Reminisce

444 17 10
                                    

Reminisce

Chad's POV

"Excuse me!" padabog na sabi nung nasa kabilang table na ikinalingon namin ni Hansel. Tumingin sya sakin saka umirap.

That Girl!

Kahit kailan panira ng scene.

"Ms. Bain!" narining ko pang tawag sa kanya nung kasama nya pero hindi man lang sya lumingon.

Bain?

Short for Brittany?

Tss...

Nevermind.

Nung lingunin ko si Hansel salubong na naman yung kilay nya.

"Don't mind h--"

"No need to explain, Chad." sabi nya sa malamig na boses saka inabala yung sarili sa pagkain.

I let out a sigh. I want to explain pero hindi na ako nag-insist. Sa tono nyang yun. Alam ko na di rin naman sya makikinig.

Galit na naman sya.

Bakit kasi hindi nya ako pagbigyan na linawin sa kanya ng lahat?

Honey naman! Alam mo namang ikaw lang dito sa puso ko.

Whoa! Gutom na nga yata ako..

Hansel's POV

Nang makalabas kami ng restaurant, niyaya nya akong maglakad lakad. Kahit naiinis ako, sumama parin ako sa kanya.

There comes the awkward moment.

Kanina ko pa iniisip kong sino ba talaga yung babaing yun! Bakit sya galing sa kwarto ni Chad!? Bakit sila naghalikan!? Bakit sya nagdabog kanina nung nasa restaurant kami!?

At higit sa lahat...

Why do I care!?

"Hansel." tawag nya sakin. Paglingon ko, di ko man lang namalayan na ang layo na pala ng agwat ko sa kanya.

Tumigil ako saka hinintay ko syang makalapit.

Para namng nanadya na ang bagal nyang maglakad. Ang tagal ko tuloy na nakatanaw sa kanya.

"Ang bagal mo." reklamo ko para makaiwas sa pagkailang.

"Ang bilis mo naman kasi. May lakad ka ba?" biro nya.

I just rolled my eyes. Kahit naiinis ako sa kanya, di ko parin maiwasang hindi mapangiti sa mga banat nya sakin.

Ewan ko ba!?

"Tara." sabi nya sabay hawak ng kamay ko saka nag-umpisa nang maglakad. Napasunod na lang ako.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta at nagmamadali sya. Kung di ko bibilisan makakaladkad naman nya ako.

Maya-maya biglang...

Aaaaah!

Bakit naman ngayon pa!?

"Sandali Chad!" hila ko sa kanya. Kainis! Natanggal yung strap ng tsenelas ko. Pinilit kong kalasin yung pagkakahawak nya sakin saka binalikan yun.

Ang ganda pa naman tapos nasira agad. Binili ko yun kahapon dun sa nadaanan namin na store bago kami makarating sa port. Nagandahan ako yun pala, mahuna naman.

Nakasimangot na dinampot ko yun. Maya-maya lumapit si Chad. I lifted my head nang agawin nya yung tsenelas ko. "Akin na!"sabi nya.

"Wai--"

"Akong bahala." sagot nya nang nakangiti saka may dinukot sa wallet.

Kawad?

Hindi.

Paperclip na silver?

Nagtatakang pinanuod ko sya habang pinipilit nyang ikabit yung strap sa swelas ng tsenelas ko.

Nakayuko sya kaya di nya naman nakikita na tinititigan ko sya.

This scene reminds me so much of the guy with a black mask...

I shook my head.

That was years ago! Bakit ko ba naaalala yun kay Chad?

"Done."nakangiting sabi nya saka yumukod sa harap ko para ipasuot sakin yung tsenelas.

Di ko napigilang mapangiti. He's really something...

"Thank you." sabi ko sa kanya which he responded with a smile.

Tumalikod sya sakin sa tumawa.

Eh?

Bakit na naman kaya?

"You're still the same." narinig kong bulong nya.

"I'm what?"naguguluhang tanong ko saka lumakad papunta sa harap nya.

Namumula yung pisngi nya sa pagtawa. Nangunot lalo yung noo ko.

What's happening to this man!?

Umiling-iling sya. "Nothing." he said after releasing a deep sigh na para bang kinakalma yung sarili nya. But still, hindi naalis yung ngiti nya na umabot sa kanyang mata.

He held my hand again. Hindi naman ako umangal because somehow, the feeling made me relax.

Chad's POV

Do you remember the masquerade ball we attended nung nasa highschool pa kami?

Yun yung naisip ko nang makita ko syang nakasimangot habang hawak hawak yung sira nyang tsenelas.

Hindi ko tuloy napigilan yung sarili ko na matawa.

I just can't believe it!

We're sharing the same moments again. She's with me again.

She's the damsel in distress and I'm her knight and shining armour.

Corny?

I don't care!

Masyado ako masaya para intindihin kung nacocornihan kayo sakin o hindi.

I'm with her at kuntento na ako dun.

Sinulyapan ko sya. Tahimik lang sya habang naglalakad kami. Alam kong nagtataka sya kung saan kami pupunta pero gusto ko syang surpresahin kaya ayaw ko munang ipaalam.

Tiyak na matutuwa sya kapag nakita nya yung main attraction ng Los Balles Island..

ng Los Balles Hotel...

..ang dahilan kung paano ko sya napapayag na sumama sakin dito sa Palawan.

Ang Maze ng Rose Garden.

Napangiti na naman ako nang maalala ko nung ayaw nyang maniwala sakin kung saan yung tamang way.

She's too stubbon, really.

And I love her the way she is....

*******

A/N: Nagugulat ako na am bilis ng pag-increase ng reads pero unti lang ang comments at votes.. Pero kahit na ganun, naiisip ko na may nAtutuwang magbasa ng story na ito..kaya MAY UD ulet... :) salamaaat po

Cross RoadsWhere stories live. Discover now