Kapitulo VIII - Welcome

30.2K 1.4K 142
                                    

Nakatulala ako habang tahimik kaming naglalakad sa hallway ng Right wing nang may marinig akong malakas na pagsabog sa may Center wing.

"Ang intense naman ng labanan doon!" Napatingin ako kay Kylie na naniningkit ang mga mata habang pinapanood mula rito sa malayo ang mga estudyanteng naglalaban sa battle field.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya ngunit agad itong napawi nang mapadpad ang tingin ko sa isang lalaking nakatayo malayo sa amin. Pinaliit ko ang aking mga mata upang mas maaninag ang kanyang mukha mula sa malayo ngunit natatakluban ng isang itim na mask ang kanyang bibig.

Nang magtama ang tingin naming dalawa ay tumalikod siya agad sa akin ngunit nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan. Napakunot ang aking noo sa kanyang inasta pero ipinagkibit-balikat ko na lang ito. Akmang magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ngunit agad akong napahinto at napapikit nang mariin nang umalingawngaw sa aking pandinig ang isang malakas na tinig.

"Welcome to Dauntless Academy, Eshtelle Alexa..."

Sa sobrang lakas ng boses na ito ay pakiramdam ko pati ang lahat ng ingay sa paligid ay unti-unti na ring lumakas. Napahawak ako sa magkabilang tainga ko habang nananatiling nakapikit nang mariin. Halo-halong ingay ang aking naririnig—sunud-sunod na pagsabog mula sa iba't ibang bahagi ng battle field, malalakas na yabag ng mga paang naglalakad at tumatakbo, pati na rin ang mga hindi pamilyar na tinig mula sa iba't ibang tao.

"Riv?" Dumalo agad si Kylie sa akin at natunugan ko ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya. "Riv, anong nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba?!"

Sinubukan kong imulat ang aking mga mata bago pinilit tiningnan ang kinatatayuan ng lalaking nakasuot ng itim na mask kanina. Nakaharap na siya ulit ngayon at nakatingin nang diretso sa akin. Ilusyon ba 'to? Kasama ba ito sa ability niya? Ano bang nangyayari?

Unti-unting lumabo ang paningin ko kasabay ng unti-unti ring paglaho ng lalaki mula sa puwesto niya. Mas lalo pang lumakas ang mga tunog at boses na aking naririnig bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.

"Alexa..."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at halos mapapikit ako ulit nang bumungad ang matingkad na liwanag ng buwan sa kalangitan.

"Alexa!"

Mabilis na namilogang mga mata ko nang mapagtantong wala ako sa kinaroroonan ko kanina. Where thehell am I?

Napatingin ako sa gilid ng hinihigaan ko ngayon at tila natuyuan ako ng lalamunan dahil sa nakikita. "A-Ashton?" gulat na sabi ko.

Mabilis akong napaahon mula sa pagkakahiga ngunit agad akong napahawak sa aking ulo nang maramdaman ang matinding pagkirot nito. Nag-aalala siyang dumalo sa akin kaya bigla akong nataranta at napaatras. Napatigil lang ako nang tumama ang aking likod sa malalamig na rehas ng hawla. Teka... Bakit nasa loob ako ng hawla?!

Nang hawakan ang malamig na bakal sa aking likuran ay na-estatwa ako sa aking kinauupuan. Iginala ko ang tingin sa buong paligid at napagtantong nasa loob ako ng hawla ni Ashton. Bahagya rin siyang nagulat nang ibalik ko ang tingin sa kanya.

"T-Totoo ka talaga?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nananaginip lang ba ako? O talagang totoo siyang naririto sa harapan ko ngayon?

He chuckled softly. "Mukha ba akong joke sa'yo?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Anong nangyari sa akin? I-I mean... Bakit nandito ako sa loob ng hawla mo? Paano ako nakapasok sa Labyrinth? Makakalabas pa ba ako?" sunud-sunod na tanong ko.

Unti-unting naging seryoso ang mukha niya. "First of all, I would like to thank you for hiding my identity, lalo na noong tinanong ka ng kaibigan mo at itinago mo ang naging pagkikita natin dito sa loob."

Dauntless Academy: Home of the BraveWhere stories live. Discover now