Kapitulo XXXIV - Trevor

22.1K 1.2K 421
                                    

Nagising ako dahil sa isang malakas na putok ng baril sa ibaba ng punong inakyat ko. Tinutop ko agad ang aking bibig nang mapagtantong may isang grupo ng mga manlalaro sa ilalim ng puno. Pilit kong iniwasan ang pagkilos upang hindi nila mapansin ang presensya ko rito sa itaas.

"Hindi ba't apat na school ang lumahok sa Choque de la Magia, Pinuno?" tanong ng isang babaeng nakasuot ng itim na face mask.

Pinuno?

"Oo, ibig sabihin ay may dalawampung manlalarong nandito sa loob ng mundong ginagalawan natin," sagot ng lalaking tinawag nilang 'Pinuno'. Naaninag ko ang pula niyang mata at natatakluban din ng itim na face mask ang kalahati ng kanyang mukha.

"May anim na tao nang namatay. Lima roon ay napatay ng grupo natin at ang isa ay ka-grupo nating napatay ng isang babaeng taga-Lunaticus," galit na balita ng isang babae. Halos mapasinghap ako sa sinabi niya nang mapagtantong ako ang tinutukoy niyang nakapatay sa kanilang ka-grupo.

"At pam-pito na itong lampang ito," natatawang sabi ng isa pang lalaking may hawak na revolver habang nakatutok sa ulo ng walang buhay na lalaking nababalot ng dugo ang katawan. Hinipan niya pa ang revolver na tila ba isang kandilang may sinding apoy.

Nagtawanan silang lahat kabilang na ang kanilang pinuno. Ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang mga taong nag-uusap sa ilalim ng puno. Lahat sila ay nakasuot ng kulay itim na damit at mayroong itim na face mask na natakip sa kanilang ilong at bibig. Mayroon silang hawak na iba't ibang klase ng modernong armas at mukhang marami rin silang nakuhang survival kits. Base sa kanilang mga kasuotan at kagamitan, walang dudang sila ay nagmula sa Camp Asteres.

"Naubos na natin ang lahat ng taga-Nexus Academy at nahuli na natin itong isang taga-Sanctum Academy," mayabang na sabi ng unang babaeng nagsalita kanina. "Nasaan kaya ang mga taga-Lunaticus?!"

"Ah! Iyon bang mga taga-Dauntless Academy?" tanong ng lalaking may hawak na revolver. "May napuruhan kaming isang miyembro kanina kaso nakatakas din. Hindi ko alam kung buhay pa ba iyon pero sa tingin ko ay naghihingalo na."

Namilog agad ang mga mata ko sa narinig. May napuruhan silang miyembro namin? Sino sa kanila? Nasaan na siya ngayon?

"Ang mga taga-Dauntless Academy talaga ang nagpapahirap palagi sa bawat Choque de la Magia," malamig na sambit ng kanilang pinuno.

"Sakit talaga sa ulo 'yong mga taga-Lunaticus na 'yon! Bawat tournament na lang ay lagi silang nagpa-pabida!" inis na reklamo ng isang babae. "Mabuti na lang ay makakaganti na tayo sa kanila ngayon. Ang lakas talaga ng koneksyon ng boss natin sa mga nakatataas!"

Boss? Bukod pa ang boss nila sa 'pinuno'? Bakit napakarami naman yata nilang kasabwat? Sumali lang ba sila sa Choque de la Magia para pumatay ng mga kalaban? Ganito ba talaga ang tinuturo sa kanila sa Ardor Academy?

"Makahanap lang talaga ako ng isang patanga-tangang taga-Lunaticus, babalatan ko talaga 'yon ng buhay!" galit na sabi ng babaeng unang nagsalita kanina.

Naikuyom ko agad ang kamao ko at maingat na tumayo sa sanga ngunit nagulat ako nang makalikha ito ng isang malakas na ingay. Agad namilog ang mga mata ko nang makitang narinig iyon ng grupong nagpupulong sa ilalim ng puno. Ambang aalis n asana ako ngunit natigilan ako nang may humablot sa aking braso mula sa aking likuran.

Muntik na akong mapasigaw ngunit agad niyang tinutop ang aking bibig. Namilog ang mga mata ko nang marinig ang kanyang bulong sa aking tainga. "Riv, ako ito... 'Wag kang kikilos at 'wag ka ring sisigaw."

Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko nang makilala ang tinig na iyon. Kahit nagulat ay sinunod ko pa rin ang sinabi niya dahil malaki ang tiwala ko sa kanya. Tumingin ako sa ibaba at napansin ang kakaibang tingin ng mga manlalaro. Nagpupuyos ang aking dibdib habang nakikipagtitigan sa kanila ngunit nakapagtatakang hindi nila kami nakikita.

Dauntless Academy: Home of the BraveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora