habang nakatingin kay Asher. "Uy, kayo pala 'yan, Senpai! Buti naman at nagkatagpo na tayo," masiglang sabi niya.

Napakunot ang noo ko sa kanyang inasta pero pilit ko na lamang isinawalang-bahala iyon. "Mas maganda kung makumpleto tayong apat para sabay-sabay tayong lumaban sa malakas na puwersang nabuo ng mga taga-Ardor Academy," seryosong sabi ko. "Hindi na ito isang simpleng laro lamang. They already changed the rules and forced us to play for real and fight each other to survive."

"Bakit apat lang?" kunot-noong tanong ni Linus sa akin.

Bumagsak ang tingin ko sa lupa nang maalala ang aking kaibigan. "P-Patay na si Trevor..."

Dauntless Academy: Home of the BraveWhere stories live. Discover now