Kapitulo XXV - Eliminate

26.9K 1.2K 160
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya lumabas muna ako ng dorm namin ni Reina at nagpasyang maglibot muli sa school bago ako um-attend ng first training ng The Chosen Ones. Matapos ang mahabang paglalakad habang nag-iisip ay hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa tapat ng library. Mas mabuti na siguro ito para kapag oras na ng training namin ay mas mabilis akong makakapunta sa pinakadulong shelf kung saan naroon ang entrada ng Chosen classroom.

Nagsimula akong maghalughog ng mga libro sa kabilang dulo ng library. Isa-isa kong binasa ang mga pamagat at napansing karamihan sa mga libro roon ay tungkol lang sa paggawa ng potions kaya lumipat na ako sa kasunod na shelf.

"Glistening, Healing, High Resistance, Holograms, Hope Reading, Hyper Speed, Hypnosis..." Napatigil ang pagbabasa ko nang makita ang title ng kasunod na libro ng Hypnosis. "Hogar de los Valientes?"

Kumunot agad ang noo ko. Teka, ito 'yong tinutukoy nila Ella na nakasulat sa ibaba ng pangalan ng paaralan na 'to! Pa-simple muna akong lumingon sa paligid upang tingnan kung may kasama ba ako rito sa shelf at laking pasalamat ko nang makitang ako lang mag-isa ang naroroon. Kinuha ko rin ang ilan sa mga katabi nitong libro at inilagay sa pinakailalim ang nauna kong nakita. Nagtungo ako sa pinakadulong lamesa kung saan tahimik at walang masyadong tao na nagbabasa. Nang buksan ko ang libro ay bumungad agad ang pamagat ng libro sa unang pahina na tila isinulat gamit ang calligraphy pen at may nakalagay ring English translation sa may ilalim nito.

Hogar de los Valientes

(Home of the Brave)

Ipinatong ko ang baba sa ibabaw ng aking kamay at patamad na binuklat ang kasunod na pahina.

Kingdom Galaxias

Ito ay nahahati sa apat na pangunahing rehiyon— ang Lunaticus na nangangahulugang Moon, ang Sunne na nangangahulugang Sun, ang Nephos na nangangahulugang Clouds, at ang Asteres na nangangahulugang Stars na mayroong subdivision na tinatawag na Asteres Planetai na nangangahulugang Planets.

Ang Kingdom Galaxias ay pinamumunuan ni King Sherbet Gray, anak ni Late Emperor Galactus at Empress Gaia, at ng asawa nitong si Queen Betana Gray. Mayroon silang limang anak na siyang namumuno sa limang rehiyon. Sa Camp Lunaticus ay si Prince Midorus, sa Sunne ay si Prince Neraios, sa Nephos ay si Prince Ostes, sa Asteres ay si Prince Remus, at sa Asteres Planetai ay si Prince Romulus.

List of Schools (according to region):

Dauntless Academy - Camp Lunaticus

Sanctum Academy - Camp Sunne

Nexus Academy - Camp Nephos

Ardor Academy - Camp Asteres; Camp Asteres Planetai

Dauntless Academy

A sanctuary for young students with magical abilities from Camp Lunaticus. Dito hinuhubog ang mga estudyanteng may kapangyarihan at natatanging katapangan upang maging bahagi ng hukbong sandatahan ng Kingdom Galaxias.

Ito ay pinamumunuan ni Headmaster R na direct descendant ni Grand Prince Midorus at unang apo ni King Sherbet. Ito ay nakatakdang ipamana sa kanyang nag-iisa at panganay niyang anak sa takdang panahon. Ang kanyang panganay na anak ay naging bahagi ng The Chosen Ones ng Dauntless Academy na nag-uwi ng unang kampeonato para sa paaralan at rehiyon ng Lunaticus.

Napatigil ako sa pagbabasa nang may marinig na kumalampag mula sa pinakamalapit na shelf sa aking kinaroroonan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang wala namang tao roon. Ibinalik ko ang tingin sa aking binabasa at binuklat ang kasunod na pahina ngunit wala nang kadugtong pa ang nakasulat tungkol sa tagapagmana ng trono ng headmaster.

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon