Part 6 Kiss to Los Balles

583 10 6
                                    

Part 6 Kiss to Los Balles

Hansel's POV

Kanina pa ako palinga-linga rito. Hinahanap ko kasi si Cynthia. Bigla kasing nawala eh. Nandito kami ngayon sa Los Balles Resort for the wedding reception. Naiinip na ako. Wala kasi akong ibang kakilala dito aside sa magpinsan. Yung mga kasama ko naman sa entourage, sila sila rin lang yung nakukwentuhan. Now, I'm being left out.

Hindi ako nakatiis. Tumayo ako. Hahanapin ko si Cynthia. Tapos na rin naman akong kumain siguro pwede na akong umuwi. Sa kakalingon ko, nahagip tuloy ng mata ko yung lalaking yun. Ngumisi sya sakin. Ewan ko. Basta tingin ko, kapag ngumingiti sya sakin, may gagawin syang kalokohan kaya sinisimangutan ko sya sabay irap. Tinalikuran ko sya saka kinausap yung waiter.

"Excuse me, where's the CR?" tanong ko. Binigyan naman nya ako ng instruction saka ako nagpasalamat. Sa tingin ko kasi nasa CR yung babaeng yun eh.

Sinundan ko naman yung sign na nakadikit sa wall kaya madali kong nakita kung nasaan ang CR. Pumasok ako. Kakaiba lang, kasi blue yung paint ng walls. Hindi ba dapat pink? Napatingin ako sa mga urinals.

Hala! Mali ako ng pinasukan!

Buti na lang walang tao. Palabas na sana ako ng bigla may pumasok. Nagkagulatan tuloy kami.

"Anong--" sabi nya.

Hindi ko na sya pinatapos. Lumapit ako sa pinto saka tiningnan yung sign.

Shockz! For Men nga ito.

"Tsssss...Next time kasi i-check mong mabuti bago ka pumasok." sabi nya sakin.

"Aba't---" May sasabihin pa sana ako kaso may dumating na lalake. Gagamit rin yata ng CR. Inirapan ko sya saka nagmadaling umalis doon.

Haaay.. Bakit ba laging asungot yung lalaking yun sa buhay ko! Sa Kalye, sa entourage, ngayon naman sa CR! Eeeeeeeeeeeeeh! Kakainis talaga.

May dumaan na waiter. Tinawag ko. "Excuse me, saan yung CR?" Tinuro naman nya sakin yung kabilang way. Naman, nagkamali pala ako ng dinaanan.

Papasok na ako nang lumabas naman si Cynthia. "Ate Hansel, mag-CR ka?" tanong nya sakin. Sinimangutan ko sya. "Hindi. Hinahanap lang talaga kita. Nakakainip kasi dun. Wala akong makausap."

Tumawa sya. "You really know kung saan ako makikita ha!"

Natawa rin tuloy ako. "Sira! Tara na nga. Bumalik na tayo."

Sakto naman na pabalik na rin yung lalaking yun. Nakasabay tuloy namin.

"Ate, ang gwapo." kinikilig na sabi ni Cynthia. Lumingon naman sya sa amin saka ngumiti. Narinig siguro. Tiningnan ko si Cynthia, nagba-blush ang lola mo.

Siniko ko sya. "Tama na nga iyan. Tara na." hila ko sa kanya tapos nilagpasan na namin yung lalaking yun.

Ting...ting....ting......

Isa lang ang ibig sabihin nyan.

Guests are asking the couple to share a kiss. Nag-kiss naman sila. Medyo nagblush si Jamaica. Napangiti tuloy ako.

"Envy?"

Nilingon ko yung nagsalita. Hindi ko man lang nalaman na nakalapit na pala sya sakin.

Pinaningkitan ko sya ng mata. "HINDI KAYA!"

Hindi nga ba?

Shockz, Ano ba Hansel!? Erase! Hindi ka inggit. Eh ano naman kung 27 ka na, single ka pa rin!

"Ano bang paki-alam mo!?" sabi ko pa. Tumawa sya. " You should've seen your face! Ms. In-denial!"

Bruho rin itong lalaking ito ah. Tumayo ako saka ngumiti, yung pinakamatamis kong ngiti. Lumapit ako sa kanya kaya naman natigilan sya. Napalis yung ngiti nya. Nilapit ko pa ng kaunti yung mukha ko sa kanya tapos bigla kong tinapakan yung paa nya.

"Ouch!" sigaw nya. Napatingin tuloy samin yung mga bisita.

Patay malisya naman akong umupo ulit habang sya naman ay nakangiwing bumalik sa upuan nya.

"Attention single ladies. Please proceed here in front for the catching of bouquet." sabi ng emcee.

Well, wala naman akong choice kaya pumunta narin ako sa harapan. Pagdaan ko sa tapat ng table nung asungot, bigla syang nagsalita. "Goodluck." Ngiting ngiti na naman sya. Asar lang talaga.

1-2-3

"Ayyyyyyyyyyyyy!" sigawan nila.

Nagulat na lang ako nasa harapan ko na yung bouquet. Nasa bandang likuran kasi ako dahil wala naman akong balak maki-sambot. Nakatingin silang lahat sakin. Ako naman nakatingin sa bouquet na nasa paanan ko. Dinampot ko yun at kasabay nun nagpalakpakan sila.

Swerte ko ba?

************

Chad's POV

Si Hansel ang nakasalo ng bouquet. Nakakatawa. Parang kanina lang, nag-goodluck pa ako sa kanya. And as usual, inirapan na naman nya ako. Sungit talaga nung babaeng yun.

Ngayon naman, turn na namin sa garter. Napatingin ako kay Jordan at Errol. Ngumisi sila sakin. Mukhang may binabalak itong dalawang ito!

Hinagis ni Jordan yung garter pero hindi naki-agaw yung ibang groom's men kaya ako lang yung tumalon para sambutin yung garter.

Badtrip!

Tawanan silang lahat pero imbes na mahiya, humarap ako sa kanila saka nag-bow. Sa akin ang garter. Kay Hansel ang bouquet. Ibig sabihin----

Nagsalita yung emcee. "For those who catched the garter and bouquet, you will receive a week long package accomodation to Los Balles, Palawan coming from Mr. And Ms. Jordan Balles."

Nagpalakpakan yung mga guest.

Sa amin ang package!

"Kiss! Kiss! Kiss!"sigaw ni Errol.

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon