Left or Right!?

327 9 3
                                    

Left or Right!?

Hansel's POV

Napaawang yung bibig ko sa nakita.Tumingin ako kay Chad saka ngumiti ng malawak. "Wow!" di makapaniwalang sabi ko. "So totoo pala na lahat ng Los Balles Resort meron nito." sabi ko na ang tinutukoy ay ang Rose Garden. Halos tulad rin ito nung maze dun sa hotel na pinagdausan ng reception ng kasal nila Jammy at Jordan. Ang kaibahan lang isang kulay lang ng bulaklak ang naroroon-kulay puti at mas lawak ang maze na'to based sa map na nakaukit sa malaking bato sa tabi ng entrance.

"Oo, lahat ng Los Balles Resort." kumpirma ni Chad na ikinalingon. Nakangiti rin sya habang nakatingin sa entrance ng garden.

"Sobrang hilig kasi ni Tita Haidee sa bulaklak kaya naman sinikap ni Tito Mauro na lagyan lahat ng ganito ang Los Balles." kwento nya na ang tintukoy ay ang mga magulang ni Jordan.

"That's so sweet." di ko napigilan na magcomment. "He surely love Jordan's mom to do such thing for her." patuloy ko habang nakatanaw sa mga bulaklak.

Di ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mainggit.

Bakit kasi di ko parin matagpuan si Mr. Right?

Haaaaay...

"Ahem." he cleared his throat dramatically. "Daydreaming?" tanong nya na pigil ang tawa.

"Hindi no!" asik ko sabay taas ng kilay. Nang-aasar na naman sya.Tumawa sya saka umiling pero hindi na sumagot pa sa sinabi ko. Hinawakan nya yung kamay ko saka hinila ako para sumunod sa kanya. "Tara."

"Saan?" nagtatakang tanong ko.

Nangunot noo naman sya."Sa loob.Papasok tayo. "

Oo nga naman.

"Ah, okay."sagot ko na lang.

Umiling-iling ulit sya. "Honey, nawawala ka na naman sa sarili mo."biro nya.

"Heh!"ingos ko. "Tigilan mo nga ako."

Binaling ko yung tingin ko sa ibang direksyon kasi baka mahuli nya na nangingiti ako. Lalo nya lang akong aasarin.

Pinisil nya yung kamay ko na hawak nya kaya napalingon ako. "What?" sabi ko sabay taas ng kilay.

Ngumiti sya saka itinaas yung isa nyang kamay at hinawakan yung kilay ko. Napatunganga ako. Hinilot nya kasi yun pababa. "Ang sungit mo naman honey." sabi nya pero ngiting ngiti parin. "Ina-under mo na naman ako."

Eh?

Sinungitan na nga at lahat, nakangiti parin..?Saka under? As in under de saya?

"Pero, okay lang yun." patuloy nya saka nagwink."Willing naman ako, basta ikaw."

Pinigil ko yung tawa ko. Ang layo ng narating ng isip nya. Uunderin ko sya kung makasal kami? And he's willing!

Ang swerte ko naman.

Huh? Swerte? San nanggaling yun?

Umiling-iling ako. "Haaaaaaaay, Naku Chad..." I sighed hysterically and rolled my eyes.

Dapat yata nagpayong ako, naapektuhan yata ng sikat ng araw yung takbo ng utak ko.

"Kung anu-anong sinasabi mo."pambabalewala ko saka nagpatinunang naglakad.

Baliw na yata ako. Hindi ko kasi mapigilan yung sarili ko na...

Kiligin.

Hindi na ako teenager pero ano ba itong feeling na 'to.

Chad!

****

Chad's POV

I smiled widely saka hinayaan syang maunang maglakad. As usual, umiiwas na naman sya. Gawain nya yun when she's getting caught off guard.

Pero okay lang, I still have time. hindi kailangan magmadali. Unti-unti, makikita nya rin yung effort ko.

Tahimik ko syang sinundan. Tuloy-tuloy lang sya sa paglalakad pero nang mahati yung way sa dalawa, saglit syang huminto na para bang nag-iisip kong saan pupunta.

Humarap sya sakin. "Which way?"tanong nya seriously. Nakatingin lang sya habang hinihintay yung isasagot ko.

Nagtaka naman ako. Himala yata ang he's asking me kung saan ang way.

"What do you think?" I asked back playfully, making her raised her eyebrows.

"Sa right."sagot nya agad .

"Wrong."sabi ko confidently. "It's left." Hinawakan ko yung kamay nya saka hinila sya papunta sa kaliwang daan.

"Wait!" pigil nya. "Gustong-gusto ko na talagang itanong sayo 'to.Bakit mo alam na na left way?"naguguluhang usisa nya sakin.

Tumawa ako. "Ikukwento ko pero wag kang magagalit?"panghihingi ko ng assurance. Baka kasi awayin nya ako kapag nalaman nya ang totoo.

Lumapit sya sakin saka sumimangot. "Bakit ako magagalit?" She was standing in front of me habang nakapamewang.

Iyan na nga bang sinasabi ko. Di pa ako nagsisimula, mukhang mang-aaway na sya. Too fiesty.

"Sabihin mo munang di ka magagalit." pilit ko.

Natigilan sya saglit then she sighed in frustration. "Sige."

Nakatingala sya sakin habang hinhintay yung sasabihin ko.

I smiled widely. Marunong rin naman pala syang sumunod.

"Jordan and I are friends."umpisa ko.

"I know."she interrupted."So what's the conne--?" Tumawa ako saka itinapat yung daliri ko sa bibig ko, hushing her."Listen first, okay?" sabi ko sa kanya na ikinatigil naman nya.

"The thing is, Jordan told me the secret about the maze." patuloy ko saka iginiya sya sa paglalakad.

"Kaya naman alam ko." I paused saka ngumiti. "You might find it weird."I paused. "Because the right way" I stopped then faced her. "is always LEFT"

"Left?" ulit nya saka nangunot noo.

Tumango ako.

**************

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon