Chapter 13

3K 72 3
                                    

Chapter 13

Nagising ko kinaumagahan dahil sa pagtama ng araw sa mukha ko. ginusot-gusot ko ang mata ko at kinapa ang cellphone kong nasa ulunan ko lang.

Hindi pa ako makadilat ng mabuti pero nakikita ko ang iilang message na sa tingin ko ay galing kay Ariel

From: Ariel

Don’t be late.

Umismid ako. Napatingin ako sa orasan.7: 01 nang umaga. Tumayo ako sa kama par asana dumiretsyo na sa banyo ng mahagip ng mata ko si Lance na natutulog padin sa sofa.

Itinaas ko ang kilay ko pagkatapos ay unte-unte syang nilapitan.

Mukha syang nahihirapan sa posisyon nya sa pagtulog, Masyado syang matangkad para sa sofa ko. Pinagmasdan kong mabuti ang maamo nyang mukha. Sa totoo lang, Hindi ko naman talaga alam kung sino sa kanilang dalawa ni Brian ang mas gwapo. Gwapo si Lance, oo! Aninado ako doon, isa pa. Mas nagugustuhan sya ng mga babae dahil sa pagkasuplado effect nya at pagkamisteryoso.

Magulo ang buhok nya pero maganda padin tignan, Nanipis ung labi nya pagkatapos ay sobra sa pagkapula na akala mo at buong araw nyang kinagat kaya parang dumurugo.

Tahimik lang si Lance. Pero, nakakatakot na sya kapag nagsalita.

“What are you doing?” biglang sabi nya pagkatapos ay dinilat ang kanyang mga mata.

“Kyah!” tili ko nang dahil sa gulat. Napaupo ako sa lapag ng dahil doon.

Tumuyo sya pagkatapos ay umupo sa sofa, Humikab pa sya sa harapan ko. Tinignan ko sya ng masama. “Bakit kaba nanggugulat?” sighal ko sa kanya.

Binalingan nya ako ng tingin. “Anung sinasabi mo? Ako ang papatayin mo sa gulat. Bakit kaba nakatitig sakin?” tanung nya.

Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay nagiwas ng tingin. What the hell? Anu bang iniiisip ko kanina at pinupuri ko ang kagandahan ng mukha nya?

“hm.. anu.” Utas ko pagkatapos ay naghanap ng kahit anung pwedeng maidahilan sa kanya.

“G-gigisingin lang sana kita.” Utas ko sa kanya pagkatapos ay tumayo ay kumuha ng towel.

Diretsyong naglakad ako papasok ng banyo ng hindi sya sinusulyapan. “Dyan ka na. Maliligo ako.” Utas ko sa kanya pagkatapos ay nagmamadaling pumasok na sa loob.

Sinara ko agad ang pinto pagkatapos. Irolyo ko ang mga mata ko pagkatapos ay sinimulang maghubad.

“What the hell?” bulong ko sa sarili ko habang naliligo. Panay ang padyak ng paa ko dahil sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko ay wala na akong nakikita kundi ang natutulog na mukha ni Lance, Parang nakakaroon ng after effect sa utak ko ang maamo nyang mukha habang natutulog. Shet!

Pagkatapos kong maligo ay agad na din akong lumbas ng banyo. Binalot ko ang katawan ko sa tuwalyang hawak ko kanina. Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Lance na nagluluto sa kusina. Napalingon sya sa akin pagkatapos ay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, Itinaas ko ang kilay ko ng makitang ngumise sya sa harapan ko.

“W-wag ka ngang tumingin!” sighal ko sa kanya pagkatapos ay hinawakang mabuti ang tuwalya sa katawan ko.

