Kapitulo XI - History

29.1K 1.4K 90
                                    

Pumasok na ako sa classroom kung saan ang next class ko. Pagkaupo ko ay napabuntonghininga na lang ako nang maalala ang pinag-usapan namin ni Ms. Miranda kanina.

"What's your ability?" seryosong tanong ni Ms. Miranda.

Dumagundong sa aking tainga ang pagtahip ng aking puso sa dibdib. Naramdaman ko ang pamumuo ng butil ng pawis sa aking noo at ang panunuyo ng aking lalamunan. I didn't prepare for this!

"Go on, you can tell me," kalmadong sabi sa akin ng aking guro.

I swallowed hard and tried to think of any common ability. Naitikom ko ang aking bibig nang umalingawngaw sa aking isipan ang ability na nabanggit sa akin ni Ashton sa Labyrinth. "E-Enhanced Senses po..." sagot ko gamit ang maliit na boses.

Nabalik ako sa reyalidad nang may pumasok sa silid at naglakad sa unahan na sa tingin ko ay ang magiging teacher namin sa History class. May katangkaran siya at siguro ay nasa 30 o 40 pataas na ang kanyang edad, pero kung sa unang tingin ay mapapagkamalan mo pa rin itong bata dahil sa soft features ng kanyang mukha at makinis na balat.

"Good afternoon, class!" magiliw na bati niya sa amin matapos isulat ang kanyang pangalan sa whiteboard.

Halos sabay-sabay kaming tumayo upang batiin pabalik ang aming guro na si Ma'am Luisa. Ngumiti siya sa amin bago sinenyasan na maaari na kaming umupo. "So class, dahil alam kong familiar na kayo sa maunlad na teknolohiyang ginagamit dito, hindi lang sa paaralang ito kung 'di pati na rin sa buong rehiyon ng Lunaticus, magiging upgraded din ang ating discussion sa History class."

"Paanong upgraded po, Ma'am Luisa?" si Kylie.

Ngumiti siya. "It's for me to know and for you to find out," makahulugang sagot ng aming guro. Napakurap-kurap ako nang bigla siyang sumulyap sa akin. "Dahil mayroon tayong transferee, let me tell you a brief history about Dauntless Academy and the world around it." Ngumisi si Ma'am sa akin at sa isang iglap ay napaawang ang aking bibig dahil sa nasasaksihan.

Bakas rin ang pagkamangha sa mukha ng mga kaklase ko habang tinitingnan ang isang hologram figure na ipino-project directly mula sa mga mata ng aming guro. May mga kasama rin itong ibang figures na tila ginagawan ng action ang mga sinasabi ng hologram ng aming guro upang mas maintindihan namin ang mga sinasabi niya.

"Dauntless Academy, one of the four schools of Kingdom Galaxias, is built as a sanctuary for young people or students with special abilities in Camp Lunaticus," panimula ni Ma'am Luisa. "Camp Lunaticus is one of the four main regions of Kingdom Galaxias." Ngumiti ang hologram figure ni Ma'am nang makitang nasa kanya ang atensyon ng lahat ng nasa silid kahit sa tingin ko ay alam na nila ang istoryang ito mula pagkabata nila.

"Ang Kingdom Galaxias ay ang mundo kung saan naninirahan ang mga katulad nating naiiba sa pangkaraniwang tao. Ito ay nahahati sa apat na pangunahing rehiyon na tinatawag natin bilang 'camps'. Each of the four regions, namely Lunaticus, Sunne, Asteres, and Nephos, have their own schools na siyang naghahasa at nag-aalaga sa mga katulad din nating may magical abilities. On the other hand, one of the regions named Camp Asteres has a subdivision named Planetai. Nakahiwalay ito noon sa Asteres ngunit nang magkaroon ng isang malaking digmaan sa pagitan ng bawat camps noon ay nasakop ito ng Camp Asteres at tinawag itong Asteres Planetai."

Ibig sabihin pala ay para talaga akong nasa ibang planeta at ang lagusan papasok sa planetang ito ay aksidente ko lang napasukan noong araw na iyon? Aksidente nga lang ba talaga iyon? Pero bakit nasa loob na ako ng Lunaticus noong iniwan akong mag-isa ni Ate Ashley?

"Camp Lunaticus is considered as the home of the brave. We train students to become fighters and serve the kingdom as Galaxias soldiers. Camp Sunne is considered as the home of the protectors. They train students to serve as guardians or protectors of the Galaxias soldiers. Camp Nephos is considered as the home of the enchanted ones. They train students to become powerful mages and protect our kingdom. And last but not the least, Camp Asteres is considered as the home of the assassins. They train students to become the regulators of the law or law enforcers of Galaxias." Namamangha akong tumango sa paliwanag ng aming guro.

"Ang ibig sabihin ng pangalan ng kampo natin ay 'moon'. Ayon sa alamat, ang mga naninirahan dito ay nagsisilbing tagapangalaga ng buwan noong unang panahon," pabulong na sabi sa akin ni Ella.

Napataas ang isang kilay ko. "Ano naman ang ibig sabihin ng mga pangalan ng iba pang kampo?" kuryosong tanong ko sa kanya.

"Ang Sunne ay nangangahulugang 'sun', ang Nephos naman ay nangangahulugang 'clouds', at ang Asteres ay nangangahulugang 'stars', ani Kylie.

Ibinalik ko ang tingin ko sa hologram ni Ma'am Luisa. Ibig sabihin ba no'n ay nangangahulugang 'galaxy' ang Kingdom Galaxias? Ang mga naninirahan ba rito ay ang mga tagapangalaga ng kalawakan noong unang panahon?

"Sa Lunaticus nakatayo ang Dauntless Academy. Sa Sunne naman ay ang Sanctum Academy. Sa Nephos ay ang Nexus Academy. At ang Camp Asteres at Asteres Planetai naman ay may iisang school na pinagsama at tinawag nila itong Ardor Academy. All of these powerful schools were built to protect the society and the world around it, including the mannas."

Napakurap ako nang sunud-sunod dahil sa sinabi ng aming guro. 'Including the mannas'? Layunin din ng mga tao sa Galaxias ang protektahan ang mga tao sa mundo namin? Paano?

"Every year, all the schools from the four different regions unite in a single tournament called Choque de la Magia League. Each schools will pick their top five students that will compete in the tournament to fight and represent their respective schools." My lips parted in amusement. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa panibagong tanong na nabuo sa aking isip. Choque de la Magia? Ano naman ang ibig sabihin no'n?

"Clash of the Magic..." sagot ni Ella sa tumatakbong tanong sa isipan ko.

"Ang Choque de la Magia League ay naging tradisyon na sa Galaxias sa loob ng ilang daang taon matapos ang madugong digmaan sa pagitan ng bawat kampo. Hindi ito isang basta-bastang kompetisyon lamang dahil ito ay ang nagsisilbing basehan kung aling rehiyon ang pinakamalakas sa lahat," ani Ma'am Luisa. "Ginawa nilang tradisyon ito taon-taon upang hindi na magkaroon ng alitan sa pagitan ng bawat kampo."

Hindi magkaroon ng alitan? Pero hindi ba't kompetisyon din naman iyon? Paano sila nakakasiguradong hindi magkakaroon ng alitan kung sakaling may mangyaring hindi nila magustuhan? Safe ba ang tournament na iyon? Pero teka... ano ba talagang nangyayari sa loob ng Choque de la Magia?

"Ang mabubuong team ng bawat paaralan na lalaban sa tournament ay tinatawag na 'The Chosen Ones'."

P'wede kayang manood sa tournament na iyon? Maaari kayang mapanood iyon ng lahat?

Walang pag-aalinlangan akong nagtaas ng kamay upang magtanong. "Ma'am! P'wede po bang—" Naputol ang pagsasalita ko nang biglang tumunog nang malakas ang school bell na siyang hudyat ng pagtatapos ng aming klase.

Nakita naming bumalik na sa mga mata ni Ma'am ang hologram figures bago siya magpaalam sa amin. "Okay, class! That's all for today. We'll continue the discussion next meeting. Class dismissed!" Nagpaalam na rin kami sa kanya at nagligpit na ng kanya-kanyang mga gamit.

Sabay kaming naglakad nila Ella at Kylie habang pinagku-kuwentuhan ang buong discussion sa History class kanina. Nasa tapat na kami ng library sa Northeast wing nang bigla akong makaramdam ng namumuong pressure sa paligid. Napatigil ako sa paglalakad at napapikit nang mariin. Naramdaman ko ang pagtindig ng mga balahibo ko hanggang sa batok.

Narinig kong napatigil sa pag-uusap at paglalakad sila Ella at Kylie nang mapansin ang pananahimik ko. Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng mga nag-aalala nilang mukha. Lumapit sila sa akin ngunit hindi ko sila pinansin dahil patuloy ko pa ring pinapakiramdaman ang paligid. Mas tumindi ang nararamdaman kong papalapit na puwersa sa aming tatlo at mas bumigat ang paghinga ko.

Nang maramdaman kong tila papalapit na ito sa kinatatayuan namin ay bigla kong hinawakan si Ella at Kylie. "Duck!" malakas na sigaw ko bago mabilis silang hinigit pababa kaya napadapa kaming tatlo sa sahig.

Pumikit ako nang mariin at inawang ang aking bibig upang lumanghap ng hangin. May narinig akong metal na tumama sa isang pader na nakatayo lang sa kinatatayuan naming kanina at bumagsak ito sa sahig. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata habang abot-abot pa rin ang pagtahip ng aking puso.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang isa itong metal na palaso na direkta sanang tatama sa 'kin kanina kung hindi ko ito agad naiwasan. Agad akong tumayo at inilibot ang tingin sa paligid. Naningkit ang mga mata ko nang may makitang aninong tumatakbo palayo habang may dalang pana sa likod.

Siya 'yong umatake! Sigurado ako ro'n! Pero sino siya? At bakit niya ako gustong patamaan ng pana? But more importantly... paano ko naramdaman kanina na may papalapit sa aming panganib?

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon