Kapitulo XXIII - Heir/Heiress

26.7K 1.3K 38
                                    

Mag-isa akong pumasok sa room ng Chemistry class dahil nauna na rito si Reina upang ipag-reserve ako ng upuan. Ito lang ang nag-iisang klaseng nadagdag sa bago kong schedule bilang Class A student. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako lalo na sa tuwing nakukuha ko ang atensyon ng mga bago kong kaklase kapag pumapasok ako.

Hindi naman nagtagal ay pumasok na rin si Mrs. Perickles at binati kami. Pagkaupo naming lahat ay muling sumeryoso ang buong paligid. May inilapag siyang tig-iisang listahan sa desks namin. Nang matapos niyang mabigyan ang lahat ay nagsimulang umalingawngaw ang bulungan sa paligid.

"Potions?" pabulong na tanong ko sa sarili habang binabasa ang mga nakasulat sa papel.

"We're in Chemistry class so I hope you won't expect less from me. I will teach you everything you need to know in Chemistry, especially when it comes to potion-making," she formally explained. "So, as you can see, ang listahang 'yan ay naglalaman ng iba't ibang pangalan ng potions na maaari niyong gawin. Choose one and that will be your activity for today."

'Activity for today'? Kumunot agad ang noo ko sa sinabi niya bago muling sinulyapan ang listahang hawak ko. Ano naman kaya rito ang kaya kong gawin?

Isa-isa kong binasa ang bawat potions hanggang sa natigil ang tingin ko sa isang potion. Invisibility Potion? Magagawa ba talaga namin ito?

"Nakapili na ba kayong lahat?" tanong ni Mrs. Perickles makalipas ang ilang sandali.

Sumagot kaming lahat kaya nagsimula na siyang lumapit sa amin upang alamin an gaming napili. Medyo matagal pa akong naghintay bago siya tuluyang makalapit sa akin. Noong una ay kinakabahan pa akong tumingin sa kanya dahil naalala ko ang nangyari noong sorting ceremony ngunit nang ngumiti siya ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

"You're the girl with a sleeping ability from the re-sorting ceremony before, right?" aniya sa tonong hindi sigurado. Napapalunok naman akong tumango bilang sagot. "What's yours, Ms. Lee?" she gently asked.

I awkwardly smiled before answering. "Invisibility potion po, Ma'am..."

Bakas ang pagkamangha sa kanyang mukha dahil sa sagot ko. Mataman niya akong tinitigan bago kalmadong nag-iwas ng tingin sa akin. "You'll be needing one bottle of Invisible Liquid, a bottle of marfori juice, one small bottle of molany balm, two lebsoms, and a test tube full of transparent crystals," paliwanag niya.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ano raw? Ano 'yong mga 'yon? Ni wala man lang akong naintindihan sa sinabi niyang mga ingredients!

Napatikhim siya nang makita ang naguguluhan kong reaksyon sa mukha. "Molany is usually used to sooth sores and blisters of creatures like unicorns and badgers. It is one of the most powerful ingredients used in invisibility potions." Napatango ako sa sinabi ni Ma'am at hinintay ang kasunod na paliwanag niya. "Lebsoms are a type of tropical ingredient harvested by Japanese fishermen. You need two of it in your potion."

Lebsom? Ano 'yon? Bakit wala akong alam na gano'n sa mundo ng mga manna? Dito lang ba matatagpuan lahat ng nabanggit na ingredients ni Mrs. Perickles?

"You can find all of the ingredients that you need inside that room. Just tell her what you need," she said while pointing her index finger at the small door located at one corner of the room before she proceeded to Reina.

Isinulat ko lahat ng ingredients sa isang papel kahit hindi sigurado sa spelling nito at tumayo na upang pumila kasunod ng mga papasok din sa room na tinuro ni Mrs. Perickles. Nang makapasok sa loob ay sinalubong agad ako ng matinding katahimikan. Nagsitayuan yata lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang biglang pagsara ng pinto sa likuran ko. Iginala ko ang paningin sa buong silid at napansin ang kadiliman dito. Halos luma na ang lahat ng mga gamit at kitang-kita ang mga alikabok.

"Ms. Lee." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may tumawag sa akin. Hinanap ko ang pinanggalingan nito at nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang si Nurse Kim lang pala iyon. Napahalakhak siya nang makita ang reaksyon ko. "Anong kailangan mo?"

Ngumiti ako sa kanya at lumapit bago inabot ang maliit na papel kung saan ko isinulat ang ingredients na kakailanganin ko. Binasa niya muna ito nang ilang saglit bago tumalikod sa akin at naghalughog sa lumang cabinet na nakatayo sa gilid niya.

Pinagmasdan ko siya habang abala siya sa paghahanap ng ingredients sa cabinet. Kung titingnang mabuti ay parang hindi naman gaanong nalalayo ang kanyang edad sa akin. Parang mas matanda lang ito nang kaunti kay Ella at kung pagbabasehan ang kinis ng balat niya ay hindi malayong mapagkamalan na kaklase lang namin siya. Matagal na kayang nagtatrabaho rito si Nurse Kim? O baka naman bago lang siya?

"Nurse Kim, matagal ka na po bang nagtatrabaho rito?" wala sa sariling tanong ko.

Saglit siyang natigilan sa ginagawa ngunit nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin. "Oo, matagal na. Almost 18 years na rin siguro." Seriously? Ilang taon na siya kung gano'n? Parang ang bata niya pa talaga tingnan!

Humugot muna ako ng lakas ng loob bago muling nagtanong sa kanya. "Maaari po bang magtanong tungkol sa D.A.?"

Gulat na napalingon siya sa akin pero agad ding nakabawi. "Ano bang gusto mong malaman?" tanong niya bago muling tumalikod sa akin at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"M-May alam po ba kayo tungkol sa tagapagmana ng trono ni Headmaster R?" Natigilan ako sa sarili kong tanong. Bakit nga ba iyon agad ang naisipan kong itanong? Masyado ba akong straightforward? Or dala lang ba 'to ng curiosity ko?

Nang matapos niyang kunin ang lahat ng kailangan kong ingredients ay agad siyang bumaling sa akin at maingat itong inabot sa akin. "Ang alam ko lang ay nawawala ang tagapagmana ng headmaster ilang taon na ang nakalilipas. Halos labingsiyam na taon na siyang nawawala at wala pa ring nakakakita sa kanya simula noong naglaho siya sa mundong ito," seryosong sagot niya sa akin.

More than 18 years? Kung 18 years nang nawawala ang tagapagmana ng trono ng headmaster at 18 years na ring nagta-trabaho rito si Nurse Kim, ibig sabihin ba ay naabutan niya rin ang tagapagmana ng trono?

Napatitig ako sa mga mata ni Nurse Kim habang seryoso rin siyang nakatingin sa akin. Her eyes looked so familiar... Teka, saan ko nga ba nakita ang mga matang ito?

"Kung may mga bagay ka pang nais malaman tungkol sa paaralan at sa mundong ito, unti-unti mo itong matutuklasan lalo na't bahagi ka na ng Class A, Ms. Lee," makahulugang sabi niya bago ko narinig ang pagbukas ng pintong pinasukan ko kanina.

Wala sa sarili akong naglakad palabas ng silid bitbit ang ingredients na ibinigay sa akin ni Nurse Kim. Pagkatapos kong ipasa ang aking activity ay nagpaalam na ako kay Mrs. Perickles bago lumabas ng classroom at tumungo sa dorm namin ni Reina.

Ano kaya ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Nurse Kim? Marami na bang nalalaman ang lahat ng mga estudyante sa Class A? Ako na lang ba ang walang muwang tungkol sa nakaraan ng D.A. dahil transferee lang ako?

Pagkapasok ko sa dorm namin ay nakita kong wala pa rin doon si Reina. Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa aking silid at saglit na nagpahinga bago tumungo sa susunod naming klase. Mabilis ring lumipas ang oras at natapos ko na ang mga natitirang klase ko ngayong araw.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong binabagabag ng mga panibagong katanungan sa isip ko. Sino nga ba ang nawawalang tagapagmana ng headmaster? Bakit at paano siya nawala? At saka... nasaan na kaya siya ngayon?

There's something about that lost heir/heiress that makes me want to know more about this school's secret. Kung nakamamatay lang ang kuryosidad ay baka kanina pa ako pinaglalamayan dito!

Napatigil ako sa paglalakad upang pakalmahin ang isip at sarili. Binuklat ko ang papel kung saan nakasulat ang aking schedule at ch-in-eck kung wala na nga ba talaga akong kasunod na klase. "Ability, History, Chemistry, Defense, at Technology... Wala na palang kasunod—"

Natigilan ako nang biglang umilaw ang papel na hawak ko at unti-unting umusbong ang maliliit at ginintuang letra sa pinakahuling bahagi ng aking schedule. "C... H... O... S... E... N..." Napaawang ang aking bibig nang mapagtanto kung ano iyon. "C-Chosen class?"

Dauntless Academy: Home of the BraveWhere stories live. Discover now