Tumalikod sya pagkatapos ay nagpatuloy sa pagluluto. “I cant help it.” Bulong nya pero dinig ko padin, Uminit ang pisnge ko sa sinabi nya. Agad akong dumiretsyo sa cabinet pagkatapos kumuha ng damit na maisusuot, Pumasok ako sa CR pagkatapos ay doon isinuot iyon. Banas na banas ako. Hindi ako sanay na may lalaki sa condo ko, Kung ako lang magisa, Kahit na maglakad ako ng nakahubad ay walang problema.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

Ngaun lang ako nadidistract sa presensya ni Lance. Dati-rati, Hindi naman talaga.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos ay humarap sa salamin habang pinapatuyo ang buhok ko.

Panay ang sulyap ko sa salamin dahil nakikita ko si Lance sa reflection nito, Kinagat ko ang ibabang labi ko. Gusto ko talagang batukan na ang sarili ko ngaun. Anu bang problema ng mga mata ko?

“where are you doing?” tanung ni lance sakin habang nagayos ako.

Umubo ako kunwari bago sumagot. “Sa Agency na pinagtratrabahuan ko. Meron ako pictorial for a new set of clothes para sa kaibigan kong si Ariel.” Utas ko sa kanya.

Hindi sya sumagot sa halip ay pinasadahan nya lang ako ng tingin habang naglalagay ng pink ng lipstick. Nagbuhol ang tiyan ko dahil sa tingin nya. Para akong constipated na ewan,

Nirolyo ko ang mata ko pagkatapos ay nagiwas ng tingin.

Shet. Anu ba tong nangyayari sakin?

“Joey.” Biglang sabi nya.

Pakiramdam ko ay nagulat ang buong systema ko dahil doon kaya di sinasadyang lumampas ng lipstick na inilalagay ko. “Shit.” Bulong ko sa sarili ko.

Kumuha agad ako ng tissue pagkatapos ay pinunas iyon sa pisnge ko.

Binalingan ko sya. “anu ba un? Bakit ka ba nangugulat?’ tanung ko sa kanya habang banas na banas na pinupunasan ang kumalat na lipstick sa pisnge ko.

Pinagsalop nya ang dalawa nyang kamay habang matamang nakatitig sakin. “Ikaw ang wala sa sarili.” Utas nya.

Napatikom ang bibig ko dahil doon, tumayo ako sa kinauupuan ko pagkatapos ay nilapitan sya.

“Pakain nga!” utas ko tapos kinuha ang pinggan at nagsimulang kainin ang niluto nya.

Umupo sya sa harapan ko pagkatapos ay nagsimula nading kumain.

“I’ll go with you.” Utas nya.

Nalaglag ang panga ko. “no!” utas ko sa kanya.

Kumunot ang  noo nya sakin. “bakit hindi? Wala naman akong gagawin dito.”

“Maiwan ka dito sa condo.” Utas ko.

“Anung tingin mo sakin, aso? Hihintayin ko lang pagbabalik mo? No.” utas nya pagkatapos ay nagsimulang kumain. Umismid ako. Ilang beses akong umirap pero wala naman akong magagawa, Sabagay. Anu nga bang gagawin nya dito?

“Maayos kana. Malalate ako.” Utas ko pagkatapos ko ay tumayo na.

“hey.” Utas nya kaya nilingon ko sya.

“anu na naman?” tanung ko.

Inangat nya ang gilid ng labi nya sakin. “You should thank me.” Utas nya.

Itinaas ko ang isa kong kilay.”at bakit? Wala akong nakikitang dahilan para pasalamatan ka” pagsusungit ko. Ngumuso sya sa harapan ko

“You doesn’t have an asthma attact again, because I always cooked you healthy foods, I even clean your house and do you meals everyday. Can’t you realized that?” tanung nya sakin.

Namilog ang mata ko pagkatapos ay ilang beses akong kumurap-kurap sa kanya.

Totoo naman lahat ang sinabi nya sakin.

“Tss. Edi thank you!” utas ko sa kanya.

Ngumise sya. “Thank you lang?” tanung nya. Sumimangot ako.

“A-anung gusto mong gawin ko?” tanung ko sa kanya.

“Can you go out with me?” tanung nya na nagpalaglag ng panga ko.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now