Kapitulo V - Warning

32.2K 1.4K 135
                                    

Napuntahan din namin ang Great Hall. Napag-alaman kong dito pala pumupunta kapag may okasyon o importanteng announcement ang Headmaster, ang namamahala sa buong paaralan, o kung sino mang high official sa D.A at doon ginaganap ang annual sorting ceremony. Nadaanan din namin ang Northeast wing kung saan nakatayo ang Library. At doon naman sa Northwest wing matatagpuan ang dorm ng teachers sa D.A. Sa Left wing naman matatagpuan ang dormitories ng Class B students at sa Southwest wing naman ang naglalakihang dormitories ng Class A students.

Napag-alaman ko rin kanina kung paano napupunta o naso-sort sa kani-kanilang classes ang mga estudyante dito. Ayon sa kanila, nagkakaroon sila ng sorting ceremony first day of school taon-taon kung saan hinahati sila sa apat na classes from A being the highest to D as the lowest. Dinadala ng Headmaster sa Great Hall ang phoenix na nakatira sa Office of the Headmaster. Ito ay magpapatak ng kanyang luha sa kung saang class ka nararapat. Taon-taon ito ginagawa upang malaman kung karapat-dapat bang i-promote o i-demote ang isang estudyante base sa class performance at kalakasan ng ability niya buong school year.

"Anyway, nandito na pala tayo sa may Upper wing. Nandito matatagpuan ang Office ng Headmaster. Obvious naman, 'di ba?" ani Kylie sabay turo sa karatulang pagkalaki-laki na may nakasulat na "Office of the Headmaster".

Napahinto sa paglalakad si Kylie at Ella habang may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha na tila ba nakakita ng multo. Nangunot ang noo ko sa reaksyon ng dalawa. Sinundan ko ang tingin nila at napagtanto kung bakit nagbago ang ekspresyon ng dalawa.

"T-Tulungan niyo ako! Aksidente lang ang lahat! H-Hindi ko sinasadyang mapadpad dito!" pagmamakaawa ng babae sa bawat estudyanteng nakakasalubong niya. Pilit siyang nagpumiglas sa mga nakahawak sa kanyang estudyanteng naka-blue green colored uniform.

Kung iba-base sa mga ipinaliwanag sa akin kanina nila Kylie at Ella, sila ay mula sa Class B. Bawat Class daw kasi ay may color-coding sa kanilang uniform at ito raw ang sinusunod sa lahat ng schools sa buong Galaxias. Ang Class A ay dark green. Sa Class B ay blue green. Sa Class C ay yellow green at sa Class D naman ay pure green.

"T-Tulong! Ayoko pang mamatay! K-Kailangan ko pang makabalik sa pamilya ko!"

Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa nararamdamang magkahalong takot, galit, at pagkahabag sa babae. Posible kayang isa siyang manna katulad ko? Aksidente rin ba siyang napapasok sa paaralang ito?

Nagulat ako nang biglang huminto sa paglalakad ang lalaking katabi ng babaeng nangunguna sa paglalakad. May ibinulong siya rito habang pinupukulan ako ng matalim na tingin. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang tumango ang babae at biglang idinapo ang nanlilisik niyang tingin sa akin. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang biglang humakbang papalapit sa akin ang babae.

"R-Riv, tara na..." pabulong na sabi sa akin ni Kylie.

Gustuhin ko mang umalis ngunit tila nakapako na ang mga paa ko sa sahig. Nanatili ang aking tingin sa babaeng naglalakad patungo sa direksyon namin. Sapilitan naman akong hinila ng mga kaibigan ko kaya nagpatianod na lang ako sa hila nila.

"Sandali lang." Napahinto kaming tatlo sa paglalakad nang umalingawngaw sa paligid ang boses ng babaeng taga-Class B. "Bumalik kayo rito."

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ella sa kamay ko kaya mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko. Anong nangyayari? Sino itong babaeng 'to? Bakit ganito ang presensya niya?

Dahan-dahan kaming umikot paharap sa kanya. Napaangat ang isang gilid ng kanyang labi bago magsalita. "Saan kayo pupunta?" kalmadong tanong niya.

Tumikhim muna si Ella bago sumagot. "Inililibot lang namin itong kaibigan namin sa buong academy, Ms. Elise."

Dauntless Academy: Home of the BraveWhere stories live. Discover now