Kapitulo XXIX - Plan

24.3K 1.1K 123
                                    

Agad nawaksi ang lahat ng katanungan sa aking isipan nang makita ko ang isang taong matagal ko nang hinihiling na makita noon pa man. Bumilis ang tibok ng aking puso habang dahan-dahang humahakbang palapit sa kanya. "H-Headmaster R?"

Saglit na huminto sa pagpintig ang aking puso nang dahan-dahan siyang lumingon at ngumiti sa akin. Siya si Headmaster R? Hindi ako makapaniwala!

"Hi, Ms. Lee," bati niya sa akin sa isang kaswal na tono.

Nanatiling nakaawang ang bibig ko habang gulat na nakatitig sa kanya. "I-Ikaw po si Headmaster R?"

His brow shot up. "Well, obviously..." natatawang sagot niya sa akin.

Judgmental na ba akokung sasabihin kong ang na-imagine kong hitsura ng headmaster ay 'yong tipong maputina ang buhok at sobrang haba ng balbas? Yung tipong kumikinang na ang buhok sapagkaputi?

Pero mukhang si Headmaster R ang nabubuhay na patunay na hindi lahat ng headmaster ay katulad ng nai-imagine kong itsura nila! Damn, nakakapagsisi talaga na gan'on ang naisip ko sa kanya dati!

Binaling niya ang kanyang atensyon kay Ms. Miranda at pormal na nakipag-usap. Pinagmasdan ko ang kilos at tindig niya. Kung titingnang mabuti ay tila nasa middle- to late-40s pa lang siya at mapapagkamalan lang siyang isang propesor. Kung siguro ay nasa labas kami ng Kingdom Galaxias at mundo ng mga manna ay maaari siyang mapabilang sa mga kilalang artista sa panahon ngayon!

"Eshtelle." Nagitla ako nang marinig ang pagtawag ni Asher sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakatuon na pala ang atensyon sa akin ng lahat.

Nagulat ako nang lumapit sa kinatatayuan ko si Asher at biglang hinawakan ang magkabilang balikat ko bago bahagyang inalog. "Ano bang problema mo, Eshtelle? Kanina ka pa namin tinatawag. Ano pa bang ibang iniisip mo bukod sa 'ako'?" mapanuyang tanong niya.

"W-Wala naman— Ay, teka nga! Anong 'bukod sa ikaw'?! Hindi kita iniisip, 'no!" depensa ko sa sarili bago mabilis na inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

Sinulyap ko sila Headmaster R na ngayon ay kausap ang team pati si Ms. Miranda. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakahinga ako nang maluwag nang makitang hindi nila nakita ang ginawa ni Asher.

"Defensive," bulong-bulong niya habang umiiling. Tumalikod na siya sa akin at bumalik na sa kinaroroonan ng team.

Napairap na lang ako sa kayabangan niya. Lumapit na rin ako sa kinaroroonan ng team at ni Headmaster R. Agad napunta sa akin ang atensyon ng headmaster. Napakunot ang noo ko nang makitaan ng multo ng ngiti ang kanyang labi.

"Dahil kumpleto na kayo ngayon, iaanunsyo ko na ang tungkol sa napag-usapan namin sa pulong kasama ang lahat ng headmasters ng bawat paaralan sa Galaxias," panimula ni Headmaster R. Napakunot ang aking noo at napasulyap ako sa aking mga kasama bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Good news or bad news first?"

"Good news," halos sabay-sabay naming sagot.

Bahagya siyang napahalakhak sa mga sagot namin. Hindi ko alam kung bakit dahil sa halakhak niyang iyon ay biglang kumabog ang dibdib ko. Bakit bigla akong kinabahan?

"So the good news is," panimula niya habang pinapasadahan kami ng tingin. "You'd still be excused on your classes until the tournament. You'll be focusing more on individual and group trainings."

Nagbulungan naman ang kalalakihan na tuwang-tuwa sa kanilang narinig na anunsyo mula sa headmaster at pinangungunahan pa ni Linus na siyang madalas na pasimuno ng kaingayan.

"Yes! Ligtas tayo kay Perickles, baby boys! Wala pa akong gawa roon sa potion project, eh," pabulong na sabi ni Linus.

"But the bad news is..." Napatigil kaming lahat sa pag-uusap nang muling magsalita ang headmaster na ngayon ay bakas ang kaseryosohan. Isang pamilyar na kaba ang dumaloy sa aking sistema dahil sa panimula niyang iyon. Pakiramdam ko ay nanlamig ang sikmura ko dahil parang alam ko na kung anong susunod niyang sasabihin.

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon