Mr. and Mrs.. (continuation)

529 15 1
                                    

Mr. and Mrs... (continuation)

"Oh." sagot ng crew na nahimigan ko ng panghihinayang. Napalis yung ngiti nya. "This way po." patuloy nya saka pinasunod kami papunta sa itaas.

Napaawang yung bibig ni Hansel. Alam kong magtatanong sya tungkol sa narinig kaya inunahan ko na sya.

"Later."I cut her off. Hindi na naman sya nagsalita pa at sumunod narin paakyat.

Nang makaupo kami ay hiningi sa akin ng crew yung pass namin ni Hansel. Iyon yung binigay na certificates sa amin nung kasal nila Jordan at Jamaica and will serve as our VIP identification card. Parehong nasa akin yun dahil hindi nya kinuha yung para sa kanya. Nagmamadali kasi syang umuwi nun.

Ibinalik rin naman agad iyon ng crew at saka kinuha yung orders namin.

Hindi namin alam ni Hansel kung ano ang masarap kainin kaya yung nasa Special Menu List na lang yung inorder namin. Red tea, java rice and Spicy Crab in Sweet Sauce iyon.

Nang makaalis yung crew ay agad syang nagsalita.

"Bakit Mr. and Mrs. Mendrez ang nakalagay dyan sa VIP card?" seryosong tanong nya. Nangunot-noo pa sya.

"Wala akong kinalaman dyan." depensa ko sabay taas ng kanan na kamay na para bang nanunumpa. Wala naman kasi talaga. "Si Jordan at ang kaibigan mong si Jamaica ang nagpalagay nyan." patuloy ko saka inabot sa kanya yung isang card.

Totoo yun. Mismong si Jamaica ang naglagay ng names namin. I bet, she's playing cupid too tulad ng asawa nyang si Jordan. Narinig kasi nya yung panunudyo sakin nila Errol nung araw na yun kaya siguro ipinangalan nya sakin at sa "Misis" ko yung certificate.

Mrs. Hansel Mendrez... Bagay naman, di ba?

Dumating yung order namin kaya tumahimik kami sandali. Matapos mailagay ang lahat ng pagkain sa table ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Umalis ka kasi agad kaya di mo nakuha iyan kaya itinago ko nalang muna. Keep it."

Naiiling na dinampot nya yun na para bang hindi makapaniwala."Pasaway talaga si Jammy." narinig ko pang bulong nya.

*********

Hansel's POV

Masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw kaya hindi muna kami nag-swimming. Matapos yung late lunch namin ni Chad, bumalik kami sa kanya-kanya naming kwarto para makapagligpit ng mga gamit. Nagulat pa nga ako nang malaman na magkatabi lang pala yung room namin. Kaya naman pala ang bilis nyang na-ihatid yung gamit ko.

I wasn't able to admire my room kanina dahil sa pagod at biglaang pagkakatulog. Ngayon ko lang nabigyan ng pansin na ang ganda pala ng view sa veranda. Tanaw na tanaw yung dagat.

Pumikit ako saka nag-inat. Nagulat na lang ako nang biglang may nagsalita.

"Hi!"

Pagmulat ko, nakita ko si Chad nasa kabilang veranda. Naka-alumbaba pero nakangiti.

"Hello!" bati ko. "Para kang kabute, pasulpot-sulpot." natatawang sabi ko.

Tumawa sya saka sumagot. "Ang gwapo ko namang kabute."

I just rolled my eyes in reply na lalo nyang ikinatawa.

"Naiintindihan kita kung nasa in-denial stage ka parin. Pero pasasaan ba, marerealize mo rin kung gaano ako kagwapo." dugtong nya pa habang ngiting ngiti.

Napatunganga naman ako sa kanya. Grabe kasi! Lumakas yata ang hangin dito.

Bago paman ako makasagot, nagsalita ulit sya.

"Hey, wag mo akong titigan masyado. Baka ma-inlove ka sakin." sabi nya pa then he winked.

This time, naka-recover ako. "Wooooh! Ang hangin, Chad! Ang hangin!"

Humalakhak sya. Namula nga yung mukha nya sa kakatawa.

Napaisip ako bigla. Parang kailan lang, kapag nginingitian nya ako, naiinis ako at kapag tumatawa sya, lalo akong naiinis. Pero ngayon, parang mas gusto ko na syang nakangiti.

Gusto?

Gusto?

Sinabi ko bang gusto ko sya?

May gusto ako kay Chad?!

"Wala!" sagot ko sa sarili ko sabay iling.

"Anong wala?" tanong nya.

Napangiwi ako."Ha!?"

Tumawa ulet sya. Nagulo na naman tuloy ang takbo ng isip ko.

"Honey."sabi nya. "Wag mo kasi ako masyado isipin."

Nag-init yung mukha ko dahil sa sinabi nya. Halata na ba na iniisip ko sya? "Ang kapal mo!" ingos ko sa kanya.

"You're blushing!" tudyo nya pa sakin. "Siguro totoo noh?"

"Hindi noh! Bahala ka nga dyan!" sagot ko saka tumalikod.

Mabuti nang umiwas kaysa naman sa malaman nya.

Naninibago ako sa sarili ko. I'm no longer a teenager but I'm acting like one.

Kelan ba ako huling nagkagusto? Hindi ko na matandaan.

I sighed in frustration. "Nananahimik ang mundo ko... Bakit kailangan nyang guluhin?"

Parang yung kanina lang...

Mr. and Mrs. Mendrez...

Nagulat ako sa narinig ko pero there's a part of me na ikantuwa yun. Lalo na nung natigilan yung nagpapansin sa kanyang crew ng Umbrella.

Teka...

Oo nga pala!

Pasaway si Jammy. Bakit parang binubuyo nya ako kay Chad? Noong una si Cynthia, tapos ngayon sya!

Yung magpinsan na yun talaga kahit kailan pasaway.

************

Comment po... Lame ba ang update? Babawi nalang next time.. :) salaaaaaaaamuuuuuuuch...:)

******

Cross RoadsWhere stories live. Discover now