Just Next Door (continuation)

446 11 3
                                    

Chad's POV

Kringggggggg....

Napamulat ako bigla dahil sa tunog ng telepono. Inaantok na dinampot ko yung receiver saka sinagot yung tawag.

"Yes?" sabi ko saka mahinang nagpakawala ng hikab.

"Hey Bro." si Gerone. "Sorry to disturb you. Hindi ko kasi nasabi kanina na you and Hansel have a reservation sa Umbrella Resto for lunch. Kumatok ako kanina dyan sa kwarto nyo ni Hansel but it seems nagpapahinga kayo kaya pinagpaliban ko muna." mahabang litanya nito.

"Oh, yun ba." sagot ko saka tumingin sa suot kong relo. Pasado alas dose na pala at di pa kami kumakain ni Hansel. Gutom na siguro yun. "Mabuti nga ginising mo ako. Sige, ako nang bahala magsabi kay Hansel." pag-assure ko sa kanya. He gave me the instruction kung saan yung Umbrella Resto saka nagpaalam.

Mabilis akong bumangon para maligo. Hindi ko pa naaayos yung maleta ko pero mamaya na lang siguro. Dere-deretso akong pumasok ng banyo.

**************

Hansel's POV

"Oh no!" gulat na sigaw ko. Maling maleta yung nadala dito sa kwarto ko. It isn't mine. Bakit kasi magkapareho yung maleta namin ni Chad!?

"Aaaaaaaaah." napapadyak ako sa inis. Nasa akin yung gamit nya samantalang yung gamit ko nasa kanya naman. Paano ko kukunin yung gamit ko?

Tiningnan ko yung sarili ko saka napangiwi. Naka-tapis lang ako ng towel. Ayoko naman isuot ulit yung hinubad ko dahil amoy pawis na yun. Napatingin ako sa telepono saka nakapag-isip.

Bakit nga ba hindi?

Hihingiin ko na lang sa receptionist yung number ng kwarto nya para maibalik sakin yung gamit ko.

Tatawag na sana ako kaso di pa man ako nakakalapit ng tuluyan sa telepono ay bigla iyong nag-ring,

"Yes?" sagot ko sa tumawag. Hinigpitan ko yung pagkakatapis ng towel sa katawan ko saka umupo sa tabi ng kama.

"Hansel." umpisa nya. Si Chad agad yung pumasok sa isip ko. Hindi ako pwedeng magkamali boses nya yun.

"Ako nga." sagot ko ulit. "Chad ikaw ba yan?"

"Yup." He sighed then continued. "We got our luggage excha--."

"Yeah!" putol ko sa sasabihin nya. "Ngayon ko lang rin napansin. Paano Tayo magpapalit ng gamit?" tanong ko.

"Pupuntahan kita dyan." sagot nya agad. Magsasalita pa sana ako kaso naibaba na nya yung phone. Ilang segundo lang ang lumipas ay tumunog na yung door bell. Agad akong tumayo para buksan ang pinto. Natigilan ako nang maalalang wala nga pala ako suot maliban sa towel.

Hala! Kung mamalasin ka nga naman!

Bumalik ako sa kama saka hinila yung kumot at ibinalot sa katawan ko. Mas mabuti na ito kaysa sa wala.

Tumunog ulit yung doorbell. Sinilip ko yung tao sa peephole at nang makita ang mukha ni Chad ay binuksan ko ng kaunti yung pinto.

"Here's your luggage." sabi nito. Natulala naman ako.

Bakit?

Kasi naman!

He has nothing but a towel wrapped on his waist!

Whew!

Kakaligo ko lang pero parang naging maalinsangan yata dito sa kwarto.

He cleared his throat na nagpabalik ng huwisyo ko. "Where's mine?" sabi nya na bahagyang sumilip sa awang ng pinto.

"Oh, sorry." sabi ko saka nagmamadaling tumakbo palapit sa maleta nya na nasa tabi ng kama. Hirap akong hilahin ang gamit nya dahil may kabigatan yun.

"Can you help me?" tanong ko saka nilingon sya.

Pumasok naman sya ng kwarto ko bitbit yung maleta ko. Lumapit sya sakin para sya nang kumuha ng gamit nya kaya naman nalalanghap ko pa yung scent ng shampoo at sabon nya. Halatang bagong ligo.

Dali-dali naman akong umusod palayo.

Walang kahirap-hirap na hinila nya yun saka tumingin sakin. Then he raised his eyebrow.

"Para kang suman dyan." komento nya.

Tiningnan ko yung sarili ko bago sumagot. Natawa naman ako. "Kasi kakaligo ko lang." sabi ko. Gusto ko sana pang sabihin na. "At wala akong magamit na damit" kaso baka kung ano pang imaginin nya kaya wag na lang.

"Okay." matipid na sabi nya saka tumalikod at nagtungo na sa pintuan. Sinundan ko naman sya ng tingin.

Oh girl! Ano bang ginagawa ko? Nagiging maniac na aba ako kung sasabihin kong ang sexy ng likuran ni Chad. Well, hindi lang likod, kahit yung chest nya and the abs! Lumilipad na kung saan saan yung utak ko kaya nagulat pa ako nang magsalita sya bigla at lumingon sa akin.

"We'll have our lunch at Umbrella Resto. See you after 15 minutes."sabi nya na tinanguan ko lang. He smiled at me bago nya tuluyang isinara yung pinto.

Mabilis kong kinuha yung remote ng aircon saka tinodo yun para lumamig ang paligid.

Hala!

Nagiging pervert na yata ako!

**************

Leave naman po kayo ng comment if may time.. :) salamat sa pagbabasa.. :)

Vote? Fan?

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon