Part 2 Vodka

651 12 9
                                    

Part 2 Vodka

Chad's POV

"What's with that smile?" Nakangising tanong sakin ni Errol. Inagaw nya sa kamay ko yung bote ng vodka saka isinalin ang laman nyon sa kanyang baso.

Nandito kami ngayon sa isang bar sa Malate. Matapos ang nakakapagod na araw, dapat lang naman na mag-unwind, hindi ba.
Dinagdagan ko ng yelo yung baso ko at saka ininom ang laman. Bottoms up.

"Oo nga pare, parang good vibes ka yata ngayon." Si Jordan.

Silang dalawa ang mga kapatid ko sa kalokohan. We're college buddies. Pare-pareho kami ng kapalaran, ang maging tagapagmana ng posisyong iniwan ng aming mga magulang.

Si Errol, bilang panganay na lalake ng mga Lorenzo, at tagapag-mana ng Lorenzo Shipping Co. took over the position of his father nang magretiro ito. Hindi ko nga akalain na magtitino ang lokong yan. Noong college kami sya na yata ang pinakamahilig sa babae sa aming tatlo.

Iba naman ang kaso ni Jordan . His father died after we graduated in college at bilang unico ijo, he had no choice but to take over the management of their company . He can't let Los Balles Hotel go into trash. He knows how his father devoted his time and effort para lang mapalago ang business ng pamilya kaya naman, sya ang pumalit sa posisyon nito. Akalain mong nagkalat na ngayon ang Los Balles Hotel dito sa Pilipinas.
At ako, simple lang. Im the president of a well known company in Food and Beverages Industry.

Low Key lang!

"I found her!" maikling sabi ko. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang maalala ko kung bakit ko sila niyayang uminom ngayon.

"Bingo!" biglang sabi ni Errol.

"Baka Hansel, pare!" sagot naman ni Jordan na binuntunan nya ng tawa.
Mga sir*-ulo talaga tong dalawang 'to! Ugali na nila na kung anu-anong pangalan ng biscuit ang banggitin kapag ganito na ang usapan.

"Tssss...Ang corny, nyo!" I said with a smirk.

Nagsalin rin ng vodka sa baso nya si Jordan saka derederetsong ininom yun.

"Woah! Parang walang vodka sa hotel mo ah!" pansin sa kanya ni Errol.

"Pare, alam mo namang hindi ako umiinom kapag oras ng trabaho. Ngayon nga lang ako ulit nakalabas. Buti na lang libre ni Chad." sagot nito saka tumawa. "Pero, seriously pare, nakita mo na nga sya? Saan? Paano?" tuloy tuloy na tanong nito sakin.

"Hanep, pre parang interrogation sa police station! Apply ka kaya dun. Try mo lang!" Pang-aasar ni Errol. Hindi parin nagbabago, puro kalokohan parin ang alam.

"Upakan kita dyan eh!" sagot naman ng isa. Ganyan lang sila talaga pero hindi naman natutuloy sa totoong away ang biruan nila.

"Tama na nga yan." awat ko sa kanilang dalawa. "Nagkita kami kanina. Nandito na sya sa Pilipinas. And I'll do everything para maalala nyang may kasalanan sya sakin. This time, I won't let her slip away..." seryosong sagot ko.

"Wow, exciting yata yan! Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang. Game ako dyan!" sabi ni Jordan. He grinned as he took another shot.

"Syempre, ako din! Just give me a ring kung kailangan mo ng tulong. But for now, excuse muna. May aasikasuhin lang ako." Nakangising sabi ni Errol saka naglakad papunta sa dance floor at nakipagsayaw sa mga girls. The night is getting wild. I chuckled. Hanggang ngayon pala, chikboy parin ang loko.

"Pare, I'm getting married."

Napalingon ako sa narinig ko. O tama nga ba ang narinig ko?

"Ano?" tanong ko. Ang lakas ng sounds kaya hindi ko masyado marinig. "Anong sabi mo?" pag-uulit ko.

"Sabi ko, I'm getting married." nangingislap ang mga matang sabi nya sakin.

Whoah! Bago yun ah! Finally, matututo na ring magseryoso ang isang ito.

"Wow, congrats, pare. Let's drink to that! Who's the unlucky girl?" biro ko sa kanya.Tumawa lang sya. mukhang hindi lang ako ang good mood.

"She's Jamaica, my childhood sweetheart. Best man ka sa kasal ko ha!"

"Sure!" Nakangiting sagot ko. "Basta ba maganda ang partner ko sa entourage." dagdag ko pa.

"Akala ko ba may Hansel ka na!" naiiling na sabi niya.

"Oo nga! Kaya hanapin mo sya at sya ang gusto kong partner!" Natatawang sagot ko.

"Pahihirapan mo pa ako!"
Sabay kaming tumawa. 

****************************

Cross RoadsWhere stories live. Discover now