Kapitulo XXIV - Team

26K 1.2K 213
                                    

Nagmadali akong bumalik sa Right wing upang hanapin ang room ng Chosen class ngunit nakalimang ikot na yata ako sa buong building ay wala talaga akong makitang room na may ganoong pangalan. "Damn it! Nasaan ka ba?" inis na tanong ko sarili bago nagsimula ulit magtingin-tingin sa mga classroom.

Saktong pagpihit ko patalikod ay nabangga ang aking ulo sa dibdib ng taong nakaharang sa daraanan ko. Tiningnan ko kung sino ito at halos mapairap ako nang makitang si Asher lang pala iyon. Bakit ba sa tuwing nagkikita kaming dalawa sa daan ay nababangga ako?

"Can you pleaseshow up normally sometimes? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot kung saan-saan!'Pag inatake ako sa puso, ikaw talaga ang unang sisisihin ko!" singhal kosa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wag kang mag-alala, heart attack lang ang ibibigay ko sa'yo at hindi heartbreak," aniya bago niya ako hinawakan sa aking pala-pulsuhan.

"Just kidding." Pumihit na siya patalikod habang hawak ang pala-pulsuhan ko ngunit bago pa niya ako tuluyang mahila ay agad ko itong binawi.

"W-What are you doing?"

He sighed. "I'm obviously fetching you, Ms. Lee," patamad na sabi niya.

"At bakit? Saan mo naman ako dadalhin? Ayoko nga'ng sumama sa'yo! Baka kung saan mo pa ako dalhin, eh!" pagsusungit ko.

He looked at me with disbelief. "Alam mo ikaw, ang dami mong sinasabi masyado! Nautusan lang din ako, okay?" nauubos ang pasensyang sabi niya bago akmang hahawakan ulit ang braso ko pero inilayo ko agad ito.

"Bakit ba hindi mo na lang kasi sabihin kung saan?! Hindi 'yong bigla ka na lang susulpot at hihilahin ako! P'wede mo naman kasi akong sagutin na lang nang matino—"

"Chosen class," putol niya sa akin. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol doon? "I'm part of the team, too," aniya sa isang tono na tila ba nabasa na naman niya ang tanong sa isip ko.

I raised a brow. "Bakit ba lagi mo na lang nababasa ang nasa isip ko? Mind reader ka ba?"

He smirked. "I have an extrasensory perception," he said coolly. "Tara na..."

Labag man sa kalooban ko ay tumango na lang ako at sumama na sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin at agad itong nabawi dahil sa hindi maipaliwanag na haplos na naramdaman sa aking puso.

"Hindi naman required sa pagsundo ang paghawak sa kamay ko, 'di ba?" sarkastikong sabi ko.

Tumingin siya sa gawi ko at pinagtaasan na naman ako ng isang kilay. "Ayaw mo no'n? Holding hands while walking."

Sinimangutan ko siya at agad siyang nilagpasan upang makaiwas sa panunukso niya. Ilang saglit lang ay napansin kong patungo kami sa Northeast wing kung saan nakatayo ang library ng Dauntless Academy.

"Bakit tayo nandito?" naguguluhang tanong ko sa kanya ngunit hindi man lang siya umimik.

Mas lalo akong nagtaka nang pumunta kami sa kadulu-duluhang section ng mga libro. Nang makarating doon ay bigla niyang ipinatong ang kanyang kanang kamay sa pader na nakatayo sa harapan naming dalawa. "This is the main entrance for the Chosen classroom. Ito ang official practice room ng The Chosen Ones team ng Dauntless Academy," he formally explained to me.

Hindi naalis ang tingin ko sa unti-unting bumubukas na pader sa harapan namin. Nang tuluyan na itong bumukas ay bumungad ang isang madilim at malawak na silid sa harapan namin. Nauna siyang pumasok doon sa loob at hindi na ako nilingon pang muli. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang humakbang papasok sa silid.

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon