Hold Back

300 7 1
                                    

Hold Back

Hansel's POV

"Kumapit ka sa bewang ko." utos nya sakin saka humanda nang paandarin yung jet ski.

Napalunok ako.

Angkas lang ako ni Chad kasi nga di ako marunong. Para di ako mahulog, kakapit ako sa bewang nya.

Iyayapos ko yung braso ko sa bewang nya...

Payakap...

Mahahawakan ko yung abs ni Chad...

"Hey, are you okay?" Nilingon nya ako saka nangunot noo. "Kapit ka sa bewang ko, baka mahulog ka kapag pinatakbo ko na 'tong ski."

Umiling-iling ako. "H-hindi na, dito na lang ako sa likod hahawa---"

Dyas ko pei!

Namilog yung mata ko sa ginawa nya.

"Ganito." Tumagild sya nang kaunti saka bahagyang humarap sakin at hinawakan yung kamay ko para i-paikot sa bewang nya. Pinagsalikop nya yun sa bandang tyan nya kaya naman nakapa ko yung pandesal.

Pinigilan ko yung mapasinghap.

"Mangangalay ka kung sa likod ka hahawak." paliwanag nya saka tumalikod at umayos ng upo. Para namang nanigas yung kamay ko na nakayakap sa kanya.Mabuti na lang nasa likuran nya ako at di nya makikita kung anong reaksyon ko sa posisyon naming dalawa. Pakiramdam ko kasi ang init ng mukha ko.

"Nervous, are we?" komento nya. "Ang lamig ng kamay mo eh."

"Ha?" napabitiw ako bigla. "Hindi noh! Sabi kasi sayo dito na lang ako hahawak sa likuran."

"Sigurado ka?" tanong nya.

"Oo."

"Then, let's go!" sabi nya saka pinaadar yung motor. Di ko inaasahan kaya napatili ako at napayakap sa bewang nya.

Tumawa sya saka pasigaw na nagsalita. "Wag kang bibitiw."paalala nya saka mas binilisan pa ang takbo namin.

Kahit di nya sabihin, di ko talaga sya bibitiwan. Ayokong malaglag.

Sa umpisa, medyo natatakot pa ako pero paglipas ng ilang sandali, I started to enjoy.

Enjoy the ride....

The breeze....

The splash of water....

And the warmth of this hug...

Eh?

Shit! Ang manyak ko na!

"Woooooooooooh!" sigaw ni Chad habang am bilis ng takbo namin. Nagsplash na samin yung tubig pero wala na kaming pakia-alam. May mga nakasabay kami na nakipagkarera pero syempre hindi sya pumayag na maungusan. Mas lalo nyang binilisan kaya mas humigpit yung yakap ko sa kanya.

Maya-maya nalagpasan na namin yung mga "kalaban".

"This is great!" sigaw ko saka binuntunan ng tawa. Lumingon ako sa likuran. "Chad, maabutan na tyo, bilisan mo pa!"

Tumawa rin sya. "As you wish." sabi nya saka pumihit at mas binilisan ang takbo namin.

Lumingon ulit ako.

Ngumiti sakin yung sakay ng jet ski na halos isang metro na lang ang layo samin.

Napangiti ako.

It's Rohann.

"Chad, hurry!" sigaw ko ulit. "Maabutan na tayo ni Rohann."

Then suddenly, I felt him stiffened.

I bite my lips.

Shit!

Napaka-insensitive ko.

Nagseselos nga pala sya kay Rohann.

Magkatabi na yung jetski namin. Nilingon sya ni Chad. Nakita ko namang tinanguan sya ni Rohann.

Pagtingin ko kay Chad, nakatingin na ulit sya sa harap. Mas mabilis kami ngayon kesa kanina. When we reached the boundary, pumihit yung jetski namin, ganun din si Rohann saka nag-unahan pabalik.

Nagbigay daan yung ibang sakay ng ski kaya naman nagmukhang jetski race yun between Chad and Rohann.

Nang tumingin ako sa pampang, nagkumpulan na yung mga nanunuod.

"Go Rohannnnnn!" narinig ko pang tili nila.

"Kyaaaaaaaaaaaah!" sigawan ulit.

It's no doubt na maraming fans ang isang ito. Napailing ako.

"Go Chaaad!" wala sa sariling sigaw ko rin.

Hala!

Narinig ko syang tumawa.

"Hold on, we'll win this!" sabi nya saka pinaharurot yung jet ski.

It was a close fight..

***

Chad's POV

"Chad, hurry!" sigaw nya. "Maabutan na tayo ni Rohann."

Natigilan ako. Rohann again.

Hanggang dito ba naman, makikipagkumpetensya sya sakin!?

Nagmukha nang jetski race between me and Rohanne itong ginagawa namin.

Hindi ako magpapatalo. I won't and I never will.

He got a lot of fans. Di yun maipagkakaila sa lakas ng sigawan ng mga nanunuod.

But Hell I care!

Then I heard her na ikinatawa ko.

"Go Chaaad!" sigaw ni Hansel.

So she's on my side.

Napangiti ako. Kahit maraming fan ang rival ko na si Rohann basta Hansel believes in me, okay na ako.

"Hold on. We'll win this." sagot ko sa kanya.

Nang makarating kami sa finishline, nagtilian lalo yung mga nanunuod.Inilalayan ko si Hansel na bumaba. Ang lawak ng ngiti nya.

"You won!" sigaw nya then give me a light hug.

Tumawa ako and tap her shoulder. "It's we" paglilinaw ko."We won."

Kasunod niyon ay ang kantyaw ng mga naroroon. "Kiss!"

I felt her loosened the embrace. "God, we're making a scene here." bulong nya saka yumuko.

I laughed at her. "It's okay. We don't have to do what they say." I whispered.

"Yeah." she looked up kaya nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi nya.

"Chad, congrats." Napalingon kami ni Hansel. It's Rohann.

Inabot nya ang kamay nya saka ngumiti. "That was a great race!" sabi nya.

Nilingon ko si Hansel then looked back at his hand.

"Thanks." I answered saka tinanggap yun.

**************

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon