Kapitulo XII - Beast

27.1K 1.5K 200
                                    

Tumigil ako sa pagtakbo bago kinusot ang aking mga mata. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at napansin kong wala nang ibang tao sa paligid kundi ako na lamang. Umihip nang malakas ang hangin at saka ko lang napagtanto na nasa loob kami ng battle field nang maramdaman ang paghampas ng mga damo sa aking paa.

Muli kong hinanap ang hinahabol ko ngunit mukhang nakatakas na siya nang tuluyan. "Nasaan na kaya nagpunta iyon?" medyo hinihingal pang bulong ko sa sarili.

"Sino?" Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang may magsalita sa gilid ko.

"A-Anong ginagawa mo dito, Luke?"

"Nakita ko kayong tumatakbo papunta rito kasama ang mga kaibigan mo kaya sinundan ko kayo. Sinong hinahanap mo?" si Luke.

Napairap na lang ako sa sinabi niya. "It's none of your business."

Pinitik niya ang noo ko kaya napadaing ako. "Your business is MY business, too. Binabantayan lang kita at baka magalit sa akin sila Tita Chelle 'pag may nangyari sa'yong masama."

Nagtaas ako ng isang kilay. "Bakit mo ako binabantayan? Guardian ba kita?"

Napabuntonghininga siya sinabi ko. "Guardian lang ba ang may karapatang magbantay, Eshtelle Alexa?"

"But guardians are—"

"Kailan ka pa natutong tumakbo nang ganoon kabilis, Alexa?!" Napalingon ako dahil sa pasigaw na tanong ni Kylie sa akin mula sa malayo. Nang makalapit sila ay napahawak siya sa dalawa niyang tuhod at naghabol ng hininga.

"Bakit ba bigla kang tumakbo?" halatang nalilitong tanong sa akin ni Ella.

"At saka sino ba 'yong tumira sa atin ng palaso?" si Kylie.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila at napatingin sa gawi ni Luke. Nakakunot ang kanyang noo habang mariing nakatingin sa akin. "May umatake sa inyo?" seryosong tanong ni Luke sa amin, particularly sa akin.

Tumikhim muna ako bago hinarap sila Kylie. Bakas sa mga mukha ni Ella ang pagtatanong kung sino ang lalaking nasa tabi ko ngayon. "Si Luke nga pala, kababata ko," pagpapakilala ko kay Ella at Kylie. "Luke, sila Ella at Kylie naman, mga kaibigan at ka-roommate ko."

Pinadausdos muna ni Luke ang kanyang daliri sa buhok bago inilahad ang kamay nang nakangiti sa dalawa. Lumitaw ang dalawa niyang malalalim na dimples at halos mapaubo ako nang magtulakan pa si Ella at Kylie sa pakikipagkamay sa kanya.

Same, old Luke Anders. Napailing ako sa naisip ko.

Nagulat ako nang ibalik agad ni Luke sa akin ang kanyang tingin. I shifted my weight a bit. "Kaya ba kayo tumatakbo papunta rito ay dahil hinahabol niyo ang nagtangkang tumira ng palaso sa inyo?" tanong niya muli sa akin.

I swallowed hard. "Oo! Bigla nga'ng tumakbo si Alexa kasi nakita niya raw 'yong nagtangka sa amin—" Pinandilatan ko agad ng mata si Kylie kaya agad siyang natahimik.

"Nakita mo? Paano? Ano bang ability mo?" si Luke.

Ibinagsak ko sa lupa ang aking tingin at itinikom ang aking bibig. Ilang sandal ring natahimik si Luke kaya inangat ko muli ang tingin sa kanya. Nakatingin na siya ngayon sa malayo at tila may malalim na iniisip. Nang ibalik niya ang tingin sa amin ay hindi nagtagal ang kanyang titig sa akin kung 'di sa aking mga kasama. "Sa susunod, kapag may nangyaring ganitong aksidente ay lumapit kayo sa Class A students. Ire-report ko ito ngayon sa headmaster kaya maiwan ko na muna kayo rito. Magdoble-ingat kayo, okay?"

"Opo, boss!" masiglang sabi ng dalawa kong kaibigan na siyang nagpangiti kay Luke.

Sinulyapan niya ako bago tipid na nginitian. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking ulo at bahagyang yumuko para magpantay ang lebel ng aming mga mata. "Lalong-lalo ka na, Alexa..." aniya bago bahagyang ginulo ang aking buhok at nagpasyang umalis.

Dauntless Academy: Home of the BraveWhere stories live. Discover now