The Flight

519 13 3
                                    

The Flight

"Napaka-ungentleman!"naiinis na bulong ko. Sinabi ko naman ng maayos bakit hindi man lang nya ako mapagbigyan. Sakay na kami ng eroplano papuntang Palawan and as expected, magkatabi kami sa upuan. Kaso yung gusto kong pwesto yung sa tabing bintana at ayaw nyang makipagpalit.

Hindi ba nakakainis yun?!

Nilingon ko ulit si Chad. Hindi ko makita if tulog na ba sya dahil sa suot nyang shades. Prenteng prente sya sa pagkakasandal samantalang ako hindi kumportable.

Unfair!

Kukulitin ko na lang ulit.Mapapayag ko rin yan. "Chad!" mahinang tawag ko pero hindi sya sumagot. Napasimangot ako.Tulog na nga yata.

Nilapit ko pa ng kaunti yung mukha ko saka ko sya tinawag ulit.

"Chad." wala paring sagot.

Napatitig ako sa mukha nya. Kung tutuusin gwapo naman talaga itong mokong na'to. Pero syempre hinding-hindi ko yun aaminin sa kanya.

Mahirap na! Baka mag-inflate pa yung inflated nyang ego. Sa tingin ko nga, he's not a pure Filipino dahil sa white complexion nya at singkit na eyes. Mukhang syang chinese or maybe, korean. He has a nice nose na tama lang ang tangos. At yung lips nya, tama lang rin ang pagkapula and very masculine ang shape.

Natiglan ako sa huli kong naisip saka napatitig sa lips ni Chad. Naalala ko tuloy yung hinalikan nya ako nung wedding nila Jordan at Jammy. It only lasted for a few seconds pero sobrang nagulo yung takbo ng isip ko.

"Ang gwapo ko no?" bigla syang nagsalita saka ngumisi. Tinanggal nya pa yung shades nya then he winked at me.

Bahagyang napaawang yung bibig ko sa pagkagulat. So kanina nya pa ako pinakikiramdaman habang pinagmamasdan ko sya.

"G-gising ka?" Shit lang. Tama bang mag-stammer?!

"Yeah." nakangisi paring sagot nya."At huling huli kita na pinagmamasdan mo ako. Ano, in-love ka na ba sakin?" sabi nya pa saka bahagyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko kaya napa-atras naman ako.

"Ang kapal!" asik ko sa kanya sabay irap. Tumagilid ako ng upo, patalikod sa kanya. Ramdam ko yung init ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya.

Tumawa sya ng mahina saka nagsalita ulit. "You're blushing, honey."

Honey? He called me honey! Napalingon ako bigla sa kanya. I saw amusement on his eyes and confirmed! Pinagkakatuwaan na naman nya ako!

"Don't call me honey, okay!?" nakasimangot na parungit ko sa kanya. Though ang sarap pakinggan pag binibigkas nya yun, ayoko parin! Hindi naman kami, so bakit may pa-honey honey pa sya!

"Ayoko nga." lalong lumawak yung pagkakangiti nya. "Basta honey ang gusto kong endearment sayo." sagot nya saka nag-wink ulit. Sumadal sya sa upuan saka muling isinuot yung shades. Nakangiti parin sya.

Nakakainis!

**********

Chad's POV

Pasimple kong sinilip si Hansel. Nakatulog na sya matapos yung "away" namin kanina. Napakasungit nya sakin kaya naman lalo ko syang iniinis. Alam nyo bang namumula yung tungki ng ilong nya kapag nawawalan sya ng pasensya which I find so cute. Halos lahat yata sa kanya, gusto ko.

Kung alam nya lang...

Pagbibigyan ko naman talaga sya sa hinihiling nya pero gusto ko muna syang asarin pa ng kaunti. Kaso hindi na ulit sya umimik. Napasobra yata yung pang-aasar ko.

Kumilos sya at bahagyang napasandal yung ulo nya sa balikat ko. Umusod ako palapit sa kanya at saka hinayaan syang umunan para di naman sya mahirapan. Ipinatong ko sa armrest yung kamay ko saka humanda narin sa pag-idlip dahil maaga rin akong nagising kanina. Nagulat na lang ako nang gumalaw yung kamay nya at saka unconsciously na maipatong sa ibabaw ng kamay ko.

Napatingin ako sa mga kamay namin saka napangiti

Lilinawin ko lang, hindi ako ang gumawa ng move. Hindi ko naman inalis yung kamay nya and just let her hold my hands

"Sleep well, honey." bulong ko.

*************

Hansel's POV

(Morning Sickness )

I was awakened by a soft touch caressing my face. I let out a moan with the given sensation, "Inaantok pa ako."

"Honey, gising ka na." sabi ng malambing na boses. "Tayo na lang ang hindi pa nakakababa sa eroplano."

Eroplano...Napaisip ako kung nananaginip ba ako.

"Eroplano?" mahinang sagot ko pero nakapikit parin.

"Yes.Honey" sabi nya ulit."Airplane." pag-uulit nya na may kasamang tawa.

Sukat doon ay napamulat ako. Alam-alam ko yung tawa na yun dahil naiinis ako kapag naririnig ko yun. Ang tawa ni Chad!

Namulatan ko yung attendant na nakamasid sakin at si Chad na halatang pinipigilan yung tawa. Nagpalinga-linga ako. wala na pala yung ibang pasahero. Kami na lang ang naiwan.

"Welcome to Palawan." magalang na bati sakin ng flight attendant na sinuklian ko naman ng nahihiyang ngiti. Binalingan ko si Chad saka ko sya inirapan.

Pagtawanan ba daw ako!

Inayos ko yung damit ko saka tumayo na rin. He cleared his throat saka nagsalita. "Let's go, honey." Hinawakan nya ako sa siko para alalayan papuntang exit pero pumiksi ako saka tinapunan sya ng irap at inunahan syang bumaba.

"Morning sickness." narinig ko pang paliwanag nya na binuntunan nya ng tawa.

Baliw talaga!

************

Cross RoadsWhere stories live. Discover now