Kapitulo XXI - Illusion

26.1K 1.2K 45
                                    

Pagkapasok pa lang namin ni Reina sa room ng Ability class ay naagaw na namin ang atensyon ng lahat. Mahabang katahimikan ang namutawi sa buong silid at ramdam na ramdam ko ang mga matang nakamasid sa akin. "What are you looking at?" pagtataray ni Reina sa lahat ng nakatingin sa akin kaya nagkanya-kanya silang iwas ng tingin sa akin.

Doon lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag kaya naman napangiti ako nang tumabi siya sa akin. Naikuwento niya rin kasi sa akin kanina na isa siyang officer ng Class A kaya siguro ganoon na lang ang respeto ng buong klase sa kanya.

Hinawakan niya ako sa braso at iginiya patungo sa dalawang bakanteng upuan malapit sa may pinakadulo. "Huwag kang kabahan, Alexa! Don't worry, I got you," paniniguro niya sa akin bago ako kinindatan.

Ngumiti ako sa kanya upang maipakitang ayos lang ako kahit sa loob ko'y medyo kinakabahan pa rin talaga ako. Maya maya lang ay pumasok na si Sir Alejandro sa aming classroom. Pinasadahan niya ng tingin ang buong klase na tila ba may hinahanap bago napatigil ang kanyang tingin sa akin.

Ngumiti muna siya bago tumikhim. "So I suppose you already know that we have a new student here. And her name is..." pabitin na wika niya bago makahulugang tumingin sa akin.

Tumikhim muna ako bago dahan-dahang tumayo. "Alexa Lee, Sir..." dugtong ko sa pagpapakilala niya sa akin.

Tumango siya sa akin bago ako sinenyasang umupo. "As we all know, Ability class is all about enhancing your individual abilities. I am here to hone your skills to its finest," he formally said, more like re-introducing his subject to me as a transferee to this class.

Paano naman kaya maiimprove 'tong ability ko? Technically speaking, hindi ko naman 'to magagamit sa pakikipaglaban, ah? Paniguradong wala akong laban sa mga kaklase ko ritong mas malalakas ang kapangyarihan sa akin! At bakit nga ba ako napunta sa Class A? Akala ko ba one of the weakest 'tong ability ko? Ganito ba talaga kahalaga ang Enhanced Senses sa buong Galaxias?

"May I request everybody to please stand up and enter that door?" ani Sir Alejandro na siyang nakakuha muli sa atensyon ko.

Pagkasabi pa lang ng aming guro ay nagsitayuan na agad kaming lahat. I tiptoed to look at the door pero hindi ko ito makita dahil ang tatangkad ng mga taong nasa unahan ko.

"Ang liit mo," I heard someone said it from the back. Inis akong nilingon iyon at hindi ako nagkamali kung kaninong boses nanggaling iyon.

"Alam mo, pabida ka talaga!" sarkastikong sabi ko.

Tumaas ang isanggilid ng kanyang labi at namamanghang pinanood ang reaksyon ko. "Why? I'mjust stating a fact here," pa-inosenteng sabi niya bago ibinalik angtingin sa harapan.

"I'm not short. You're just taller than me." I sighed.

He chuckled a bit so I immediately glared at him. "What?" natatawang tanong niya. Inirapan ko na lang siya at hinintay na lamang ang turn ko para pumasok sa pinto.

Walang pag-aalinlangan kong pinihit ang door knob at itinulak ang pinto. The light coming from it blinded my eyes but I still chose to move forward and close the door behind me. Hinarang ko sa aking mata ang aking kamay upang hindi gaanong masilaw. Doon ko lang napagtantong nasa battle field na ako ngayon. So this is where we're going to train and improve our abilities, huh? Bakit hindi naman kami rito nagte-training noong nasa Class D pa lang ako? Ganito ba talaga kapag Class A? Mas maraming pribilehiyo?

Nang makumpleto na kaming lahat sa field ay biglang sumulpot si Sir Alejandro sa gitna at sinenyasan kaming lumapit at magtipon sa harapan niya. "So this is what we're going to do. First, you will train individually. And second, you'll have to past the test."

Dauntless Academy: Home of the BraveWhere stories live. Discover now