..continuation..

329 6 2
                                    

"PERO nakipagpustahan ka sa kin!" she said accusingly. Naniningkit yung mga matang tumingin sya sakin.

"Hey!"awat ko sa kanya. "Sabi mo di ka magagalit."

"Oo nga."sagot nya. "Pero you cheated on me." she pouted. "Kaya pala alam na alam mong dead end na yung way na pinuntahan ko nun."

"Galit ka?" nag-aalalang tanong ko. Hindi sya kumibo.

"Honey, wag ka na magalit."napakamot ako ng ulo ko.Mas okay na yata sakin yung sinisinghalan nya ako kesa sa di na nya ako kibuin."Sorry na, honey..."

"Hindi naman ako galit."mahinahon na sagot nya."Dapat pa nga yata akong magthank you sayo at pinilit mo akong pumunta dito." Tumunghay sya saka ngumiti.

Hindi sya galit at nakangiti sya sakin. Totoo ba ito?

"Uy, Chad!"untag nya nang natahimik ako." Sabi ko hindi naman ako galit." pag-uulit nya.

I smiled widely."Sabi ko na nga ba Honey, di mo ako kayang tiisin." biro ko sa kanya.

She rolled her eyes."Grabe Chad, ang kapal." Umiling-iling sya saka tumalikod pero di nakaligtas sa paningin ko yung pagngiti nya.

I just followed her hanggang sa makalabas kami ng maze.

Hansel's POV

"Left lang pala ng left.."bulong ko habang naglalakad sa maze. Nakasunod lang sakin si Chad. Natatawa ako. Ang yabang ko na manguna, palibhasa alam ko na ang tamang daan.Napangiti ako ng malawak sa tuwing liliko at ako at hindi ako napupunta sa dead end.

After thirty minutes nakalabas na kagad kami sa maze. Kahit na alam kong somehow, we cheated pero iba parin yung feeling of fulfillment.

"Nakalabas tayo!" tuwang tuwa na sigaw ko."Honey, we made it!"

Humarap ako kay Chad saka wala sa sariling niyakap sya.Napatingin nga sakin yung ibang mga turista saka napangiti. Hindi naman ako nahiya.

Tumawa sya. "You called me honey." bulong nya sakin.

"Ha?" nagulat na tanong ko saka humiwalay sa kanya. "Hindi noh!" tanggi ko saka saglit na ni-recall yung sinabi ko.

Nakalabas tayo! Honey, we made it!

Honey we made it!

Honey we made it!

"HIndi!" sabi ko saka umiling-iling."Nagkamali ka lang ng dinig."

"You did call me honey!" he insisted pagkatapos ay pinisil ng marahan yung pisngi ko. "You're really sweet."ngiting ngiti na pagbibiro nya saka tumalikod.

Sa init ng pakiramdam ko, I'm pretty sure that I'm blushing like tomato. I just called him honey!

Ano bang nangyayari sakin?Naguguluhang tinanaw ko sya habang papalayo.

"Gusto ko na si Chad?" tanong ko sa sarili ko.

Nakailang metro na yung layo nya nang muling syang lumingon. He smiled at me, making my heart beats faster.

Pati ngiti nya, iba narin ang epekto sakin.

"Aren't you coming?"sigaw nya habang kumaway.

I sighed deeply saka lumakad. Ilang araw ko pa lang syang nakakasama pero iba na yung epekto nya sakin. I shook my head.

Nadadala lang siguro ako sa pagbibiro nya kaya ganun.

********

Who is She!? Who is He!?

Hansel's POV

"Kyaaaaaaa!"narinig kong tilian ng tatlong female guests na nalagpasan namin ni Chad. Nagmamadali silang tumakbo palapit dun sa grupo ng nagta-taping ng commercial. Pareho kaming napakunot noo at nilingon sila. "Ang gwapo ni Rohanne!" hysterical na sabi nung isa.

"Oo nga, my goooosh! Magpapapicture ako with him, pagkatapos ng shooting."excited na sabi nung kasama nito.

"Ako rin, gusto ko." pagsingit nung isa habang nagtatalon pa sa pagkatuwa. Sa tantya ko nasa sixteen to seventeen years old lang ang mga ito. Nagkatinginan kami ni Chad.

"Gusto mo ring makiusyoso?"bigla nyang sabi.Nag-isip ako sandali saka tinanaw yung kumpulan ng mga tao.

"Pwede?"tanong ko.

Tumawa sya saka hinawakan yung kamay ko. "Tara."hila nya sakin. Lumapit kami sa grupo ng mga guests na nanunuod saka pasimpleng sumingit to have a better view.

Saglit akong natigilan nang makita ko kung sino yung male model.

It's no other than..

Rohanne Fajardo.

The guy I met last night. Ito pala yung sinasabi nyang commercial na isho-shoot nila.

Samantalang yung female model naman, nakalarge hat kaya di ko makita yung mukha.

Di ko pa lubusang naiintidihan kung ano nang nangyayari, nang sumigaw yung director. "Cut! Good take!"

Napatingin ako kay Chad saka sabay kaming tumawa. Paano ba naman, patapos na pala yung scene nang dumating kami.

"Better luck next time."patawa-tawang sabi nya.

"Oo nga." sang-ayon ko."Ang bagal mo kasi. Tapos na tuloy."

"Ako pa?" he feigned a hurt look saka umiling-iling. "Lagi na lang ako."Mahina ko syang hinampas sa braso."Sira ka talaga, Chad."

He smiled widely.

"Hi Rohanne!" tili nung tatlong teenagers na nakita namin kanina. Tumingin naman ito sa kanila saka ngumiti at kumaway. Tuwang-tuwa na lumapit ang tatlo saka nagpapicture.

Nilingon ko yung ibang guests. Unti-unti nang nagsi-alisan kaya niyaya ko na rin si Chad na bumalik ng hotel para makapagpalit. Balak kasi namin na magjetski.

Exciting diba?

Hindi pa kami tuluyang nakakalayo nang may tumawag sakin mula sa likuran.

"Hansel!" sigaw nito na ikinalingon namin ni Chad.

*******

Cross RoadsWhere stories live. Discover now