Los Balles Island

454 9 3
                                    

Los Balles Island

Hansel's POV

Sakay na kami ngayon ng pamboat papunta sa Los Bales Island. Ang sabi ng guide namin, aabutin daw ng 1 oras para marating namin yung mismong isla. Mula sa airport ay may sumundo sa aming van na nagdala samin sa private port na pag-aari rin nila Jordan kung saan kami sumakay ng pamboat. Hindi ko alam kung anong hitsura ng lugar na pupuntahan namin pero sa palagay ko, it'll worth all the effort.

"Malayo pa po ba?" tanong ko ulit kay Mang Tony, yung kasama naming guide. Pang-apat ko na ngang tanong yun, mabuti nalang accomodating sya.

Unlike Chad!

Nagtataka ka ba kung nasaan sya?

Well, ayun sya sa likurang upuan. Kanina pa tulog na tulog!Tinulugan ako. Ewan ko ba kung paano sya nakaidlip sa pagkakaupo nyang yun. Siguro, antok na antok sya. Sabagay, ang aga nya kayang nambulabog sa condo ko.

"Malapit na po." masiglang sagot nya sakin saka tinuro yung isla na matatanaw mula sa kinaroroonan namin."Iyon po, Ma'am."

Tinanaw ko yung tinuro nya."Wow!" namamanghang sabi ko. Kitang kita kasi yung white sand ng beach. Ngayon palang, parang na-iimagine ko na yung sarili ko wearing my swimming outfit lying on the sand, relaxing under the sun while drinking my lemonade.

Whoa! That's Life!

Namiss ko na yung ganun. Mula nang magpatayo ako ng sarili kong clinic, nawalan na ako ng time para makapag-unwind. Mabuti rin pala at ako ang nakasalo ng bouquet.

Napangiti ako sa naisip ko.

"Maganda talaga dyan ma'am!" pagmamalaki niya sakin. "Tamang tama po yan sa mga couples, tulad po ninyo at ni Sir Chad." dugtong nya na halata sa tono ang panunudyo.

I rolled my eyes in reply. "Hindi naman kami----" magpapaliwanag pa sana ako kaso natigil ako nang may magsalita bigla. "Thanks, Mang Tony." Napalingon ako sa likuran ko. Tinanggal ni Chad yung shades nya saka ngumiti. "The place is just perfect for us." Nagniningning ang mga mata na sagot ni Chad.

Anong sinasabi nya!? "Wag po kayong maniwala dyan!" namimilog ang mga matang pag-deny ko. Binigyan ko ng matalim na tingin si Chad. Kung anu-ano na lang pinagsasasabi!

"Wag ka nang mahiya, Honey." panggagatong nya.

Tumayo sya saka mabilis na lumipat ng upuan sa tabi ko saka umakbay. Hindi ako naka-react agad.

"Di ba Mang Tony, bagay kami?" tanong nya pa.

Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Mang Tony saka malapad na ngumiti. "Oo naman po Sir! Bagay na bagay!"

"Chad!" Nanlaki yung mga mata ko sa kalokohan nya saka inalis yung pagkakaakbay sakin. "Sira ka talaga!" pagsusungit ko.

"Nakakatuwa naman kayong mga bata kayo." natatawang sabi ni Mang Tony. "Ganyan din kami nung Misis ko dati eh."

"Talaga po." ngiting ngiti si Chad samantalang ako di ko alam kung ngingiwi o ano sa takbo ng usapan namin.

"Siguro, magagandang lalaki at babae ang mga magiging anak nyo." dugtong pa nito.

Anak! Ako at si Chad!? Magkakaanak!?

"Hayaan nyo po. Sigurado yun. Made in Los Balles pa!" natatawang sagot nya na ikinapula ng mukha ko.

"Ewan ko sayo!" padabog na sagot ko saka ako tumayo at lumipat ng upuan sa likuran. Tinawanan lang nila ako.

Naisip ko...

Ihulog ko nalang kaya si Chad sa dagat?!

***********

Arrival in Los Balles Resort

Chad's POV

"Welcome to Los Balles!" masiglang bati sa amin ng mga tauhaan ng resort sa pangunguna ni Gerone, pinsan ni Jordan na tumatayong manager ng Los Balles.

Sinalubong kami ng limang hotel attendants, apat doon ay babae at isang lalake na pawang mga naka-hawaiian attire. Sinabitan nila kami ng garland.

"Thank you." nakangiting sagot namin ni Hansel.

"Hi Bro, long time no see." nakangiting bati ni Gerone sakin na may kasamang tapik sa balikat. He used to come with us sa mga lakaran nung college kami nila Jordan at Errol. Kaso nagpakasal ito agad sa long time girlfriend nito na taga-Palawan kaya dito na ito tumira at iniwan ang Manila.

I gave him a buddy hug saka mahinang sinuntok sa balikat."Bro, it's good to see you again!" natatawang bati ko rin sa kanya.

Matapos niyon ay binalingan nya si Hansel. "I'm Gerone Balles, manager of this Resort. " pagpapakilala nito, "Welcome to Los Balles, Dr. Hansel Co." nakangiting bati nya." I assure you that you'll enjoy your one week vacation here." makahulugang sabi nya saka ngumisi sa kanya.Naisip ko tuloy, mukhang nasabihan na rin sya ni Jordan sa operation "make her fall for me".

Ngumiti si Hansel then offered a handshake which Gerone had gladly accepted. "Thanks for the warm reception." sabi nya pa. Nilibot nya ang paningin saka nagpatuloy sa pagsalita."The place is really wonderful and I'm very sure na mag-eenjoy ako dito." papuri nya.

Gerone instructed the two newly arrived attendants to get our luggages at dalhin na sa room namin at saka nagpaalam dahil may aasikasuhin pa raw ito. Matapos maibaba ang mga gamit namin ay nagpasalamat naman kami kila Mang Tony at sa mga naghatid sa amin.

"Sa Sabado nga po pala namin kayo ng alas-7 susunduin." paalala ni Mang Tony.

>>see next chapter

Cross RoadsWhere stories live. Discover now