Simula

106K 2.5K 401
                                    

"Riv, gising na..."

Napakunot ang aking noo nang marinig ang isang pamilyar na boses mula sa aking gilid. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at natagpuan ang sarili sa isang pamilyar na silid.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang aking paningin sa madilim na silid kung nasaan ako ngayon. Walang ibang tao naririto maliban sa akin. Ang mabibigat kong paghinga at mahihinang kaluskos na nagmumula sa labas ng silid ang tanging naririnig kong tunog sa paligid. Tila ngayon lang ako nagising mula sa isang mahabang panaginip, ngunit para bang hindi pa ito ang reyalidad.

Sino nga ba ako? Nasaan ako?

Nang makarating sa tapat ng entrada ng paaralan kung saan ako nagsimula ay natigilan ako. Unti-unting bumalik ang akin mga alaala at bawat agos nito ay naramdaman kong parang may kakaiba. I feel like there's something missing...

"Eshtelle..."

Agad akong napalingon sa aking likuran upang hanapin kung saan nanggaling ang pamilyar na boses na umalingawngaw sa aking pandinig. Bumagsak ang balikat ko nang makitang ako lang mag-isa ang naririto ngayon sa gitna ng madilim at tahimik na kagubatan.

"S-Sinong nand'yan?" mahinahong tanong ko. Naghintay akong may sumagot sa aking katanungan ngunit tanging ang tunog ng mga kuliglig lamang ang naghari sa kapaligiran. Sino si Eshtelle? Ako ba iyon?

"Riv!"

Agad akong pumihit patalikod at mariing napapikit nang humampas sa aking mukha ang malakas at malamig na simoy ng hangin. I quickly ran my fingers through my slightly disheveled hair. Ako nga siguro ang kanina pa tinatawag ng mga boses sa paligid...

Nang humarap muli ako sa entrada ng malaking paaralan ay nagtama ang tingin naming dalawa ng isang lalaking nakatayo sa kabilang bahagi ng rehas na pumapagitan sa aming dalawa. "S-Sino ka?" namamaos kong sinabi.

"Eshtelle Alexa..."

Napapikit agad ako nang mariin at napahawak sa aking ulo nang maramdaman ang matinding pagkirot nito. I can hear the loud ringing in my ears and my head is spinning. Naramdaman ko ang pisikal na pagsakit ng aking dibdib dahil sa mabilis na pagkalabog ng aking puso.

"Come on, open your eyes, Eshtelle. Please..."

Kahit mabibigat ang aking mga talukap ay pinilit kong imulat ang aking mga mata. Nanlalabo ang aking paningin ngunit pinilit kong tingnan ang lalaking nakahawak sa mga rehas na pumapagitan sa amin.

"Iligtas mo ang sarili mo, Riv!" he begged.

My legs felt shaky and my eyes forcefully shut as my face contorted when I felt a throbbing sensation in my head. Beads of sweat trickled on my forehead. I grabbed a fistful of my hair to ease the pain but it wasn't helping. Kahit masakit ang aking ulo ay pinilit kong imulat muli ang aking mga mata at tumingin sa kinatatayuan ng lalaki ngunit wala na siya roon. Ako ba si Riv? Ako ba si Eshtelle Alexa?

Unti-unti kong binitiwan ang aking ulo at muling inangat ang paningin sa mga katagang nakaukit sa arko ng malaking gate sa aking harapan.

"Dauntless Academy..."

The throbbing pain in my head slowly subsided and my breathing slowly went back to normal. Agad napakunot ang aking noo nang maramdaman ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Agad ko itong pinalis at muling inangat ang tingin sa pangalan ng paaralan. Bakit ako umiiyak? Bakit ako nalulungkot nang ganito?

Ibinaba ko ang tingin sa mga katagang nakalagay at nakaukit sa ilalim ng pangalan ng paaralan. Nakasulat ito gamit ang maliliit at kulay tansong mga letra.

Hogar de los Valientes

Huminga muna ako nang malalim bago humakbang papalapit sa entrada at itinulak ang malaking gate. Agad akong napaahon mula sa pagkakahiga at hinabol ang aking paghinga. Hinilamos ko ang aking palad sa mukha habang binabalikan ang mga nangyari sa aking panaginip.

It's been a year since I first felt that everything had drastically changed. Pakiramdam ko ay galing ako sa isang mahaba at malalim na panaginip at tila ba hindi pa rin ako nagigising hanggang ngayon.

Ilang beses ko nang pinipilit alamin at hanapin kung ano ang kulang sa aking alaala ngunit nananatiling walang sagot ang mga katanungang gumugulo sa aking isipan. Tila ba nasa loob ako ng isang malaking jigsaw puzzle kung saan may nawawalang isang piyesa at walang ibang nakakaalam kung saan matatagpuan ito.

Ano nga ba talaga ang mayroon sa Dauntless Academy? Ano nga ba ang hinahanap kong kulang sa aking pagkatao simula noong huli akong naparito?

Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit pinakalma ang sarili. Stop overthinking everything, Eshtelle... Huwag mo nang pilitin kung hindi mo talaga maalala. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.

"Come on, open your eyes, Eshtelle. Please..."

Agad kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ang pamilyar na tinig ngunit ang tanging bumungad lang sa aking harapan ay ang tahimik at madilim na kagubatan.

Hindi ko na napigilan ang pagbuntonghininga. "Heto na naman tayo... Paulit-ulit na lang," napapagod na sabi ko.

Sa loob ng isang taon ay nakasanayan ko na ang paulit-ulit na ganitong eksena. May maririnig akong tumatawag sa akin at magigising ako mula sa isang malalim na panaginip. Pipilitin kong hanapin ang mga sagot na gusto kong makalap ngunit sa huli ay sasakit lang ang ulo ko kakaisip. Pagde-desisyunan kong pumasok sa malaking paaralan na may pangalang...

Ano nga ulit 'yon?

Malakas na humampas ang malamig na simoy ng hangin sa aking mukha. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang marahang pagsayaw ng mga damong nakapaligid sa akin kasabay ng simoy ng hangin.

Sino nga ulit ako? Nasaan ako?

Ano nga ba ang kulang sa aking pagkakatao? Ano nga ba ang hinahanap ko? Ano nga ba ang mga bagay na dapat kong malaman? Ano nga ba ang sagot sa aking mga katanungan?

Sino ang may-ari ng tinig na gumigising sa akin bawat umaga? Sino ang may-ari ng pares ng matang patuloy na nagmamasid sa akin araw-araw? Sino ang may-ari ng mga yakap na patuloy kong hinahanap-hanap?

Sino nga ba siya at bakit patuloy niyang binabagabag ang aking mga alaala?

Kailan ba ako tuluyang magigising sa katotohanan? Kailan ko ba maimumulat ang aking mga mata na hindi na ganito ang eksenang madadatnan? Nasa loob pa rin ba ako ng bangungot o sadya bang walang pinagkaiba ang bangungot at ang aking reyalidad?

Hanggang kailan ako magtatanong? Hanggang kailan ako maghahanap ng katotohanan? Hanggang kailan ako malulunod sa panaginip na ito?

"Dauntless Academy..."

Ano nga ba ang kinalaman ng paaralan na ito sa aking pagkatao?

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon