Mr. And Mrs...

425 11 4
                                    

Mr. And Mrs..

Chad's PoV

My smile turned into a grin nang mailapat ko yung pinto. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi malaman that Hansel was checking me out. Huling -huli ko naman kasi kung paano nya ako tingnan pero hindi ko na lang pinansin.

But one thing I've learned.Possible pa rin naman pala na ma-attract sya sa akin.

I smiled widely with the idea. I think, its a good start na malamang kahit papaano nakukuha ko yung pansin nya.

Mabilis akong pumasok ng kwarto ko para makapagbihis. Ayoko syang paghintayin. Aside from that, nagugutom narin ako and for sure si Hansel rin.

Hansel's POV.

Isang off shoulder floral summerdress ang napili kong isuot. Tinernuhan ko yun ng flat cream sandals. I look simple. Ayoko naman kasing isipin ni Chad na nagpapansin ako sa kanya. Simple lang rin ang ayos ng buhok ko. Nilugay ko lang yun saka ako naglagay ng light make up.

I shook my head with the sudden thought. Kailangan ko pa pinansin kung anong iisipin niya!?

Maya-maya, tumunog na yung doorbell. I hurriedly snatched my wallet na nasa ibabaw ng bed ko saka nagmadaling lumapit sa pinto. Pagbukas ko, sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Chad.

He was wearing a white polo shirt. Nakaunbuttoned yung ilang botones mula sa collar, revealing his chest. He paired it with a khaki short and black sandals.

"Pasado na ba?" bigla nyang tanong saka nagpose. Niliyad nya pa yung chest nya saka ipinakita yung biceps. Imbis na mahiya sa pagkakahuli nya sakin, napatawa ako ng malakas.

"Average!" sagot ko inbetween laughs. Though I don't mean it kasi naman...

Ahem!

Oo na.. He has the body.

Napatigil ako sa pagtawa nang mapatingin sa hitsura nya. He feigned a hurt look on his face at saka mahinang tinapik pa yung dibdib nya.

"Ang sakit mo naman magsalita." sabi nya sa malungkot na boses habang yung mga mata nya nagtwi-twinkle sa pagka-aliw.

Baliw talaga!

"Eh anong gusto mong sabihin ko?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay per naka-ngiti. Ngayon ko lang sasakyan ang kalokohan nya at hindi naman pala mahirap yun.

"Simple lang!"Tumikhim sya saka sumagot, mimicking my voice."Oh Chad! You look so gorgeous today!" Nag-beautiful eyes pa sya.

Lalo akong na pahalakhak sa ginawa nya. Para syang sira!

Lumapit ako saka mahina syang tinapik sa pisngi.

"Gutom lang yan." Naiiling na tinalikuran ko sya. Hindi maalis yung ngiti ko. Ngayon lang yata kami nakapag-usap nang hindi nagbabangayan.

"Hey, Honey!" tawag nya."Wala talagang, 'Chad you look gorgeous!'? ".

Nilingon ko sya and saw him pouting his lips. Parang bata lang. Napangiti ako. I put my hands on my waist saka sya tuluyang hinarap. "Ganyan ka ba kapag nagugutuman?" Biro ko sa kanya.

Lumapit sya sakin saka ngumiti rin. "Yeah." maikli nyang sagot.

Nagtaka naman ako sa kanya kasi parang may tinatago sya sa likuran nya. "Pero kahit gutom ako, I still know how to appreciate a beautiful lady standing in front of me." patuloy nya saka inilabas yung white rose at inipit sa pagitan ng tenga ko.

I felt my cheeks heat up kaya nag-iwas ako ng tingin. "Tara na nga. Puro ka kalokohan." sabi ko saka nauna nang naglakad pero hindi ko inalis yung bulaklak sa tenga ko.

Naisip ko lang, Chad isn't annoying all the time. I must admit, sweet sya.

Nagulat na lang ako nang bigla nyang hawakan yung kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin then sa kanya. He smiled at me na para bang normal lang yun.

Strange but I didn't flinch.Hinayaan ko lang yung mga kamay namin at saka sabay kaming naglakad papunta sa Umbrella Resto.

Chad's POV

Saglit lang namin narating yung Umbrella. Nanghinayang pa nga ako at kailangan kong bitawan yung kamay nya para ipagbukas sya ng pinto.

"Good afternoon,Ma'am. Good afternoon, Sir." Bati sa amin nung babaeng crew. Nginitian sya ni Hansel.

"Good Afternoon." bati ko.

"Do you have a reservation, Sir?" tanong nya sakin saka ubod tamis na ngumiti.

"Yes." sagot ko saka iginala yung paningin sa lugar. Kaunti na lang ang mga kumakain. Dahil siguro late na para sa lunch. Very Pinoy ang ambiance. Native but with a modern touch. Ang tables and chairs ay yari sa rattan samantalang palo-tsina naman ang sahig. Yari rin sa kahoy ang hagdan patungo sa itaas. Napansin ko rin na they are serving the foods in palayok. At yung mga guest, gumagamit ng open umbrella shaped wooden plates. May mga chandeliers rin sa ceilings na hugis umbrella at mga paintings ng makukulay na payong na nakasabit sa dingding. No wonder why Umbrella Resto ang tawag dito.

"May I have your names, Sir, Ma'am?" narinig kong tanong nya.

I cleared my throat before answering."Mr and Mrs. Chad Mendrez." Nilingon ko si Hansel saka kinindatan. Namilog yung singkit nyang mga mata dahil sa gulat.

*********

Thanks po sa mga readers na sumusubaybay nito..Pasensya na if di nakapag-UD agad kasi po umuuwi ako sa bundok..mahina ang signal dun..:)

Comment po kayo.. If di busy..:) Vote?

Cross RoadsWhere stories live. Discover now