Part 1 Crossroads

742 13 2
                                    

Part 1

Hansel's POV

"Aaaaaaaaaaaah!" Nakakainis! Kanina pa ako paikot-ikot sa kama at kung anu-ano na yatang posisyon ang nagawa ko pero hindi parin ako makatulog.Hindi kasi ako mapalagay. Kanina pa ako nag-iisip.
Bumangon ako at nakasimangot na umupo. Tiningnan ko yung alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng drawer ko.Mag-aalas dose na pala pero hindi parin ako nakakatulog. May appointment pa naman ako tomorrow at 8am.

"Kinukulam yata ako ng lalaking yun eh!" Naiiritang bulong ko. Kinuha ko yung unan at saka mahigpit na niyakap.

"Sino ka ba talaga? Bakit kilala mo ako?"Hopeless na sumandal ako sa kama. Mukha akong baliw. Kinakausap ko na naman kasi yung sarili ko.

"Aaaaaaaaaaaaah!" Binaon ko yung mukha ko sa unan. Bakit kasi hindi mawala sa isip ko yung lalaking yun!
Paulit-ulit na parang nag-eecho sa tenga ko yung mga sinabi nya.

"So you think, you could easily get rid off of me...Never again...Not anymore...Hansel."

Bakit nya kasi nasabi yun?
Hindi ko nga matandaan kung nagkakilala na ba kami dati. Tapos sasabihin nyang "again"..
Hindi kay pinagtitripan lang ako nun?
Pero, seryoso sya kanina. It's as if he really knows me.

Hindi kaya ex-boyfriend ko sya?
What a joke! Meron ba namang ex na di matandaan? 

Wala naman siguro akong utang sa kanya. Impossible!

Hindi kaya classmate ko sya dati..?
Pero kilala ko naman yung mga classmates ko.
School mate?

Kaloka lang.. Dahil wala naman akong naging ka-close masyado when I was in highschool except sa mga kabarkada ko noon na girls naman lahat. Third year highschool ako noong dalhin ako ni mommy sa Canada para doon na mag-aral. Then, kumuha ako ng Medicine nang mag-college. I have few friends in Canada pero lahat naman sila super close ko. And I'm very sure na hindi ko sya na-meet sa Canada.

Probably, he's from Highschool. Yeah kaya di ko sya masyado matandaan.

"Never again...
Not anymore..."

Why do I need yo bother myself?  Ano bang nangyayari sa akin? Sino ba sya para matandaan ko. E ano kung gwapo? Matangkad? Maputi? Matangos ang ilong? Singkit ang mata? At higit sa lahat, mabango?

Natigilan ako. Did I just compliment him?

"Aaaaaaaaaaah! Hindi! Hindi! Erase!" Mababaliw na yata ako. Sayang naman ang license ko nito kung masisiraan lang ako ng ulo dahil sa isang lalaking hindi ko naman alam kung kilala ko ba!

Speaking of license, yeah I'm a licensed doctor at the age of 27 and my precious name is Dr. Hansel Co. I'm a half chinese, half filipina. Bunso ako sa dalawang magkakapatid. I have a kuya. His name is Clive. He's 10 years older than me. Ang layo ng agwat namin noh? Well, hirap kasi si mommy magbuntis. Akala nga nila daddy hindi na masusundan si kuya tapos ayun nga pinanganak ako.

Si kuya Clive, may sarili na syang pamilya.Mayroon na nga syang binatang anak, si Mauris. Tapos succesful na rin sya sa business nya.

Si mommy at daddy naman, kahit matanda na ay sweet parin sa isa't isa. Actually nasa Italy sila ngayon for a vacation.
Samantalang ako... Wala.
I'm all alone. Napag-iwanan na yata ako ng panahon.Mayroon na akong sariling clinic, marami akong clients, kumikita ng maayos and I definitely enjoy my job. May naipundar na akong kotse. I even own a condo unit kung saan ako nakatira ngayon at Mayroon na rin akong naipon for my future.

Ang kulang na lang...Love life.
Nakakaloko namang nagflash sa isip ko yung mukha nung lalaki kanina.

No!

****************************

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon