Ahem!

400 8 3
                                    

Ahem!

Hansel's POV

Hinga ng malalim..Breathe in..Breathe out...One more button down...may dalawa pa.

Tatanggalin ko na sana yung isa pang botones kaso bigla syang gumalaw. Kanina kasi medyo nakatigilid pa sya sakin. Ngayon, nakatihaya na sya sa kama ko.

Kitang kita ko tuloy yung pagtaas at pagbaba ng chest niya dahil sa paghinga.

Saka yung...

Ahem...

Bilangin ko..?

Wait lang.,,

Anim?

Seriously, anim!

Siguro panay ang workout ni Chad kaya na-attain nya yung abs na ganyan.

Ha?

I shook my head. Kung anu-ano na lang naiisip ko.

Hinga ulet ng malalim then focus.

Huhubarin lang naman yung suot nyang pantaas. Bakit ba nahihirapan pa ako!?Mabilis kong tinanggal yung last button. Iniwasan kong mapatingin kung "saan -saan" kasi naman natatagalan ako sa ginagawa ko.Pinunas ko yung bandang leeg nya pababa ng dibdib tapos sa tyan.

"Hmmmn.."mahinang ungol nya kaya napatayo ako bigla. Akala ko kasi magigising sya. Mahirap na, baka kung ano pang isipin nya na gingawa ko.

I've waited kung imumulat nya yung mata nya pero hindi. tulog parin kaya pinunasan ko na ulet sya.After ilang minutes, natapos ko rin. Tinabingan ko sya ng comforter. Paano, wala naman akong tshirt o kahit na ano na magkakasya sa kanya.

Hininaan ko na lang yung aircon saka ako pumasok ng banyo para ako naman ang mag-halfbath.

Nang makalabas ako ng banyo, saka ko lang naisip..Saan ako matutulog?

Tumingin ako sa sofa tapos sa kama. Sakop na nya yung kalahati ng kama. Pero mukhang kasya naman kami eh.

Tama!

Lumapit ako sa kanya saka bahagya ko syang itinulak patagilid tapos pinatas ko yung mga unan sa gitna."Boundary natin yan ha!" sabi ko sa kanya kahit di nya ako naririnig. "Wag na wag kang lalagpas kung hindi, Lagot ka sakin!"

Nang matapos ay humiga narin ako sa kabilang gilid ng kama. Wala na tuloy akong unan. Kasi naman nas gitna na namin ni Chad.

Ginawa kong unan yung isa kong braso saka ako tumagilid para lingunin sya.He's peacefully asleep samantalang ako hindi kumportable.

"Alam mo Chad," umpisa ko. "Mula nang bungguin mo yung kotse ko hanggang sa ngayon, puro perwisyo na lang binibigay mo sakin." I sighed saka nagpatuloy sa aking monologue. Medyo umusod ako palapit sa kanya saka pinitik sya sa noo ng dalawang beses kaya medyo namula yun. "Kulang pa yan sa mga gabing ginugulo mo yung isip ko."

"Hi ko maintindihan kung bakit napaka-big deal sakin ng mga ginagawa mo." nakasimangot na patuloy ko. "Ang lakas mo kasing mang-asar pero kahit na nabubwisit ako sayo madalas, hindi ko maintindihan kung bakit di ko makuhang magalit sayo."

Umayos ako ng higa saka tumingin sa kisame. "Naririnig mo ba ako Chad?" tanong ko pero di sya sumagot.

Syempre, hindi. Tulog nga sya eh kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Hindi ako galit sayo kapag tinatarayan kita. Hindi rin totoo na imposible kitang magustuhan. But I'm not telling you na gusto kita! Ano ka sinuswerte? Ang akin lang...baka na-offend ka sakin kanina. Kaya gusto ko sana--"Patagilid na humarap ako sa kanya. "Gusto ko mag-sorry."

"Sorry na." ulet ko saka tinitigan ko yung mukha nya. Napangiti ako. Para kasing ambait pero napakaloko naman.

"Good night,Chad." bulong ko then I close my eyes to sleep.

Chad's POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakayakap sakin. Hindi ako agad na kumilos.Medyo masakit yung ulo ko. Siguro dahil sa ininom ko kagabi.

Uminom ako kagabi!

Tapos may babaeng lumapit sakin at hinalikan ako.

Napalingon ako sa katabi ko. "Sya ba ito?" naalaramang sigaw ng utak ko.

Pumikit ako sa pag-aakalang panaginip lang ang lahat at sa pagmulat ko, nasa sa sarili ko na akong kwarto.

Pagmulat ko..

Hindi parin. So totoo ito. Sino ba itong katabi ko?

Pasimple kong sinilip yung mukha nya. Hindi ko makita kasi natatabingan ng buhok nya kaya hinawi ko yun.

Si Hansel!

Nakahinga ako. Anong gingawa ko sa kwarto nya?

Did we---?

No!

Kahit nakainom naman ako kagabi alam ko ang ginagawa ko.

Nilibot ko yung paningin ko, anong ginagawa ko sa kwarto nya?Sumasakit yung ulo ko sa pag-iisip.

Pagkakatanda ko, hinabol ko sya pero wala na sya sa labas ng bar. Tapos bumalik ako ng hotel kasi gusto ko syang makausap. Hinintay ko sya sa labas ng suite nya.Tapos hindiko na alam.Nilingon ko sya saka ako napangiti.

Dito nya ako pinatulog sa kwarto nya. Sya rin ang naghubad ng polo ko?

Nagustuhan nya kaya yung nakita nya?

Napangisi ako. For sure, magagalit yan sa akin kapag nagising.

Kasi naman... Sa posisyon naming ito, bakit hindi. Pero, teka lang. Lilinawin ko ulet, HINDI AKO ANG NAKAYAKAP!

Nakaunan pa sya sa isa kong braso kaya feeling ko namamanhid na yun. Ayoko naman syang gisingin parang ang sarap ng tulog nya eh.At kahit suguro araw araw nyang gawing unan yung braso ko, okay lang.. Basta sya yung mamumulatan ko paggising ko.

Kumilos sya kaya nagtulug-tulugan ako. Ano kayang magiging reaksyon nya?

********

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon