Kapitulo XXVII - Weapon of Choice

26K 1.2K 445
                                    

"Congratulations on completing the first level successfully, The Chosen Ones! So now, let's proceed to the physical training and duel!" Huminto muna sa pagsasalita si Ms. Miranda at sa isang iglap ay nagbago muli ang paligid.

Namamangha kong inilibot ang aking tingin sa buong silid. Para kaming nasa isang malaking training room kung saan may iba't ibang rooms na naglalaman ng iba't ibang targets o kaya naman ay mga pang-exercise.

"Your physical training will be divided into two sections. Ang una ay ang individual training sa paggamit ng iba't ibang armas at tamang pakikipaglaban. Your team captain will guide you on that. At ang pangalawa ay ang virtual reality training niyo kung saan may kalaban kayong dummies sa room na iyon," excited na paliwanag ni Ms. Miranda bago itinuro ang pinakamalawak na silid.Tanging glass window lang ang nakapalibot sa silid kaya naman kitang-kita namin ang loob nito.

Umalis si Ms. Miranda sa harap namin at binitbit ang isang malaking treasure chest nang walang kahirap-hirap bago inilapag iyon sa harapan naming lima. "Weapon of choice," aniya bago dahan-dahan itong binuksan. May iba't ibang klase ng bomba, granada, mga patalim, baril, at marami pang iba.

Lumapit si Asher dito at walang pag-aatubiling kinuha ang isang excalibur. Pagkahawak niya pa lang nito ay bigla niya itong pinaliyab na siyang nagpamangha sa amin. Oo nga pala, Elements Kinesis ang ability niya kaya maaari niyang gamitan ng ability ang kanyang armas. Pero teka, 'di ba parang may nabanggit siya noon na mayroon siyang extrasensory perception? Ability ba 'yon o common Galaxias term lang?

"Akin 'tong bomba, ah! Papasabugin ko mukha ni Ethan!" biglang sabi ni Linus.

"Gago! Ikaw kaya ang pasabugin ko r'yan?" pikong sagot ni Ethan.

Natawa ako sa asaran ng dalawa. Pagkatapos nilang magbangayan ay seryoso na muli silang pumili ng kanilang mga armas. Ang pinili ni Linus ay isang land mine bomb na bagay sa ability niyang Geokinesis at kay Trevor naman ay time bomb na sa tingin ko naman ay madali niya lang ding magagamit dahil sa ability niyang Hyper Speed. Tahimik namang lumapit si Ethan sa treasure chest at kinuha ang isang dagger. Kumunot ang noo ko nang piliin niya iyon. Bakit dagger lang ang pinili niya?

At saka ko lang napagtanto kung bakit iyon lang ang pinili niya nang biglang mag-iba ang anyo nito sa aking paningin at naging malaking espada. Yeah right, it's all about illusions. Kayang-kaya niyang paikutin ang makakalaban niya gamit lang ang ability niya. Utak ang kanyang pangunahin at pinakamalakas na weapon sa lahat.

"Ms. Lee, ikaw na lang ang hindi pa napili." Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Ms. Miranda.

Tumango ako bilang sagot bago lumapit sa malaking treasure chest at iginala ang mga mata sa loob nito. What should I pick? Alin ba rito ang maaaring sumakto sa ability ko? Kaya ko namang gumamit ng iba't ibang patalim pero mae-enhance ba nito ang ability ko?

"Why don't you try the bow and arrow, Eshtelle? I think it would suit your ability," suhestiyon ni Asher na nakatayo pala sa aking likuran. Kinuha ko ang pana at palaso mula sa treasure chest at bumalik na sa pwesto ko kanina. Kunot-noo ko itong pinagmasdan. Paano naman kaya gumamit nito at saka paano naman ito babagay sa ability ko?

"Mr. Greene, please lead your team for a while. Pinapatawag kami ni Headmaster R sa opisina. We'll be back," pormal na sabi ni Ms. Miranda kay Asher. Tumango lang siya bago muling bumaling sa amin.

"Shall we start?" he asked in a formal tone. Pagkasabi niya no'n ay nagsi-alisan na sa tabi ko ang tatlong lalaki at pumunta sa targets and practice rooms. "Oh, ano pang tinatayo-tayo mo riyan?" tanong ni Asher sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Nanuyot yata ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya at mas lalong hindi nakaalis sa aking kinatatayuan. Saan ako pupunta? Anong gagawin ko?

I saw a hint of amusement in his eyes. "Ano, magti-titigan na lang ba tayo rito, Eshtelle?"

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon