Kapitulo X - Defense

29.1K 1.4K 186
                                    

My brows furrowed when I saw some students wearing dark green coats standing beside the entrance of our classroom. Nang makita ako ay agad silang napatigil sa kwentuhan at lumipat ang tingin sa akin. Ipinagkibit-balikat ko na lang ito at pumasok na agad sa loob matapos marinig ang pagtunog ng bell.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala pa roon ang teacher namin sa Defense class. Nang makita sila Ella at Kylie ay agad akong lumapit sa kanila at umupo sa nireserba nilang upuan para sa akin. "What took you so long?" kuryosong tanong ni Ella.

"Wala pa ba 'yong teacher?" pag-iiba ko sa usapan.

Nagulat naman ako nang sinipat bigla ni Kylie ang noo ko kaya napatingin ako sa kanya. "Ba't parang namumutla ka yata? Sigurado ka bang okay ka na talaga?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Hinawi ko kaagad ang kanyang kamay bago nag-iwas ng tingin. "O-Okay lang ako. Medyo napagod lang ako sa pag-akyat ng hagdan at saka, medyo naligaw pa ako paghahanap nitong room," pagsisinungaling ko bago pinasadahan ng tingin ang buong silid. "Ang astig pala ng room ng Defense class!"

Ang classroom kasi ng Defense class ay hindi katulad ng room ng ibang subjects. Ang mga shelves dito ay naglalaman ng iba't ibang klaseng armas na maaaring gamitin sa pakikipaglaban. Malawak ang kabuuan ng classroom at wala ring upuan sa paligid. May dummies din na nakakalat sa isang area at sa tingin ko ay iyon ang mga target namin.

Bahagya akong nakaramdam ng kaunting excitement. Sa mundo namin, mahilig akong sumabak sa sports na related sa self-defense. Marunong akong mag-taekwondo, fencing, at mixed martial arts. Active akong sumasali sa mga patimpalak upang i-represent ang dati kong school sa mga district meet o regional meet.

Nang pumasok na ang teacher namin sa Defense class ay nilubayan rin ako ng dalawa kong kaibigan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang akong nakaramdam ng matinding pressure sa classroom. Paglingon ko sa unahan ay nagtama agad ang tingin namin ng aming guro. Wala pang ilang segundo nang humarap ako sa kanya ay mabilis agad akong napailag nang may ibato siyang patalim sa direksyon ko.

Purong katahimikan ang nanaig sa buong silid at ang tanging tunog na umalingawngaw ay ang pagbaon ng patalim sa dingding. Nanuyo ang lalamunan ko nang mapagtanto kung anong nangyari. Natauhan lamang ako nang maramdaman ang pagtagas ng dugo mula sa maliit na sugat sa kaliwang pisngi ko na nadaplisan ibinatong patalim sa akin.

Our Defense class teacher whistled in amusement. "Nice reflexes."

Hinawakan ko ang daplis sa aking pisngi at bahagyang napapikit nang maramdaman ang hapdi nito. Kung hindi ko pala iyon nailagan ay paniguradong bumaon na sa mukha ko ang ibinato niya!

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang maglakad siya papalapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko at taas-noong tumingin sa akin. "State your name, Miss Transferee," kalmadong tanong sa akin ng aming guro.

"A-Alexa Lee, Ma'am," kinakabahang sagot ko sa kanya.

I noticed how her facial expression changed a bit. Nagulat ako nang lagpasan niya ako upang kunin ang bumaong punyal sa pader. Sinundan naming siya ng tingin habang kinukuha ang patalim. Agad namilog ang mga mata ko at napailag ako nang bigla niyang itapat sa aking leeg ang punyal. Ano bang trip nitong teacher na 'to? Gusto niya ba talaga akong patayin?

Umawang ang bibig ko nang maramdaman ang malamig na dulo ng patalim sa aking leeg. Napapikit ako nang mariin dahil sa takot nang maramdaman ang bahagyang pagbaon ng talim nito.

"You're studying at Dauntless Academy. You are training to be a part of the Galaxias army. You should be dauntless. Fear should not be a part of your vocabulary." Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Inilayo niya na ang patalim sa akin bago naglakad pabalik sa unahan.

Dauntless Academy: Home of the BraveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora