19. Kissing Booth

5.2K 150 18
                                    

Sana matuwa kayo!! Katuwaan lang. Huwag maniwala. 

Title: Kissing Booth

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Comedy

Tiningnan ni Kathryn ang nakasimangot at nakanguso na boyfriend sa tabi niya. Ilang araw na rin nilang pinag-aawayan ang gagawin niya ngayon sa ASAP. Carnival kasi ang theme ng ASAP. At mayroong mga booth. Dahil isa sa pinapangarap ng kalalakihan si Kathryn ay na-assign siya sa kissing booth. 

Nakatayo na siya sa loob ng isa sa mga kissing booth katulad nina Kim Chiu, Julia Montes, Maja Salvador at Shaina Magdayao. Mayroon rin namang kissing booth sa mga kalalakihan, pero hindi pinasali ng ASAP si Daniel dahil baka magkagulo.

“Hindi mo ito gagawin,” ilang ulit na sinasabi ni Daniel ito sa nakalipas na isang oras. Mukha na itong pinagbagsakan ng langit at lupa. Tiningnan niya ang nasa tuktok ng booth at parang gusto niyang sirain ito. Nakalagay kasi sa banner sa itaas: Kisses from the Queens.

“Hindi mo alam kung ano yung hahalikan mo! Nakakadiri kaya yun!” bulong ni Daniel sa kanya.

“Hindi ano kundi sino, Pottie! Isa pa, kiss lang naman sa cheeks ang gagawin namin.” wika ni Kathryn. “Isa pa, trabaho ito. Hindi naman ako papayag kung hindi, di ba?”

 “Trabaho, trabaho! Kung gusto mo ng pera, marami ako nun! Hindi mo na nga kailangang magtrabaho eh!” angal ni Daniel.

“Kath, ang dami-dami pa namang lalaki ang nangangarap na halikan mo,” pang-aasar ni Julia na lalong kinainit ng ulo ng binata.

Tiningnan ni Kathryn ang nakabusangot ng mukha ni Daniel at napangiti siya. Ang cute talaga ng boyfriend niya kapag nagseselos. Bago pa siya makapagsalita ulit, tumingin ang lalaki sa kanya. “Hindi ko gusto ang gagawin mo.”

“Ang overprotective talaga ng bf mo baby girl,” sabi ni Shaina. “Simpleng kiss lang sa cheeks, ayaw.”

Lumapit pa lalo si Daniel kay Kathryn. “Okay, hindi masyadong off ang halik sa pisngi pero paano kung – paano kung...” napatigil sandali si Daniel at umiwas ng tingin sa dalaga. Ginulo nito ang kanina pang magulong buhok at bumulong, “...paano kapag humingi ng kiss sa lips mo?”

Ngumisi si Kathryn sa binata. Inilagay niya ang kamay sa magkabilang pisngi nito at sinabing, “Ikaw lang naman ang gusto kong halikan...”

Napalayo siya si Kathryn kay Daniel ng biglang dumating si Gerald Anderson, ang boyfriend ni Maja Salvador. Hindi rin masaya ang mukha nito.

Naramdaman niya ang kamay ni Daniel sa ilalim ng baba niya at iginiya ang ulo niya para tumingin sa binata. “Oo nga’t ako lang ang gusto mong halikan, pero hangga’t hindi ka umaalis sa booth na ito, ibig sabihin noon, willing kang halikan ang iba.”

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon