Kapitulo XXXIII - Survive

21.5K 1K 85
                                    

Nang marinig ang malakas na putok ng kanyon ay agad akong lumusong sa tubig at lumangoy nang mabilis. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay ang maisakatuparan ang buong planong nabuo ko sa isipan kanina nang walang kahit anong hadlang. Kapag nagawa ko iyon nang maayos ay siguradong malaki ang tiyansang makaligtas ako sa unang gabi ng laro.

Agad akong nakarating sa isla dahil sa mabilis kong paglangoy. Mabuti na lang dahil marunong akong lumangoy simula pagkabata at madalas din akong sumasali sa mga paligsahan ng paglangoy sa paaralan ko noon. Akalain mo nga namang magagamit ko pala iyon dito sa mundong ito!

Pagkarating ko sa isla ay agad hinanap ng paningin ko ang kinalalagyan ng mga armas sa may cottage. Maingat akong pumuslit papasok bago kumuha ng pana at palaso pati na rin ng ilang mga patalim. Sinabit ko ang pana at ang lalagyanan ng mga palaso sa aking balikat.

Inilibot ko ang paningin sa isla at natagpuan ang isang survival kit na nakakalat sa lupa. Mabilis akong tumakbo papalapit doon habang hawak ang dagger sa magkabilang kamay. Dinampot ko agad ang backpack ngunit agad akong natigilan nang may maramdamang umaambang sumaksak sa akin mula sa likuran. Mabilis akong yumuko at lumihis patagilid bago pinadausdos ang aking kanang paa sa lupa upang matalisod ang babae.

Hindi nga ako nagkamali ng ginawa dahil nadapa at napadausdos ang kanyang katawan sa lupa na naging hudyat ko upang madaganan at mahawakan siya. Agad kong inagaw mula sa kanyang kamay ang patalim na hawak niya. "Nabigyan na kita ng pagkakataong mapatay ako, pero sinayang mo pa. Now, who's great?" sarkastikong sabi ko sa babaeng namumula na ang buong mukha dahil sa pagsubok niyang makawala sa pagkakadagan ko sa kanya.

"P-Paano mo nalamang sasaksakin kita?!" pagalit na tanong niya sa akin.

Ngumisi ako sa kanya at nagkunwaring nag-iisip. "Simple lang..." mapanuyang sabi ko bago itinututok sa kanyang leeg ang talim ng dagger. "Alam mo ba na ang instinct nating mga babae ay may 99% accuracy?"

Nakita kong bahagya siyang natigilan sa pagkawala sa akin. "S-Saan mo naman nalaman 'yan?!"

I chuckled a bit. "Wala lang, share ko lang."

Suminghap siya. "Eh, ano namang pakielam ko riyan sa trivia mo?!" nauubos ang pasensyang sabi niya.

I smirked. "Easy ka lang kasi! Nagmamadali ka masyado, eh! Ang dami-dami pa nating time, oh!" pang-uuyam ko sa kanya bago itinuro ang malaking timer.

"So, sinasabi mo ba sa aking malakas ang instinct mo dahil babae ka kaya naramdaman mong papalapit ako?" pagpatol niya sa panunuya ko.

Muntik na akong matawa sa tanong niya kaya tumikhim ako. "Hmm, partly yes. Kaso... hindi lang kasi 99 percent ang accuracy ng instinct ko, eh,"

Kumunot lalo ang noo niya. "I-Ilan ba 'yong sa'yo?"

I chuckled. "To be exact, 101 percent," mayabang na sagot ko.

She scoffed. "Hambog ka rin talaga, 'no?" sarkastikong wika niya habang nakatitig sa akin nang masama. "Bakit naman kita paniniwalaan?!"

Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga bago bumulong. "I can still hear you even when you're a thousand meters away from me. You've messed with the wrong person, Miss."

"W-Wala akong pakialam! Hindi mo ako p'wedeng patayin dahil ako ang papatay sa'yo!"

Mas idiniin ko ang talim ng dagger sa kanyang leeg. Bakas sa kanyang mukha ang takot at kaba habang nakatingin sa akin. "Never underestimate my ability to put you to death," nakangising sabi ko sa kanya.

"B-Bakit naman ako matatakot sa'yo? Sino ka ba sa inaakala mo?!"

I smirked. "Ako? Ako lang naman ang taong papatay sa'yo," sarkastikong sabi ko sa kanya bago mabilis na pinadausdos sa kanyang leeg ang dagger kasabay ng pagdanak ng kanyang dugo.

Agad siyang binawian ng buhay dahil sa ginawa ko. Nabitin sa ere ang paghinga ko habang pinagmamasdan nangingintab na dugo sa talim ng dagger na hawak ko.

"Alexa?" Natigilan ako nang may marinig na isang pamilyar na tinig malayo sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at hinanap ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Napaawang ang aking bibig nang magtama ang aming tingin.

"L-Luke?"

Nakadirekta sa akin ang kanyang mapupungay na mata. Bakas sa kanyang mga mata ang pagtatanong, pagkalito, at kaunting pangungulila. Imposible! Paano mapupunta rito si Luke? Paano mapupunta rito ang kaibigan ko?

"A-Anong ginagawa mo rito?" napapaos na tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya naman iyon maririnig.

"Tumakbo ka na! Paparating na sila! You have to stay alive, Eshtelle Alexa!" sigaw niya sa akin mula sa malayo bago unti-unting naglaho kasabay ng paglipad ng buhangin sa ere. Huli kong natanaw ang isang pamilyar na pares ng kulay asul na mata.

Siya 'yong taong nakita ko sa Dauntless Academy na naglaho sa damuhan! Kung talaga nga'ng si Luke iyon, bakit... at paano?

Patuloy ang pagtagaktak ng pawis ko habang tumatakbo paalis sa islang kinaroroonan ng cottage. Sinulyapan ko ang timer sa kalangitan.

72 hours left...

Inilipat ko sa aking harap ang backpack na naglalaman ng survival kit na nakuha ko kanina bago sinabit sa aking katawan ang lalagyan ng mga palaso. Tiningnan ko ang mga bahid ng dugong natira sa aking kamay at punyal. Ipinilig ko ang aking ulo nang bumalik sa aking alaala ang nangyari kanina. Kinailangan kong gawin iyon upang mailigtas ang sarili ko and I know I needed to do that again in order to survive this competition. I still have three days left.

Huminga muna ako nang malalim bago mmuling lumusong at lumangoy sa dagat upang makatawid sa isla at makapasok sa kagubatan. Hindi ko rin alam kung hanggang saan ako dadalhin ng aking mga paa basta ang tanging nakatatak sa isip ko ngayon ay kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging matapang dahil wala akong oras para magmukmok at panghinaan ng loob.

Habang tumatakbo papasok sa kagubatan ay muling bumalik sa alaala ko ang mukha ng aking kaibigan habang nakatingin nang diretso sa akin. Anong ginagawa niya rito? Paano siya napadpad dito? Was it just an illusion? Pero paano kung totoo nga'ng nandito siya?

Napahinto ako sa pagtakbo nang mapansin ang katahimikan ng aking paligid. Pinakiramdaman ko muna kung may ibang tao bang malapit sa kinaroroonan ko ngayon at nang makumpirmang wala ay nakahinga ako nang maluwag.

Umakyat ako sa mataas na puno sa aking harapan at umupo sa pinakamataas na sanga. Nang makarating sa tuktok ay naramdaman ko agad ang malakas na paghampas ng maligamgam na simoy ng hangin sa aking mukha at ang pagsayaw ng aking buhok. Mula sa kinaroroonan ko ay natatanaw ko ang kabilang islang pinanggalingan ko kanina.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at bumuntonghininga. Tatlong araw... Tatlong araw pa pala akong magtitiis at makikipagsapalaran dito. Hanggang saan nga ba ang makakaya ko? Matatagpuan ko kaya ang mga kasamahan ko?

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon