Lost in Your Eyes

453 11 4
                                    

>>continuation...

"Sige po. Salamat."sagot ko.

"Salamat po Mang Tony. " sabi ni Hansel. "Ingat po kayo."paalam niya rin na tinanguan ng mga ito.

Maya-maya, tuluyan nang umandar yung pamboat at naiwan na kami sa isla. Doon lang namin napansin na di parin umaalis yung mga sumalubong sa amin na hotel attendants.

"Miss Hansel, sumama po kayo sa amin para makapaghanda na po tayo." narinig kong sabi nung isang babae kay Hansel.

Binalingan naman ako ng lalaking attendant. "Sir Chad, kayo rin po. Sumunod po kayo sa akin para makapagbihis na kayo para sa ceremony?" sabi nito.

"Ceremony?" naguguluhang tanong ko. Nagkatinginan kami ni Hansel na para bang pareho kaming nagtataka sa mga nangyayari.

"Opo." sagot naman nya sakin."Para sa garter ceremony." paglilinaw nya.

"Nakahanda na po ang lahat, kayo na lang ang hinihintay." sabi pa nung isang female attendant.

"Ganun ba?" kaswal na sabi ko saka ngumiti. Ano kayang kalokohan ang inihanda ni Jordan para sa amin.

"Ms. Hansel, halina po kayo." sabi nung mga babae saka hinila papunta sa cottage si Hansel.

"Teka. Kailangan ba talaga na may ganito pa?" narinig ko pang angal nya habang naglalakad sila palayo.

***********

Lost in Your Eyes

Hansel's POV

Halos hindi ko maalis yung tingin ko sa salamin. Hindi naman sa pagmamayabang. Alam kong maganda ako pero hindi ko akalain na may mas igaganda pa ako.

"Ang galing nyo naman!" namamanghang sabi ko."Parang hindi ako!" Nagtinginan at sabay sabay na nagtawanan sila Evy, Mayee, Demi at Hane, yung apat na attendant na humila sakin kanina papunta sa cottage na ito.

"Sobra ka naman Miss Hansel." sagot ni Mayee. "Maganda ka naman po talaga." nakangiting sabi nya sakin.

"Oo nga po." biglang singit ni Hanes. "Bagay sa inyo yung ayos ng buhok nyo."

Napangiti ako. Nakatali paikot ang wavy kong buhok na kinabitan nila white lilium habang may kaunting curls na hinayaan nilang nakaladlad. Feeling ko tuloy, isa akong nymph.

"Gusto ko ang ayos ko." ngiting ngiti na sagot ko.

"Lalong kayong magugustuhan ni Sir Chad!" kinikilig na sabi ni Eve. Sa tantya ko sya ang pinaka bata sa kanilang apat.

"Uy, Eve! Mahiya ka nga!"natatawang saway ni Demi. "Pahalata ka masyado."

"Crush lang naman eh!" sagot nito."Pasensya ka na Ms. Hansel, ang gwapo kasi ng Boyfriend mo!" deretsong pag-amin nito.

"Isusumbong kita kay Brian!" sabay na sabi ni Mayee at Hane na ikanatigil ni Eve.

"Joke lang naman! Di na kayo mabiro!" tawa nang tawa na paliwanag nito. Nailing na alang ako sa kakulitan nila.

Hindi ko na binawi yung sinabi ni Eve na boyfriend ko si Chad. Hindi ko alam kung bakit basta ayoko lang itama.

Tinatamad lang siguro akong magpaliwanag.

Tama! Iyon lang yung dahilan!

"Naku Ms. Hansel, kailangan nyo na pong magbihis. " natatarantang sabi ni Demi saka inabot sakin yung white summer dress na isusuot ko. "Baka naghihintay na sila."

Inabot ko yung dress saka nagtungo sa CR. Hindi ko mainitindihan pero parang naeexcite ako sa mangyayari. Mabilis kong sinuot ang damit saka nagpaikot-ikot sa harap ng full body mirror. Umabot lang ng kalahati ng hita ko ang haba ng damit. Isa iyong strapless white dress na may malambot na tela.

Alam nyo yung sinusuot ng mga model sa commercial na tumtakbo sa beach, ganun ang style.

Ang ganda ko! Walang kokontra. Basta nagagandahan ako sa sarili ko. "Si Chad kaya, magandahan sakin?" bulong ko.

Muli kong tinitigan yung sarili ko sa salamin. "Syempre, magagandahan sya sakin!" kumpyansang sagot ko sa tanong ko. "Kung hindi sya magandahan, pwes! Problema na nya yun! Maganda ako!" lakas loob na sa sabi.

"Miss Hansel, okay na po ba kayo?" narinig kong tawag ni Hanes.

"Oo. Palabas na!" sagot ko. Bumuntong hininga ako saka dahandahang binuksan ang pinto.

"Okay ba?" nag-aalangang tanong ko. Nagthumbs up naman silang lahat saka ngumiti.

*****************

Chad's POV

"Hansel..." iyon lang ang nasabi ko nang makita ko syang palapit sa akin nanag nakangiti. She's so beautiful on her simple white dress kaya hindi maalis yung tingin ko sa kanya.

Alam nyo yung pakiramdam na parang tumigil ang pag-ikot ng mundo..?

Ay Shit lang!

Anong pinagsasasabi ko? Pinilig ko yung ulo ko sa pagbabakasakaling umayos ang takbo ng isip ko.

I cleared my throat. "You look nice." sabi ko nang makalapit sya sa table. Biglang napalis yung ngiti nya saka inirapan ako.

Teka, ano na naman bang kasalanan ko?

"I know." matabang na sagot nya.

"You don't have to state the obvious." simangot na simangot na sabi nya.

"Hey, nag-aaway na naman ba tayo?" natatawang sabi ko. Hindi ko kasi sya maintindihan. Pabago-bago ng mood. Kanina nakangiti, ngayon naman hindi na maipinta ang mukha.

"Ewan ko sayo!" bulong nya saka umupo. Ipaghihila ko pa sana sya ng silya kaso naunahan na nya ako. Naka-ingos parin sya sakin.

** see next chapter.. Tnx po :)

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon