Kapitulo IX - Presence

29.7K 1.3K 141
                                    

Pumasok ang healer sa Infirmary nang nakangiti at may dalang stethoscope at clipboard. Gulat pa ring nagpapabalik-balik ng tingin si Kylie sa aming dalawa ng healer. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Ms. Lee?" nakangiting tanong sa akin ni Nurse Kim.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Okay na po ako ngayon. Medyo sumakit lang po talaga ang ulo ko kanina, pero sa tingin ko ay kaya ko naman pong makapasok sa mga klase ko," kalmadong sagot ko.

Tumango siya bago inabot sa akin ang isang vial na may kulay asul na likido sa loob at may nakasulat na 'Elixir of Life' sa labas ng bote. "Drink this, and you'll feel better," aniya bago ngumiti.

Marahan akong tumango at sinunod ang kanyang sinabi. Pagkatapos inumin ang laman ng bote ay naramdaman ko kaagad ang pagbabago sa aking pakiramdam. Maya maya'y pinayagan niya na akong makalabas ng Infirmary upang maghanda na sa pagpasok sa klase.

Nang makarating kami ni Kylie sa dormitory ay agad kaming nag-prepare para sa unang klase ngayong alas tres ng tanghali. Nagsusuklay ako ng aking buhok nang biglang lumapit sa aking kama si Kylie.

"Paano mo nga pala nalamang may paparating kanina?" tanong niya.

Bahagya akong napaisip sa tanong niya. "Narinig ko talaga 'yong footsteps niyang papalapit kanina," sagot ko.

Natigilan naman si Ella sa kanyang pag-iipit ng buhok at nagpasya na ring makinig sa usapan naming dalawa ni Kylie. Nagulat ako nang magkatinginan silang dalawa at tila nangusap gamit ang mga mata.

"B-Bakit? Wala ka bang narinig kanina, Kylie?" kabadong tanong ko sa kanya. Marahan siyang umiling bilang sagot kaya agad kong naibaba ang suklay na hawak ko.

Habang naglalakad kami patungo sa Right wing ay patuloy itong bumagabag sa isipan ko. Muling pumasok sa aking isipan ang nabanggit ni Ashton tungkol sa ability.

"Riv!" Nabalik ako sa reyalidad at gulat na napatingin kay Ella nang pitikin niya ang tungki ng ilong ko. "Kanina pa kita kinakausap!"

Napakamot ako sa likod ng aking ulo bago bumuntonghininga. Humingi na lamang ako ng tawad sa pagkalutang ko simula kanina bago nakihalo na sa kanilang kuwentuhan. Natahimik lang kami nang pumasok na sa silid ng first class namin which is Technology class.

Agad napawi ang ingay ng mga estudyante nang makita kaming sa silid kaya napayuko na lamang ako hanggang sa makaupo kaming tatlo sa mga bakanteng upuan sa may bandang gitna.

Maya maya'y napuno na rin naman agad ang room ng mga estudyante. Kasunod namang pumasok ang teacher namin na may mahabang brown na buhok na umaabot hanggang sa kanyang tuhod. Huminto at tumayo siya sa gilid ng kanyang lamesa bago humarap sa amin nang nakangiti. Base sa kanyang pisikal na anyo, I think she's in her mid– to late-30s. "Good morning, class! I'm Ms. Athaska Erispe, your Technology class teacher for the whole school year," magiliw na pakilala niya.

Bumati rin kami sa kanya pabalik. Bakas ang pagkamangha sa tono ng mga pagbati namin dahil sa lamig ng boses niya na akala mo'y inawit niya ang kanyang sinabi.

"So, since it's my first day as your new teacher, and your first day as a Grade 12 student of D.A..." she trailed off and looked at us meaningfully. Tsk, alam ko na ang susunod na sasabihin ni Ma'am! Magpapakilala kami sa unahan!

"Oh! No, I don't need to know your names and you don't need to introduce yourselves," aniya na para bang nabasa niya ang aking iniisip.

Kitang-kita ang pagkagulantang ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Ma'am. Mukhang hindi lang pala ako ang nakaisip ng gano'n!

"Is it part of your ability, Ma'am?" tanong ng isang kaklase namin na bukod-tanging naglakas-loob magtanong sa kanya.

Ngumiti si Ma'am sa amin at tinitigan nang matagal ang nagtanong. "Yes, Mr. Ramos," kalmadong tugon niya na nagpamangha lalo sa aming lahat. "My ability involves knowing your identities through direct eye contact or touch and mind reading," dugtong niya.

Dauntless Academy: Home of the BraveWhere stories live. Discover now