Behind the Mask

592 10 1
                                    

Behind the Mask

Part 3

Hansel's POV

"Whoah, Ate Hansel, saang party ka ba nagpunta kagabi at antok na antok ka. Panay ang hikab mo ah?"biro sa akin ng assistant kong si Cynthia. She knows naman na wala akong night life pero kung magtanong, wagas! Binaba ko ang binabasa kong magazine saka hinarap sya. "Pahingi naman ng coffee, please." Mabuti na lang tumawag ng maaga yung client ko at nagpare-schedule ng appointment mamayang hapon dahil may urgent meeting itong pupuntahan. At dahil nakabihis na rin naman ako, hindi na ako natulog ulit, dumeretso na lang ako sa clinic.

Haaaay.. Inaantok pa ako. Dapat pala natulog na lang muna ako.

"Here na, inumin mo para mawala yang antok mo." sabi ni Cynthia sabay lagay ng isang tasa ng black coffee sa table. I took as sip pero muntik ko na maibuga yun nang mapansin kong nakatitig sya sakin.

"Ammmp" binaba ko yung tasa saka nilunok yung ininom ko." Bakit ganyan ka makatingin?"

Ang lapad ng ngiti nya."Tell me, ate Hansel, sinong iniisip mo at di ka maayos na nakatulog kagabi." tanong nya sakin with matching sundot pa sa tagiliran ko.

"Wala noh!" depensa ko saka humigop ulit ng kape. Pasaway talaga ito. Mag-aalauna na akong nakatulog kagabi. Bruho kasing lalaki yun, pinag-iisip ako ng todo. Hinalughog ko na yung brain ko pero hindi ko talaga matandaan na magkakilala kami. At nang makatulog naman ako, kakaiba naman yung naging panaginip ko. Parang flashback ng lahat ng nangyari doon sa masquerade ball when I was in highschool.

****

"Hey, friend. Dyan ka lang ha, puntahan lang akong CR." paalam sakin ng bestfriend kong si Jarnina kaya naman heto ako, totally lost and alone. Pinilit kong hanapin yung iba ko pang mga kabarkada but I failed. There's no chance na makita ko sila dahil sa mask. Masyado nang maingay dahil nagkakasayahan na ang lahat. Punong-puno yung dance floor. Humanap ako ng pwesto na wala masyadong tao.

Napatingin ako sa hagdan papuntang 2nd floor ng hall. Naisip ko, maganda if sa taas ako dahil kitang kita ang lahat ng nasa baba. Doon na lang ako manunuod.

Paakyat na ako ng hagdan nang biglang maputol yung heels ng sapatos ko.

Tsk..tsk ..Malas naman! Kaya ayaw ko mag-heels eh, hindi ako makalakad ng maayos. Tiningnan ko kung may nakatingin. Parang wala naman kaya pasimple kong hinubad yung sandals ko saka binitbit at umakyat ng hagdan

"Off Limits" nakalagay sa wall.

Okay lang yan! Dim lights kaya di ako mapapansin.

"Haaay..pambihira ka namang sandals ka!" sabi ko ng makaupo sa monoblock chair. Pinilit ko na kinakabit yung takong pero wala na yatang pag-asa.

Haaay..

"Let me do it!"

Napalingon ako sa nagsalita.

Sino siya? Ang ganda naman ng attire nya. He looks like a model ng black tuxedo. Naka-mask rin sya ng color black tulad ng sakin. Isang plain half mask, bagay sa suot nya.

Napangiti ako. Yung mask ko kasi black rin na may silver bids para mas striking ang dating which I paired with a black cocktail dress.

Lumapit sya sakin saka inagaw yung sandals ko saka tiningnan.

"Hindi na ito makakabit pero may naisip ako." sabi nya saka kinuha yung kapares sa kamay ko.

"Anong gagawin mo?" tanong ko. Hindi sya sumagot. Lumayo sya sakin dala yung sandals ko. "San mo dadalhin yan?"

Wala paring sagot.

Nagulat na lang ako nang ipukpok nya sa pader yun tapos pinilit na tanggalin yung isa pang takong.

Sinira nya yung sandals ko! Hala! Pareho nang sira.

"Kung hindi kayang ikabit, sirain na lang natin pareho." paliwanag nya saka inabot sakin yung sandals. "Atleast, pantay na sila." sabi nya pa tapos sinenyasan akong isuot yun saka tumalikod na ulit.

"Teka." pigil ko sa kanya. "Saan ka pupunta?" Humarap sya sakin saka itinuro yung hagdan. "Bababa na ako."

sagot nya saka tumalikod.

"Salamat!" habol ko sa kanya. "Ako nga pala si---"

"Kilala na kita." sagot nya.

Ano daw kilala ako?

"Paano?" naguguluhang tanong ko. "Ako, kilala ba kita?"

Tumigil sya at muling humarap sakin saka ngumiti. "Gusto mo akong makilala?" tanong nya.

Tumago-tango ako.

"Then, see me on Monday. At exactly 4:30pm, same place."

Monday...4:30pm, same place..

"Sige, I'll come!" sagot ko.

Ngumiti ulit sya. "Hihintayin kita." yun lang saka tuluyan na syang bumaba ng hadgan.

*******

"Uy, ate natulala ka na dyan!" kalbit sakin ni Cynthia.

Ano ba iyan!? Hanggang ngayon nacucurious parin ako kung sino ba talaga sya. Paano naman kasi di ako nakarating sa usapan namin because the day after the ball, isinama ako ni mommy sa Canada. Akala ko for visit lang, yun pala dun na ako mag-aaral. I didn't have a chance na makapag-paalam sa mga friends ko. At yung guy na naka-black tuxedo, hindi ko sya sinipot. Naghintay kaya sya?

"Hmmmmmn...alam ko na." narinig kong sabi ni Cynthia. "Inlove ka no! Ganyan ang mga symptoms nun eh.. Natutulalaa, hindi makatulog ... --"

"Haaay naku! Tigilan mo nga ako. Sira ka talaga! Hindi ako in-love."

Hindi nga ba!?

If ever kanino naman?

********************

Cross RoadsWhere stories live. Discover now