Chapter 58

712K 9.2K 570
                                    

Chapter 58


[Vianca's POV]


Hindi ko mapigilang mapataas ng kilay habang kaharap si Mitsui. Kanina pa siya nangungulit sa akin. Ano bang problema ng lalaking 'to?


Mula doon sa ibaba ay sinundan niya ako sa kwarto ko para lang sabihing may sakit siya at kailangan niya ng head massage. Puwes, hindi ako nurse o therapist na makakagamot sa kanya.


"Umalis ka na nga kasi dito," pagtataboy ko sa kanya.


"Sige na, babe... Please, isang masahe lang sa ulo, tapos aalis na agad ako. Please... babe," parang batang pakiusap niya.


Bigla akong natigilan. Ang paraan ng pagkakasabi niya at ang mukha niyang nakatitig sa akin. Aminado ako na may kakaiba akong naramdaman.


Oo, matagal nang gwapo si Mitsui. Pero parang may nag-iba sa kanya ngayon. At 'yon ang hindi ko basta maipaliwanag.


Maliban pa roon, dahil sa ikinilos niya ay bigla kong naalala si Lei. Magkapareho ang ugali nilang dalawa kapag naglalambing.


Kahit 'di ako sigurado kung ano talagang intensyon niya, kung naglalambing ba siya o nang-aasar lang. Isa lang ang natitiyak ko, hindi maitatangging mag-ama talaga sila.


Umiwas ako ng tingin kay Mitsui. Hindi ako kumportableng magkasama kami sa loob ng silid ko.


"Umalis ka na. Nakakaistorbo ka lang. Pupunta pa ako mamaya doon sa site," iritableng sabi ko. Nagawa ko lang 'yon para maitago ang tunay kong damdamin at magmukhang naiinis sa kanya.


"At isa pa, bakit ba 'babe' ka nang 'babe'? Ang pangit pakinggan. Hindi ako baboy." 'Di ko mahanap ang tamang salita para sa kanya at wala na akong ibang maisip, kaya iyon na lang ang nasabi ko.


Eh, totoo naman. Aside from, hindi maganda sa pandinig ko ang babe na 'yan, hindi niya ako dapat basta tinatawag na babe. As far as I know, wala na kaming relasyon. Walang lugar ang pa-sweet na tawagan sa buhay naming dalawa.


Ibinalik ko ang tingin kay Mitsui na kasalukuyan pa ring nakaupo sa gilid ng higaan ko. Masakit daw ang ulo niya, kaya siguro hindi na maipinta ang mukha niya.


Ah, basta! May sariling kwarto naman siya. Hindi siya dapat nagpipilit na dito magpahinga.


Akmang hihilahin ko na sana siya sa braso. Inaasahan kong makikipagmatigasan na naman siya. Baka nga tabigin pa niya ang kamay ko.


Pero laking gulat ko nang sa pagkakataong ito ay bigla na lang niya akong kinabig sa bewang ko.


"Ayy! Ano ba!" Napatili ako nang mabilis niya akong ihiga sa kama.


Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon