Kapitulo I - C. Forelocks

62.2K 1.9K 305
                                    

Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko ngunit pinanatili ko pa ring nakapikit ang aking mga mata. "Riv, gising na..."

"What time is it?" tanong ko habang muling tinatakpan ng kumot ang aking mukha.

"It's already ten o'clock in the morning." Napabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga nang marinig iyon kaya naman muntik na akong mahulog sa kama. Nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya.

"What?! Hindip'wede! Mag-aayos pa ako ng requirements ko para makapag-enroll sa paaralan samay bayan!" madamdaming sabi ko.

Tiningnan ko ang kapatid kong may nakakalokong ngiting nakasilay sa kanyang labi. Agad na napakunot ang noo ko sa kanya. Dahan-dahan kong nilingon ang orasan at nakitang 7 'o clock pa lang ng umaga.

"Kuya..." wika kong may tunog-babala.

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "What?" pa-inosenteng tanong niya sa 'kin.

Binato ko siya ng unan ngunit sinalo niya ito agad nang walang kahirap-hirap. "Sabi mo 10 o' clock na! Niloloko mo naman ako, eh! Nakakainis ka talaga!" sigaw ko sabay bato pa ng ibang natitirang unan sa kanya. Tinawanan niya lang ako habang sinasalo ang mga iyon.

"Napakataray mo talaga, Riv! Ginising lang kita kasi may sasabihin daw sa'yo si Mama," natatawang paliwanag niya. Humalukipkip na lang ako at napairap. Naningkit ang mga mata ni Kuya nang ngumiti siya nang matamis sa akin.

Ang pamilya namin ay may kalahating dugong Korean dahil ang mga magulang namin ay parehong half-Korean. Si Kuya Chris ang pinakasingkit sa 'ming tatlong magkakapatid dahil namana niya ito kay Papa. Malakas ang kutob ko na noong kabataan ni Papa ay kamukhang-kamukha niya talaga si Kuya.

Si Ate Ashley naman, kakambal ni Kuya, ay hindi masyadong halata na may dugong-Korean dahil mas lamang ang pagka-Pilipina sa facial features niya. Sabi pa nga ni Kuya ay baka ipinaglihi raw ako ni Mama kay Ate noong ipinagbubuntis niya pa lang ako dahil magkamukhang-magkamukha talaga kami.

"Ba't ba kayo nagsisigawan d'yan?!" pagalit na sigaw ni Ate na nakasilip na pala sa ibabaw ng double-deck na higaan namin. "At ikaw naman, Eshtelle Alexa, nangingibabaw 'yang boses mo! Ang aga-aga pa, hoy! May natutulog pang tao dito, oh!"

"Ang drama mo naman, Ashleng! Ang daming sinabi!" pang-aasar pa ni Kuya sa kanya.

Napairap na lang siya at tinignan ulit ako nang masama. "Dalaga ka na, Alexa, pero ang daldal mo pa rin! At ikaw naman, Christopher, 22 ka na pero bungangero ka pa rin! Lalaki ka pa talaga sa lagay na 'yan, ah?" singhal muli ni Ate sa 'min bago bumaba sa double-deck na kama.

Napanguso ako sa sinabi niya. "22 lang ba talaga kayo, Ate at Kuya? Mukha kayong nasa 30 plus na," kunwaring seryosong sabi ko.

"A-Anong sinabi mo?! Lumapit ka nga rito nang makalbo na kita, Eshtelle Alexa!" banta niya sa akin. Humahagalpak naman si Kuya Chris habang nanonood sa amin ni Ate.

My friends call me Alexa, but my family prefers to call me Riv. Ang mga kapatid ko talaga ang nagpasimuno no'n, eh. Ayon sa kwento nila sa akin, iyakin daw kasi ako noong sanggol pa lang ako at halos mala-ilog daw ang iniiyak ko 'pag malungkot o nasasaktan ako kaya imbis na 'River', 'Riv' na lang daw para mas magandang pakinggan.

"Goodmorning, Papa!" masiglang bati ko sa kanya na mukhang kakalabas pa lang mula sa kanilang kwarto. Ngumiti naman siya sa 'kin bago tumango.

"Goodmorning, Mama!" bati ko rin sa aking ina na kakagaling lang mula sa kusina. Bumati rin siya pabalik sa akin habang abala sa paghahain ng almusal namin sa hapagkainan.

Sunod namang pumasok sa dining room ang mga kapatid ko. "Morning, 'Ma at 'Pa," sabay na bati nila bago sabay ring umupo.

"Morning din," sabay ring bati ng aking mga magulang.

Dauntless Academy: Home of the BraveWhere stories live. Discover now